|
From " Local Brownies" Album
Yosi
(R. Sierra)
Pagka gising, pagka kain
yosi kaagad ang hahanapin
mga dibdib, naninikip
pag walang usok na mahithit
Labas ng bahay
pera'y dala
at sa tindahan ay pupunta
bili ng yosi kung merong pera
at kung wala, pakilista
Chorus
Bakit ba sa yosi ay na-aadik, na-aadik 2x
Sa tambayan, at sa inuman
ang yosi ay `di naiiwan
at sa lahat ng lakad mo
yosi ang laging kasama mo
TB mo pre ay cable na
`di ka pa rin nadadala
silipin mo ang iyong baga
unti-unting nawawala
(repeat chorus)
Listen to soundclip
|
From "Local Brownies" Album
Tupang Itim
(A. Sierra)
Laking kalye, malayo sa magulang
tipong salbahe, walang paninindigan
laging lasing, gahaman pa sa bisyo
siya ang lalaking nakikilala nyo
Chorus
Tupang itim, humarap sa salamin
Tupang itim, sarili'y kilalanin
tulungan nyo akong hanguin sa dilim
ang mga tulad nating mga tupang itim
Laging sabog, gahaman sa laman
isip ay durog, walang paroroonan
sobra ka na, araw araw na yan
salot ka na sa ating lipunan
Listen to soundclip
|
|
From " The Sequel" Album
Naaalala mo pa ba?
(R. Sierra)
Ang mundo nati'y kay liit
nung tayo'y mga bata pang paslit
babaw ng ating kaligayahan
isang kibot lang ay tawanan
Ang dungis dungis natin
ngunit kaya naman ding tiisin
at ang mga amoy natin
katulad na ng sa kambing
Refrain
ngunit ang pogi natin yun ang ating feeling
lalo na't makasalubong mo na si Ning ning
Chorus
Naaalala mo pa ba nung tayo ay mga bata pa
laro doon, laro dito nangangamoy nang kabayo
kahit tayo'y walang pera, ngunit tayo ay masaya
wala tayong nadaramang problema
Sa tuwing kabilugan ng buwan
naglalaro ng taguan
At sa pag sapit ng ulan
Naliligo sa putikan
Laman tayo ng kalsada
tanghali man at umaga
at sa pagsapit ng gabi
mukha nang mga ulikba
(repeat refrain and chorus)
Ngayong tayo ay meron nang
mga sariling pamilya
nakikipaglaro na lang
sa ating mga tadhana
Refrain 2
Ngunit pogi pa rin naman ang aking feeling
Lalo't katabi ko na palagi si Bing-bing
Naaalala mo pa ba nung tayo'y nagka pamilya
kayod doon, kayod dito, kayod na parang kabayo
wala pa rin akong pera ngunit pamilya'y masaya
ngayon ay dumarami na ang problema
Ngunit pogi pa rin ang aking feeling
Lalo't katabi ko na palagi si Bing-bing
|
From " Local Brownies" Album
Sipag at Tiyaga
(A. Sierra)
Bakit kailangan mo pang dumayo
sa bansang hindi naman sa `yo
para lamang makaahon
sa hirap na dinaranas mo
Kung ang hanap mo ay trabaho
upang lumaki ang kita mo
di na kailangang pumunta doon
ang mundo mo ay naririto
Chorus
Sipag at tiyaga, yan ang kailangan
Sipag at tiyaga, mahalin mo ang trabaho mo
Sipag at tyiaga, dito sa 'ting bayan
Sipag at tiyaga, kailangan dito ang mga katulad mo
Kung doon ka nagtatrabaho
kailangang subsob ang ulo mo
masungit pa ang iyong amo
baka mapugutan ka pa ng ulo
(repeat chorus)
Kung dito ka sa bayan mo
malapit ka pa sa pamilya mo
naririto rin ang mga kaibigan mo
pagtiisan mo na lamang ang trapik dito
(repeat chorus)
Listen to soundclip
|
|
From " Local Brownies" Album
Drawing Room
(R. Sierra)
Sa drawing room kita unang nakita
di ko pa noon alam ang iyong pangalan
napakaamo mong mukha ang s'yang humila
sa puso kong bakante at walang laman
No'ng gabi ding 'yon ay biglang nagkakulay
ang mundong aking ginagalawan
sumigla rin ang buhay kong nananamlay
pakiramdam ko ay bigla ring gumaan
Refrain
Di na kita tinantanan, umaraw man at umulan
inalay ko ang sarili, umaga hanggang sa gabi
barkada ko ay iniwan, ikaw lang ang sinusundan
swerte nama't tayo'y naging magkaibigan
Mga karibal ko'y namamatay na sa inggit
di mo na kasi sila pansin, ako na lang
mga mata nila'y nanlilisik at naniningkit
sa t'wing tayong dalawa'y nagdaraan
|
From " Local Brownies" Album
Paki Nyo
(M. Sierra)
Ako'y Istambay
Ngunit di barumbado
Ako'y galawgaw
Ngunit di manloloko
Ako'y di adik
Pero naninigarilyo
Ako'y umiinom
Ngunit di naman lasenggo
Ngunit eto lang ang masasabi ko sa inyo
Oy! paki nyo
Pag gising sa umaga
Mabaho ang bunganga
Naghahanap ng kape,
Pandesal at mantekilya
Tapos, maghihilamos
Suklay sa long hair ko
Konting limogmog
Whew! presko na
Ngunit eto lang ang masasabi ko sa inyo
Oy! paki nyo
Kita-kita sa mga kabarkada
Malayo pa, nakatawa na
Tapos, konting istorya
Sa nangyari kagabi
Taod-taod tanghalian na pod
Tingin nyo ba, ako'y tamad
Oy! hindi a
Ako yata ang nag-aalaga
ng kyut kong mga aso't pusa
Paki nyo, Paki nyo
Ano bang paki nyo?
Paki nyo, Paki nyo
tigilan mo na nga yan
Listen to soundclip
|