My Subterranean Subterfuge: Flares of Resurgence
This is Shinichi, signing on for the hibernating Bambam Alegre.

Legend

Ano Itetch

Chikkaminute

Powered by WebSurveyor

Cocktail

Ukay-ukay

Faucet Leak

ENTRY 58
March 21, 2005  Monday

Manila Ice

The Dish

I'm back. Halos isang buwan ding inactive ang blog ko. Siyempre, busy tayo sa mga exams at iba't ibang mga requirements... Actually, busy pa rin ako; sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na i-redesign ang blog na ito. Hindi ko na matiis. Hindi talaga ako puwede sa marshmallow EQ test. (sana naaalala niyo yun, yung sa commercial).

And so, kamusta naman kayong mga nagbabasa rito? Gumawa pala ako ng bagong classification ng mga entries dito para maiba naman. Pinakapaborito ko sa apat itong THE DISH. Masarap kasing maging trigger-happy sa keyboard. Subukan niyo.

Kinilabutan ako nang marinig kong kumanta ng Lupang Hinirang itong si Lani Misalucha sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada para sa laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales. Kahit parang OA yung pag-render niya (baka isipin tuloy ng mga Kano na ganoon kantahin ng mga Pinoy ang pambansang awit araw-araw), na-touch pa rin ako at napa-taas-noo. Ewan ko nga ba, muntik na niya ako mapaluha. National pride.

Wala naman tayong dapat ikahiya dahil moral victory ang pagkatalo ni Manny Pacquiao nitong nakaraang Linggo. Hindi naman tayo napahiya sa global stage kasi two points lang ang lamang ni El Terible Erik Morales, 115-113. Sa sobrang tindi ng laban, naging kulay pink yung puting shorts ni Morales.

Pero panigurado, andaming natalo sa pustahan. Tsk. Tsk.

Hindi nagamit ni Manny yung pauso niyang Manila Ice. Ito raw yung right hook na inensayo niya na tatapos kay Morales. Pero dahil hindi nga nagamit, sinabi ng isang kolumnistang korni sa Philippine Daily Inquirer na naging Manila Eyes na lang (dahil dun sa sugat na nakuha niya sa kaliwang mata). Sana kasi hindi muna sinabi sa media ang Manila Ice. Dapat nagamit muna talaga bago iniladlad. Para mas may dating.

May bago pala akong pinsan. Si Luis Leandro Alegre...

Baby Lean I Baby Lean II
Baby Lean III Baby Lean IV
Baby Lean V Baby Lean VI

For more convenience effect, puwede natin siyang tawaging Lean (Le-y�n). Labintatlong araw pa lang siyang nabubuhay sa mundo, pero in-expose ko na siya kaagad sa radiation ng infrared. Teknolohiya nga naman.

Hindi na naman nakalimutang sabihin sa akin ng mga tito't tita at lolo't lola ko na: Bam, huwag ka muna mag-aasawa ha, mahal ang gatas. Pwede ba, wala pa nga akong girlfriend e.

Speaking of girlfriend��teka, next time na lang. Kaya nga inimbento ko yung AORTA AVENUES.

Mabalik tayo. Habang tinitignan ko si Lean, napaisip ako. Ilang taon na lang pala ay magkakaroon na rin ako ng baby. (6-7 years from now ang projected timetable ko.) Pero hindi pa rin ako marunong magkarga ng bagong panganak na sanggol. Natatakot ako na baka madurog ko yung bumbunan.

Nga pala, subukan niyo pala yung Choco Drizzles ng Mr. D**** (ano kayo, swerte? libreng all-out advertisement?). P11.00 lang ang isa. Sarap!

I'm out like all the bets for Manny Pacquiao...

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 9:59 pm, 3/22.

ENTRY 59
March 23, 2005  Wednesday

Outset

Aorta Avenues

This will be the most cryptic set of entries. Uncover to your own inconvenience, good luck.

By chance, I locked eyes with her in the canteen as she was leaving. Of my usual frightful reaction, I immediately looked away in Mr. Bean fashion. We haven't been introduced properly.

I've heard of her. I've always wanted to befriend her. I looked back when I felt she has already left and caught a part of her face. She was in that phase where the mouth just finished smiling and is returning to normal. She smiled; I looked away. Rude.

Not that I am giving any meaning to that smile. She is essentially friendly. It was just another casual smile. But that was a chance to acknowledge my presence in the college. And so started a stretch of three days where I fished for encounters, smiling at her everytime.

That three-day stretch is my real holy week. Heavenly.�

This is crazy. There really was no formal introduction. We haven't even talked for more than 5 minutes. And yet I'm thinking she could be my future wife. Really crazy. Clearly, this is just infatuation as of now. But there are some things that are hand-delivered by intuition. I know it. I just know it.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 9:51 am.

ENTRY 61
March 28, 2005  Monday

Fabulosa

The Dish

Kanina pa ako nakatitig sa monitor para gumawa ng isang ten-page na essay. Mahirap pilitin kung wala talaga... kaya blog na lang muna.

Hindi ko kinaya ang aming pusang si Fabulosa. Pakiramdam talaga niya bahagi na siya ng pamilya namin. Paborito niyang istambayan yung harap ng pinto namin para mag-abang ng pagkain. Kahit daan kami nang daan sa harapan niya, hindi siya naiilang. Pagkakaalam ko, kung isa siyang normal na pusang kalye siya ay matatakot sa mga dumadaan na tao sa paligid. But no, steady lang siya sa kanyang puwesto. Ginawa pa  nga niyang kama ang walis tambo sa may harap ng bahay...

Fabulosa, ang pusang tamad sa kanyang walis tambo.

Ito ang pusang saksakan ng tamad. Tulog nang tulog buong araw. Ni hindi nga magawang malinis ang sarili (tunghayan ang mga grasa sa kanyang balahibo). Marahil kaya hindi siya naiilang sa amin ay dahil wala naman talaga siyang paki sa nangyayari sa paligid niya EXCEPT kung ito ay pagkain. Hindi nga siya na-intimidate sa larawang ito, nag-Mona Lisa pose pa...

Fabulosa, ang pusang tamad sa kanyang Mona Lisa pose.

Nanonood pala ako ngayon ng Lord of the Rings. Meron kaya itong kinalaman sa Pasko ng Pagkabuhay? Malay ko. Hindi ko kasi kabisado ang storyline nito kaya hindi ako makaimbento ng dahilan. Kung may naiiisip kayong connection nito sa Easter Sunday, ilaglag niyo lang sa comment hyperlink pagkatapos ng entry na ito.

'Wag niyo ako pagtawanan pero nanonood ako ng Full House, yung Koreanovela ngayon ng GMA7. Wagi ang kagandahan at body frame ni Song Hye Kyo (Jenny sa Endless Love: Autumn in my Heart). Dahil dito, na-contemplate ko nitong mahal na araw na mahilig pala talaga ako sa mga kagandahang Koreanovela. Bakit ko sinasabi ito? Para mabanggit ko lang ang aking bagong crush. Sana makita ko na siya uli. Maaliwalas ang araw tuwing ngingitian niya ako. (",)

Mula ng natuklasan ng kapatid ko ang konsepto ng Unlimited Text ng Smart, hindi na niya binitawan ang kanyang cellphone. Exams pa naman niya this week. Buti pa ako, walang load kaya walang inaatupag na ganyan. (wala rin naman akong ma-text e.�)

Kung ako ang tatanungin, tablado ang Sun Cellular sa pakulong ito ng Smart. Pero masyado namang marami ang kumagat sa 24/7 Bandwagon nila kaya hindi sila dapat mag-alala. Ngayon, ang hinihintay ko na lang ay ma-threaten ng TM Power Piso ang Smart at Globe. Pero parang dinidedma pa rin siya ng sambayanang Pilipino. Maling desisyon siguro ang ipakita sa commercial ad nito ang landian sa telepono ng mag-asawang Montano.

Nagpagupit pala ako ng buhok. Sabi ko sa barberong kamukha ni Nyoy Volante, bawasan lang nang kaunti yung gilid. Tapos, nakatulog ako kasi nakaka-relax yung de-kuryenteng panggupit. Pagkagising ko, 3x4 ang kinalabasan. Susme, para na naman akong nasa high school.

I'm out like Fabulosa's concept of reality.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 12:44 am.

ENTRY 63
April 4, 2005  Monday

Lolek

Lens Lockdown

Sa totoo lang, hindi ko siya masyadong pinapansin noon dahil lagi naman siyang nandiyan. Wala akong gaanong pakialam kaya para akong isda sa loob ng aquarium na hindi na napapansin ang tubig. Ngunit may konsepto rin ng evaporation ang tubig...

Siya ang unang ginawan ng comic book ng Marvel Comics (1983).

Siya ang pinakabatang nahirang sa edad na 57.

Siya ang una ng Ikatlong Milenyo.

Siya ang unang nanggaling sa isang bansang komunista.

Siya ang unang nagsuot ng 'trousers' bilang pang-ilalim.

Siya ang unang nagsuot ng contact lens.

Siya ang unang nakatapak sa isang moske ng mga Muslim.

Siya ang unang nakatapak sa isang synagogue ng mga Hudyo.

Siya si Lolek sa kanyang mga kakilala sa Wadowice, Poland... isang batang athletic na mahilig maglaro ng soccer at mag-skiing.

Pope John Paul II.

Paalam. Hahanap-hanapin rin kita... hahanap-hanapin ka rin namin.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 3:22 am.

ENTRY 64
April 5, 2005  Tuesday

Letters

Aorta Avenues

No one uses letters that much anymore... with good reason. As a means, it is rather old. It has seen great kings fall and vast kingdoms burned. It has coursed through the history of man all the way to the great world wars. It ranks there among concepts of knights-in-shining armor and seeing the world in rose-tinted glasses and is... quite funny.

Old-school as it is, I still find it incredibly reliable... especially that I don't have to use the pen and the paper. Thing is, it's just a springboard to discussion. I can't overdo it.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 11:35 pm.

ENTRY 65
April 8, 2005  Friday

Free Samples

The Dish

Likas na abusado ang mga Pilipino... kaya ilang beses nagkaroon ng mga EDSA Revolt, at kaya may unlimited text at internet.

E sa libre e... ako, hindi ko tinatantanan yung mga kaibigan ko para magpalibre ng yema (hehehe). Pag handaan naman, nakakadalawa o tatlong balik ako sa buffet. Ewan ko lang, kasi aminado akong buraot (lambing ko lang ito, haha!). Pero kahit na. Ikaw ba, sa buong buhay mo hindi ka pa ba tumikim ng mga libreng pa-sample sa mga grocery? O kaya kung sumasakay ka ng MRT, hindi ka ba kumukuha ng libreng dyaryo na Libre kung naabutan mong meron pa?

Nanonood pala ako ngayon ng Magpakailanman. Tungkol ito ngayon kay Vicente Undecimo, isang magsasaka na nagtrabaho kaagad matapos magpabunot ng ngipin kaya namaga ang panga. E hindi agad pinatingin kaya namaga ng todo-todo (parang may malaking bola na nakasabit sa panga niya hanggang sa may dibdib). Pakiramdam tuloy niya lagi siyang pinaguusapan at pinandidirihan ng mga tao kaya madali na siyang mairita. Pero iniintindi siya ng asawa niya kahit lagi itong nagagalit. Naalala ko tuloy nung nagkabulutong ako last year. Ganun din kaikli ang pasensiya ko, pero keri lang kay mudrax. Hindi niya sinabayan ang init ng aking ulo.

Kaya kayo, pag may nakakasalamuha kayong mga taong may malubhang sakit na pinandidirihan, wag niyong tratuhin na parang dapat kaawaan. Intindihin niyo pag bad trip. Palakasin niyo ang loob at pataasin niyo ang tingin niya sa sarili niya para tumapang. (Wagi ba ang public advisory?)

Medyo marami-rami na rin akong narinig na kanta ng Spongecola. Dapat silang tawaging Spa-ha-ngecola. Yun na!

...touch me wa-ha-ns... and you'll know it's tru-hu...

[Crazy For You]

...naaalala ko ang mga-ha gabing...

...magkatabi-hi sa ula-ha-an...

[Jeepney]

...kailanga-han lang pagbigyan...

...kulang lang sa pansi-hi-n...

[KLSP]

Gudlak na lang talaga kay Ate Guy. Nahulian siya sa Los Angeles International Airport ng walong gramong shabu sa kanyang mga bagahe. Diumano'y nakalagay lang ito sa lalagyan ng film (ang diskarte, mapurol!). Kung totoo man yung bintang na iyon, sana di na lang siya nagdala. Susme, LA yun! Sabi sa akin ng kaibigan ko na nagbakasyon doon kamakailan, marami naman daw ang nagtitinda ng drugs doon. (eshusmi, hindi po drug user ang kaibigan kong ito... if you only knew).

Darating daw ang 200 heads of state ng samu't saring bansa para sa libing ni Pope John Paul II. Paano kung biglang sumabog at malipol ang buong Vatican City? Buwahahaha! (ito naman, di mabiro...)

I'm out like Ate Guy...

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 12:15 am.

ENTRY 66
April 14, 2005  Thursday

Jeepney

Lens Lockdown

Napanood ko yung eksena ni Darna sa MRT noong isang araw. Napanood ko na yung ganung action scene sa Spiderman II pero keri lang, ginamit naman ang MRT para ma-relate sa popular culture ng Pinas. Siguro kung pwede lang mag-ta-tumbling sa loob ng jeepney, iyon siguro ang ginamit na setting.

Hindi ko na ipapaliwanag dito kung gaano na kalalim ang lugar ng mga jeepney sa kultura ng mga Pinoy. Ito na lang...

Babaeng windang: "Ma, bayad ho... pakibaba niyo na lang po ako sa may Villanova ha..."

Tsuper: "Sige ho."

 

[estimately three minutes and a half-kilometer later... ]

 

Babaeng windang (kinausap ang katabi) "Malayo pa po ba yung Villanova?"

Matandang babae: "Ay, Villanova ho ba? Mali po kayo nang nasakyan. Sa kabilang jeepney po kayo dapat sumakay."

Lalaking panot na katapat: "Novaville ang madadaanan ng jeep na ito. Hindi Villanova.

Tsuper: "Villanova ho ba? Akala ko Novaville."

Babaeng windang: "Naku. Manong, sabi niyo dadaan ng Villanova..."

Matandang babae: "Tawid ka na lang pagkababa mo rito at balik ka sa sakayan."

Babaeng windang "Tssk. Para!"

 

[a minute later...]

 

Lalaking panot: "Hindi naman kasi siya nagtatanong. E hindi nga dadaan ito sa Villanova, sa kabilang jeep yun e."

Buntis: "Napalayo pa siya ng sobra tuloy; gabi pa naman."

Lalaking panot: "Hindi kasi nagtatanong..."

Buntis: "Dapat kasi nagtatanong..." (paulit-ulit na binubulong ito, kahit wala ng kausap)


Kung gusto mo makakita ng larawan ng pangkaraniwang Pilipinas, sumakay ng jeep.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 12:20 am.

ENTRY 67
April 15, 2005  Friday

Craft

Aorta Avenues

Edited April 23, 2005.

I've never written a love story.

 

It's that chance I've never taken,

to play with dialogues and emotions.

I'm lazy; that's as simple as it is.

I'd rather spend time with the PlayStation,

or shoot 50 three-pointers.

But ants don't always use the same route.

And thus, I want to change that.

Today,

I'll write a love story.

Everybody has reasons.

I have my reasons.

I've always thought of publishing a novel.

I've always dreamed of winning

the cash prizes

of prestigious writing awards.

But these reasons are as phony

as Michael Jackson's side of the story.

Some bigger force

has convinced me.

It's not hard to understand why.

It's harder to understand

how her eyes

can weaken my knees.

It's harder to understand

how her voice did just the opposite,

how it can relax my nerves.

Heavenly.

I'll write a love story.

But before I help others

I'll first help myself.

I'll write my own story��

make that a production! ��

the script, the sequences,

the background music, the effects...

But truth be told,

I can't do it.

I can help with the creative planning.

But I can't write it.

Some bigger force must be writing this.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 6:37 pm, 4/14.

ENTRY 68
April 22, 2005  Friday

German Cut

The Dish

Na-miss ko ang pag-blog. Nag-umpisa na kasi ang summer class ko kaya nanibago ang tatamad-tamad kong lifestyle. Ang mga kinuha ko ngayon ay Chemistry 1 at Hapon 10 (puro mga basic courses). For a change, dahil dito maaga na ako natutulog at gumigising.

Tulad ng huling edisyon ng The Dish (Entry 65), nanonood uli ako ng Magpakailanman ni Mel Tiangco. Pero tungkol lang naman kay Manilyn Reynes, kaya wag nang i-discuss...

Live kong natunghayan ang paglabas ng kakatalaga pa lang na si Pope Benedict XVI sa balkunahe ng St. Peter's Basilica. Kahit hindi ako numero unong fan ng mga scripted na events ng Simbahang Katoliko (example: ang iisang script na ginagamit sa mga misa), natuwa ako sa konseptong itim na usok pag wala pang napili at puti kapag meron na. Basta, may elemento ng drama e...

Ewan ko lang talaga, pero noong una kong nakita yung bagong Pope, ang unang pumasok sa isip ko ay si Penguin (Danny de Vito) sa pelikulang Batman Returns... oo alam ko, ang sama ng ugali ko.

Pope Benedict XVI Penguin, Batman Returns

Nga pala, German itong si Pope Benedict XVI a.k.a. Joseph Cardinal Ratzinger. Kababayan niya itong labs na labs kong si Dirk Nowitzki. NBA Playoffs na sa Linggo at ang makakalaban nina Dirk at ng Dallas Mavericks ko ay si Yao Ming at ang Houston Rockets. All-the-way-support na ito. Sino makikipagpustahan sa 'kin? Dallas ako. Kahit limang piso lang o kaya isang Choco Drizzles ng Mr. Donut ang pusta.


Speaking of German, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung paano gawin ang German Cut sa pagpapatuli. Summer na uli, kaya tulian session na naman. Kagat ng langgam? Di totoo yun... wala ngang nararamdaman e.

Pero kadurdur yung nakita ko sa TV na matandang nagtutuli ng de-pukpok sa mga bata sa probinsiya. Yung gamit niyang pang-disinfect na dahon ng bayabas ay nilalawayan niya muna bago ilagay sa ari ng mga bata. Siguro napanood ito ng parlorista dito sa subdivision namin kaya biglang umuwi ng probinsiya.

Habang naglalakad ako sa SM Fairview nitong isang araw, na-conclude ko ang dalawang pinakanakakadiring public property. Ang una ay ang mga payphone, pero medyo tolerable pa ito. Ang di ko talaga kinaya ay mga videoke. Pabulong na pananalita pa nga lang sa telepono may mga tumatalsik ng laway, birit pa kaya?

I'm out like those kids' foreskins...

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 1:26 am.

ENTRY 69
April 28, 2005  Thursday

Pintura

Lens Lockdown

Araw-araw akong bumababa sa overpass sa Commonwealth Avenue kasi kaunting lakad lang mula dito at nasa Maskom na ako. Nasa may tapat ng Iglesia Central ang overpass na ito. Kahapon ng umaga, (Miyerkules, April 26) nagtataka ako kung bakit may pulang pintura sa may kalsada.

Murder Scene

Kinagabihan pala ng mga 10pm (Martes, April 25) may mga napatay ang mga UP Police na limang holdaper dito. Dedelehensiya sana ang mga kumag na ito, kaso nasalisihan ng mga pulis.

Sorry, not your lucky day.

Tuyo na ang mga dugo sa kalsada. Pero dahil pattern ng gulong ang naiwang mga bakas ibig sabihin lang, marami-rami ang dami nito noong sariwa pa ito para daan-daanan ng mga sasakyan at iwan ng bakas.

Ibig sabihin, masyadong maaksiyon ang tagpong iyon at puwedeng nandoon ako noon kasi doon nga ako sumasakay pauwi. Buti at summer ngayon kaya maaga ako umuuwi. Pero kapag regular na sem, kadalasan ganoong oras ako umuuwi (10pm).

Ngunit aksaya lang ng panahon ang ma-involve sa ganitong tagpo��unless bida-bidahan ako o kaya'y may darating na Darna na kalahati lang ang natatakpan ng bra. Sabi nga ng rags-to-riches na milyonaryong may-ari ng Dallas Mavericks na si Mark Cuban...

"...Risks can be minimized
through planning..."


So there. Sumakay na lang sa Philcoa pag aabutin ng gabi; may mga magnanakaw pa rin doon, pero mas may ilaw...

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 1:37 am.

ENTRY 70
May 1, 2005  Sunday

Airtime

Nonagon Chart

UPDATED May 4, 2005, no. 6-9.

Nagbabayad ng limpak-limpak na pera ang mga may-ari ng mga ito para mapansin... Wish granted. (Dapat lagi kang nanonood ng Philippine Free TV para maka-relate).

{=1=} Fitrum Capsules. Kung ang goal ng produktong ito ay magpapayat, bakit si Judy Ann ang finished product model?

{=2=} Refresh Mineral Water. Nakakasira talaga ng araw sa tuwing maririnig ko yung bata rito na ilabas sa butas ng ilong ang lahat ng sinasabi niya.

{=3=} Wings Fabric Conditioner. May "libreng eleganteng platito" sa loob ng bawat kahon. Cereals ba ito? At basta ata may kaunting design, elegante na agad... How creative can we get?

{=4=} ACLC Assoc Grad gets the job...  Nakaka-LSS yung jingle nito, lalo na yung Sweldo, I love you sweldo! Medyo diyahe kasi kapag ito yung kinakanta ko (nang pabulong) in public e... Runners-up: At AMA, we're on our way, closer to our dreams each day... Nowadays, it's got to be, ang business school na may I.T., ABE...

{=5=} San Miguel (Kris Aquino). Tama nga yung sinabi ng kaibigan ko (isa sa mga nag-edit ng commercial na ito): magbabago ang tingin ko sa kontrobersiyal na artista na tampok dito. Siguro, for a moment. Shock-and-awe yung presentation e. But Kris Aquino is Kris Aquino. At hindi na niya ka-edad sina Angel Locsin ngayon. Dati pa yun, noong partner niya pa si Rene Requestas.

{=6=} TM Power Piso. "Hello, Shine?", my butt...

{=7=} McDonald's (Frankie Pangilinan). Sorry, Sharon. Frankie was your last chance para magkaroon ng look-alike na anak after maging female version ni Gabby si KC. Ilang beses ko nang tinitigan si Frankie, si Kiko pa rin nakikita ko e.

{=8=} Model Employee (Rejoice). Nakaka-bother, ewan ko kung bakit...

{=9=} Pantene / Coke. Ano ang pinagkatulad ni [1] Anna ng Pantene (Gandang Hindi Pinaghihirapan), ni [2] Nikki ng Coke (Sana'y Masabi...), at ni Steven Tyler ng Aerosmith?

Aerosmith's Steven Tyler

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 12:39 am.

ENTRY 71
May 5, 2005  Thursday

Dance of Feathers

Lens Lockdown

Dahil sa kaka-blog ko, anim na buwan na akong hindi nakasulat sa aking kulay blue na chronicles. Nahalungkat ko itong entry na ito kahapon. Mag-i-isang taon na rin simula nang sinulat ko ito at ang laki na rin ng nagbago sa buhay niya...

ENTRY 92: DANCE of FEATHERS

May 30, 2004 Sunday

It was a breach of dominions. Her world rubbing against mine��the famous against the commoner, the rich against the without. A portal linking our dimensions unexpectedly opened before me as I was strolling aimlessly at Robinson's Novaliches a while ago. And for a moment, she was very near. Despite the barrier created by the fence between me and the stage, she was very near.

My eyes wouldn't look nowhere else. Probably, it knows art when it sees one. I have to notice the contours and the curves: a gifted, toned physique from top to bottom. Her long, black hair had the same hypnotic capability as that of a pendulum. And her face bore the charm of a Barbie Doll, very picturesque.

I felt like levitating around a swirl of feathers. I have long decided to avoid romantic explorations with girls named Angel because it's the name of my father and thus makes me feel awkward. But if it's Angel Locsin, I'd gladly dispel that notion.

I said to myself that we'll meet again and know each other personally. My eyes are on GMA7 after I graduate, so that would be a very feasible goal. One day, I'll be face to face with an angel of the famous and bubbly sort.■

There you go. Darna na siya ngayon.

Anyway, na-realize ko na hindi lahat ay pwede kong isulat sa blog. Kasi ma-bo-bore lang kayo kung ilalagay ko rito ang pang-araw-araw kong routine at pamumuhay. Mahirap din mag-broadcast ng mga iskema't itlog na hindi pa napipisa kahit na gustong-gusto ko itong ikuwento.

Conclusion: ipagpapatuloy ko ang pagsulat sa kulay blue kong chronicles na hininto ko noong Entry 109 dahil sa blog na ito. I-po-post ko ang ilang entries dito when the time is right.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 11:27 pm, 5/04.

ENTRY 72
May 6, 2005  Friday

Trump Card

Aorta Avenues

Ever since I started eyeing her, I know I wasn't alone, and that I'll never be alone. But what good is a Popeye episode without Brutus? I think it's senseless to win an award when you just went head-to-head with your own butt.

By all means, I don't intend to have her as just a trophy to satisfy my ego. I wish to share worlds with her and make life more beautiful in the process. But it's not a walk in the park. It's an obstacle course just like any other.

Like those numerous humps in subdivisions, there are, of course, Brutuses. I can't match up with them wallet-to-wallet or something like that. I can't even assure myself that I'll have load for my cellphone so that's a non-issue.  But still I tend to think about them: what they do, how they do it, where and when... things like that.

But it's an unproductive activity. It's like watching your pet cat all day to see her release shit. But anyway, I've written about it here so I won't think about it anymore. I can't do anything about it anyway.

I'll just look after myself and stop looking for something to blame for an impending failure. Murphy's Law is Murphy's Law but it shouldn't be exaggerated. A while ago, I was using the Brutuses as excuses to fail. After this summer is over, I may blame my inability to capitalize my trump card (super trump!).

I see her everyday. It's a gift from my own grit and probably, from chance too. Because of it, I don't rollover with sheer thrill like a mad dog anymore everytime I see her. I'm just glad to see her everyday. Theoretically, I know what to do with that card... taking what I get each day while striking while the iron is hot. But the key is timing. And that is where I'm shaky...

So help me God (and friends).

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 1:05 am.

ENTRY 73
May 8, 2005  Sunday

Let's Go, Dallas!

Lens Lockdown

I didn't want to talk about these guys until they finally win a playoff series. Well, win they did... [photo: Jason Terry and Dirk Nowitzki (41)]

Jason Terry and Dirk Nowitzki

I won't give a detailed recap about what happened during the playoff series of the Houston Rockets and the apple of my eye, the Dallas Mavericks. You can read about it in NBA.com. All there is to know is we won and we will face MVP Steve Nash and the Phoenix Suns next. To be down 0-2, then win it 4-3, that's character there.

Yao Ming and T-Mac

Thank you, Yao Ming and T-Mac for testing the Mavs to the limit.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 10:50 pm.

ENTRY 74
May 12, 2005  Thursday

Walkathon

The Dish

From P 5.50, magiging P 7.50 na raw ang basic fare sa bus at sa jeepney. Pwede na itong makabili ng pagkain sabi ng aking crush. Siyang tunay, kaya dapat igiit mo ang 20% discount kung istudyante ka.

P 7.50 - ( P 7.50 x 0.20 ) =
 P 6.00

Let's Go Math 2! (Basic Math)

5 km/day ang ideal na rate para sa brisk walking sa pagkakaalala ko (correct if wrong). Sa UP, kahit masarap maglakad, hindi pa rin na-fu-fulfill ng lahat ang quota na ito... kasi may mga tumatangkilik pa sa mga jeep na Ikot at Toki. Pag naging P 7.00 na ang pamasahe...

P.S.: 2.5 km ang isang ikot sa UP Academic Oval.

Minsan habang naglalakad ka sa isang public place (e.g. mall), may makakasalubong ka bigla tapos iiwasan mo para di kayo magbanggaan. May code of ethics sa ganitong mga sitwasyon: ang KEEP RIGHT. Kanan ka, kanan siya... no problem. Pero instinctively, lagi ako sa kaliwa lumiliko, and thus, may takaw-pansing patintero pang nagaganap. Naisip ko baka pagpaparamdam ito ng ADHD (Attention-Deficit Hyperactivity Syndrome) na matagal ko nang ibinaon sa limot.

Windang siguro ang mga palaka ngayon. Nagpapahinga sila ngayong summer para kapag panahon na ng tag-ulan, full force sila sa pag-ko-kokak kasabay ng bagyo. E bumabagyo ngayong summer e...

I'm out like those frogs' summer vacation...

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 11:16 pm.

ENTRY 75
May 14, 2005  Saturday

Shaman Shinichi

The Dish

Let's go, back-to-back Dish Gatherings entries! Pinalitan ko na pala ang pangalan ng mga entries na ito. The Dish dati ito e... moving on...

May bagong segment ang blog na ito. Tignan niyo sa may bandang kanan yung The Shaman. Gudlak sa akin sa bagong venture na ito. Actually, ginawa ko ang entry na ito para i-plug lang iyan.

Friday the 13th kahapon. Minalas naman ba kayo? Sa Chemistry I report ko kanina, ayaw mag-play ng Powerpoint. Kamalasan man yun, dapat na-anticipate ko ang Murphy's Law.

Pero bukod naman doon e masaya ang buhay kahapon... wala nga lang pasok ngayong Sabado't Linggo.

Speaking of which, kaya ko na pala itanong in Japanese kung kailan ang birthday mo... kung ano ang pangalan mo... at ang edad mo...

otanjoubi wa i-tsu des'ka (birthday)

onama-e wa nandes'ka (name)

nansai des'ka (age)

There you go, alam mo na rin. Desuka talaga iyan pag sinulat mo sa Jap, pero des-ka ang pronunciation nila. That and more unique (and crazy) tidbits about Jap culture ang na-harbat ko sa aking prof. Totoo na pag pinag-aralan mo ang isang language, na-ga-grasp mo rin kahit papaano ang culture nila.

Kaya kamusta naman si Alex Casiano na tinuturuan mag-Tagalog ng kanyang jowa na si Ethel Booba?

Harbat nga pala ang paborito kong word ngayon. Pamamaraan ito ni Lolit Solis para sabihin ang pang-a-arbor. Example: Ang ganda naman nitong bracelet mo, harbatin ko ha?

I'm out like everything Lolit Solis sees.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 12:03 pm.

ENTRY 76
May 17, 2005  Tuesday

Dreams

Aorta Avenues

I want to talk about dreams. Not the long term ones, but those that come during sleep.

As I went about and grew up, I concluded I have no control over what may appear in my dreams everytime I sleep at night. That whatever may appear is just coincidental. But this seems to be wrong lately. The things I have been dreaming about as of late were��surprisingly��thoughts that I have entertained in a day's worth.

Days ago, it was a sequence with trump card subject, something seemingly cut out of a Final Fantasy music video... expressions of passionate, wholesome concern that I know deep inside would qualify in that list of things I'd trade my life's work for.

And just last night, a sequence with a very, very familiar ghost... a ghost who just left a very evident boo in here. In that sequence, it was an enrollment scene... but no, not for college. Here, everyone and everything seems to be in place to finally re-open a hanging chapter. I was chasing this ghost all around the halls and the lobbies, somehow I really wanted it back. But all the while, I was still reluctant.

One thing I was sure about these two sequences: I was making real-time decisions while I was in it. Something like a reality show. I was thinking. I was weighing the consequences of decisions I may take. Something like that, weird.

Dreams, I've come to conclude, are not controlled by some security guard, some pimp or some bouncer. It is yours for the taking and for you to use alone. Some things can't be shared with anyone in any way and can find expression in these parts.

Shinichi's solution to the problem lit up like a flare at 10:58 pm, 05/16.

Sketch

The Shaman

Halu-halo



Daloy at Dagsa

Cocktail Replies:
Face-offs

Notes and
Narratives

 

ARCHIVES

 
 

= Back to Present =

 
1
Hosted by www.Geocities.ws