Subterranean Subterfuge: Endless Bounds

Legend

Stopovers

Powered by TagBoard.com


Ano Itetch:
23rd Edition

Chikkaminute

 
Powered by Websurveyor

Previous Poll

When you're haggard and all, which is the best recreation?

Sleep

(12 votes) 70.59%

Food

(4 votes) 23.53%

Sports

(1 votes) 5.88%

Total response: 17 votes


Marathon Folks

FILE 97
September 19, 2005  Monday

Aftermath

Snapshots

[ ' _ ' ] : "Congrats..."

"Pfft... Congrats."

Ang delivery ng last quote e combo ng tatlong YM smileys. Yung may rolling eyes yung una. Tapos yung kulay pink na galit. Tapos yung may ngiting labas yung buong set ng ngipin (kasama ata wisdom teeth dun).

Sabi na, dapat sinabi ko na lang iyon through text noong gabing in-announce ang mga wagi. Hindi rin. E bakit pa ako makikigulo sa linya ng celphone nun? Walang duda, dadagsain yun ng mga congrats at mga ok-lang-yan text, parang linya ng Smart kapag Pasko at Bagong Taon. Tama lang na two days late.

[ ' _ ' ] : "Biteryo ka pa rin ha..."

Dead air. Sana sinabi ko na rin na dilaw ang kulay ng UST.

[ ' _ ' ] : "Ikaw ba yung na-late sa may headstand?"

"Muntik lang..."

[ ' _ ' ] : "Sabi ko na e..."

"Talo na nga, ino-okray mo pa."

Yun tayo e. Baka napaiyak na naman kita kung humirit pa ako. Insensitive remark na naman yung 'sabi ko na e.' Pero ang ibig kong sabihin... sabi ko na, ikaw nga yung na-pinpoint ko at napanood. Near-sighted ako. Andami-dami niyo. Tapos anlayo-layo. Tapos pare-pareho pa kayo ng gupit. Accomplishment yun na ma-pinpoint kita diba, parang Where's Wally.

Kung ito ang nasa thought bubble ko: 'sabi ko na, ikaw yung papalpak dun e'... nye, sana di na ako gumawa ng banner.

[ ' _ ' ] : "Hindi. Nag-text ka dati, mga May. Sabi mo pasok ka na sa halftime pero kailangan mo pang matutunan ang rotating headstand. Tapos ngayon nagagawa mo na. Biggest stage."

The Marathon Man took a breather on 12:16 am, 9/21.

FILE 96
September 4, 2005  Sunday

Absolute Frequency

Snapshots

Nitong nakaraang Miyerkules (August 31), naging host ako ng Absolute Frequency, isang symposium ng UP Broadcasters' Guild na tumalakay sa mga sumusunod...

status of the radio industry
radio ethics
radio performance
career opportunities for students

Bisita namin si Rolan Bola ng DZBB, at sina John Hendrix at Joe Spinner ng Campus Radio 97.1. Ayoko na nga halos magsalita dahil parang nakikinig na lang ako ng radyo.



In a nutshell, this is their insider observation: FM radio has not changed much for the last decade.

The radio I experienced when I was a Grade 4 student is still the same radio existing today... in terms of how it functions (track-playing, info on song, album and artist, and timecheck) and of how it operates (through sponsors).

At may isa pa silang observation na pinasabi na lang nila sa kaibigan kong Campus Airchecker... bukas daw yung zipper ko habang nag-ho-host.

The Marathon Man took a breather on 10:43 pm.

FILE 95
August 28, 2005  Sunday

Peace of Mind

Lens Lockdown

I have peace of mind when I finish assigned tasks, homeworks, errands, etc. But this type of peace of mind is a given, simply a reaction. This is the gratification phase after something has been accomplished.

Try finding peace of mind when you are either pressured, or tired, or perplexed, or bothered by all sorts of negative energy��when peace of mind is seemingly on vacation. It's a challenge, most definitely. But these are the times when such peace is most needed.

We search for peace of mind when it is not there. How we look for it, where we find it... it differs from person to person like pixels from a huge billboard. What are yours?

Mine is odd. There's nothing special in watching someone sleep. Or in trudging a muddy trail while raining. Or in hoping for time to pass quickly while waiting in a bench.

But I find peace of mind in it.
You, I have peace of mind with you.

Peace of Mind

The Marathon Man took a breather on 1:42 pm.

FILE 94
August 23, 2005  Tuesday

Green Light

The Dish

Matapos ang ilang araw, kagabi ko lang sinabi sa nanay ko ang kuwento ng Estribo (File 93). Liberating; ang alam lang kasi ni mudrax ay yung epilogue ng kuwentong ito na isang malaking sugat sa kanang tuhod ko.

May epilogue pa kasi ang kuwentong iyon na nakalimutan ko ilagay. Umaandar pa nang kaunti yung jeep noong pumara ako at di na ako tumapak sa may estribo. Ayun, na-off-balance ako at nagkasugat sa kanang tuhod. Okay na sana; napuruhan ko na si gago kaso mali lang talaga yung timing ng pagbaba. Lupin the III nga yung exit, yung clumsy version nga lang.

Ang sabi ko kasi sa nanay ko noong mismong gabing nangyari iyon e nadapa ako, which is partly true anyway. Ayun, ang sabi ni mudrax, buti hindi ako nasaksak. Oo nga no... []

Sa TV Production class namin, Musical Interpretation na ang pinapagawa. Bahala kami pumili ng kanta tapos lalapatan namin ng mga images na parang Powerpoint na MTV. She Will Be Loved ng Maroon 5 ang gagamitin ko. Literal interpretation ang konsepto pero mga toddler at baby ang mga characters...

She Will Be Loved

"He was always there to help her;
she always belonged to someone else." []


May bago akong ginagamit na indicator kung magiging swerte ang araw ko: yung mga traffic lights ng Regalado Avenue sa may Fairview. Kapag swerte ako, laging green light ang iilaw kapag dadaan na yung sinasakyan kong FX sa kantong may traffic light��mga apat na kanto yun.

Nitong Quezon City Day may ganitong alignment na naman ang mga green light sa Regalado kaya swerte na naman ako.

May sideline akong sundo noon, kaso late na ako kaya malamang umuwi na mag-isa yun. Pero nung binaba na ako ng FX dun sa may overpass na binababaan ko, saktong tumatawid pa lang siya dun sa may overpass. Kung na-late pa ako ng mga tatlumpung segundo, di ko na naabutan yun. Swerte lang... []

-- [ I'm gone, like green light overdependence. ]

The Marathon Man took a breather on 2:01 am.

FILE 93
August 19, 2005  Friday

Estribo

Snapshots

Medyo low-batt na ako habang nakasakay sa isang Almar Zabarte na jeep kagabi. Kakatapos lang ng praktis namin sa basketball team at gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay at magpahinga sa aking kama na alaga sa fabric conditioner. Mahaba ang biyahe pero mabilis naman kasi walang trapik kapag ganung oras ng gabi

Nakaupo ako sa may bandang kaliwa ng jeep, malapit sa estribo. Pero hindi sa may pinakadulo, kasi ang nandun ay ang katabi ko sa kanan... isang high school student na natutulog. Sa harapan ko ay mga kaibigan nung katabi kong natutulog... dalawang mukhang mga totoy na kadalasang extra sa mga palabas na Hiraya Manawari at Bayani. Tinutukso nila na huwag nang matulog yung katabi ko sa kaliwa... na kaibigan din nila.

"1... 2... 1... 2..."

Bilang nang bilang yung katabi ko sa kaliwa na tinutukso nila na huwag matulog. Mukhang 1-2-3 ang iskema ng mga magkakaibigang ito at walang balak magsibayad ...

"...3!..."

Parang mga long-lost na kamag-anak na biglang darating sa bahay mo pag malaman na may nag-balikbayan, biglaan akong sinapak sa kaliwang cheekbone nung katabi ko sa kaliwa na kanina pa bilang nang bilang. Naka-status quo pa rin yung leeg ko. Walang masyadong pwersa yung banat niya.

Akala ko holdap pero inawat siya nung mga kaibigan niyang nasa harap niya na tulad nga ng sabi ko e mukhang mga extra sa Hiraya Manawari and the likes. In lowest terms, napag-tripan ako. Ganun ba kaangas ang dating ko. Baka naka-tiger-look lang ako kasi pagod at inaantok na ako.

Mataas pa ang testosterone at adrenaline levels ko kasi kakatapos ko lang mag-basketball ng tatlong oras kaya tinitigan ko ng masama yung nanapak sa akin ng mga labinlimang segundo pa siguro. Parang Pentium 4, na-process ko na apat silang magkakaibigan at napapalibutan nila ako kaya isang malaking X kung papatulan ko sila sa loob ng jeep.

"Mam�, para ho...," sabi ko, in a projected voice courtesy of my Radio Perfomance professor, Mam Pinky Aseron.

Nanlaki ang mga mata ng nanapak sa akin na parang satisfied na satisfied... siguro pakiramdam niya nasindak niya ako.

Pero mas nanlaki yung mata niya noong nakatanggap siya ng left jab. Hindi nga ganun ka-bloated ang mga braso ko pero triceps ang pinaka-developed sa akin. At least bago nagtapos ang gabing iyon may isa sa amin ang napagalaw ang leeg.

Paglingon niya para harapin uli ako, estimately two seconds, naka-exit na ako ala Lupin the III. Hahabol pa sana si gago kaso umabante na yung jeep at ayaw na siyang palabasin ng mga kasama niya. See you later, dude.

The Marathon Man took a breather on 7:54pm.

FILE 92
August 16, 2005  Tuesday

Sunggab

The Dish

Midterms exam ko mamayang umaga sa Communication Research 101 (madaling araw na ngayon). Hindi ako makapag-review dahil ngayon ko lang nalaman na nawawala yung maliit kong handy-dandy notebook; nandun lahat ng notes ko kaya kamusta naman ako. Papasok na lang ako nang maagang-maaga bukas... []

Napadaan itong si Cheche Lazaro sa Maskom noong July 27. Napadaan lang talaga, kasi wala namang event sa Maskom at wala rin siyang dala-dalang crew. Sana nakadaldalan ko man siya kahit mga 5 minutes. Broadcast Communication ang pinili kong course sa kolehiyo dahil sa impluwensiya ng Probe Team noong high school ako... []

With Probe Team's Ms. Cheche Lazaro.

Nalaman ko lang kanina na bukas na uli ang Student Exchange Program ng UP sa Japan. One year ito. Free airfare, board and lodging, may allowance pa. Matagal ko ng pangarap ito pero sabi ko noon aantayin ko na lang na mag-third year ako. Well, third year na ako.

Kahit gustong-gusto ko, parang hindi ko masunggaban ang opportunity na ito nang buong puwersa. Dikit na dikit na kami ngayon ng buong block namin sa Broadcom. Tapos hindi ko pa sila makakasabay kumuha ng mga majors. Hindi ko sila makakasabay mag-graduate. Paano sasabay...

Bahala na. Mag-a-apply pa rin ako. Deadline: next week. []

-- [ I'm gone, like my decision-making. ]

The Marathon Man took a breather on 1:26 am.

FILE 91
August 13, 2005  Saturday

Preamble

Lens Lockdown

If this were another place and time, I would hedge my bets, be passive, avoid rejection, and be afraid of frogs.

I'm still afraid of frogs, but last I checked... I am not in another point in time. I am here and have taken charge of my decisions. I have the option to be scared or not, to play safe or be otherwise. And I choose to give my spine a purpose.

Because I don't care anymore. Really.

The Marathon Man took a breather on 3:28 am, 8/14.

Foreword

The
Marathon Man

Faucet Leak

Calorie Burn

Archives

Face-offs

1
Hosted by www.Geocities.ws