Para sa 7th edition ng ating Ano Itetch? [Feb 1 � 6]
Tama, ito nga ay isang...
Kandila
Sobrang galing nina sim... at bluetulip. Congrats!
Para sa ibang mga sumagot, sobrang lawig ng imagination natin ha!
8th edition
na ng ating Ano Itetch? [Feb 7�28]. Ano ang nasa larawang ito?
Fill in the Blanks
Di naman siguro halata kung ano ang agenda para sa buwang ito... For
that, punan ang patlang.
Love is _________
Bed of Roses
Entourage
Notes and Narratives
Some songs
perfectly describe my state of affairs though I don't know its writers
personally. This is it as of late, my songs of the moment.
[02-14-05] What are buddies for, buddy? It's fine with me.
Promise.
Torete Moonstar 88 / Popcorn
Sandali na lang.
Maari bang pagbigyan.
Aalis na nga.
Maari bang hawakan
ang iyong mga kamay.
Sana ay maabot ng langit
ang iyong mga ngiti.
Sana ay masilip.
'Wag kang mag-alala.
Di ko ipipilit sa'yo.
Kahit na lilipad,
ang isip ko'y
torete sa'yo.
Ilang gabi pa nga lang
nang tayo'y pinagtagpo
na parang may tumulak.
Nanlalamig.
Nanginginig na ako.
Akala ko nung una
may bukas ang ganito.
Mabuti pang umiwas
pero salamat na rin
at nagtagpo.
Torete, torete, torete ako.
Torete, torete, torete, sa iyo.
[02-22-05] Three years. Well, it probably is a dead end.
Someday We'll Know Mandy Moore and Jonathan Foreman / A Walk to Remember
Ninety miles
outside Chicago.
Can�t stop driving
I don�t know why.
So many questions,
I need an answer.
Two years later,
you're still on my mind
Whatever happened
to Amelia Earheart?
Who holds the stars up in the sky?
Is true love
just once in a lifetime?
Did the captain of the Titanic cry?
Someday we�ll know
if love can move a mountain.
Someday we�ll know
why the sky is blue.
Someday we�ll know
why I wasn�t meant for you...
Does anybody know the way to Atlantis? Or what the wind says when she cries? I�m speeding by the place that I met
you for the ninety-seventh time... tonight.
Someday
we�ll know if love can move a mountain. Someday we�ll know why the sky is blue. Someday we�ll know why I wasn�t meant for you...
Someday we�ll know why Samson loved
Delilah? One day I'll go dancing on the
moon. Someday you�ll know that I was the one for
you....
I bought a
ticket to the end of the rainbow. I watched the stars
crash in the sea If I can ask God just one
question: why aren�t you here with me tonight?
Someday
we�ll know if love can move a mountain. Someday we�ll know why the sky is blue. Someday we�ll know why I wasn�t meant for you...
Someday we�ll know why Samson loved
Delilah? One day I'll go dancing on the
moon. Someday you�ll know that I was the one for
you....
Bakit masarap panoorin ang mga Koreanovela kahit sobrang predictable ng takbo
ng kuwento o di kaya naman e kahit sobrang gasgas na ng mga linya? Kung ako ang
tatanungin, nadadala ito sa setting...
May mga paborito kasi akong lugar na sa tuwing nandun ako, namamasyal ang
ulirat ko sa kung saan-saang lupalop��tungkol dito, tungkol dun, tungkol sa
ganito, tungkol sa ganyan, tungkol sa inyong mga nagbabasa
rito at tungkol sa... kay... sa...
Paborito kong mag-muni-muni sa mall, kahit maraming tao rito. Kadalasan kasi may
kiosk sa gitna ng mall na nagtitinda ng mga piano at ng mga acoustic guitars.
Habang tumutugtog ang demo pianist ng isang nostalgic na piyesa, nagiging
blurred ang paligid ko at parang ako lang ang nakakakita sa sarili ko. Ito yung
pakiramdam na solo ko yung paligid, at kung anu-ano na ang nag-fa-flashback sa
utak ko.
Nandiyan rin ang Academic Oval sa UP,
yung rutang AS to Maskom. Nagsisilagasan ngayon ang mga dahon ng
akasya at malakas pa rin ang ihip ng hangin, kaya napapadalas ang local version
ng cherry blossoms dito. Sa kapapanood ko siguro ng mga anim� at ng mga
koreanovela, kakaibang peace of mind ang nakukuha ko. Araw-araw
ko tuloy inaabuso ang paglalakad dito. Sobrang
therapeutic. Sobrang conducive para mag-daydream.
Pero ang pinakapaborito ko pa rin ay dito sa harap ng computer ko tuwing madaling araw. Pwedeng-pwede kong
patugtugin ang kahit anong song of the moment. Sabay patong ng ulo sa may
tabi ng keyboard para naman hindi ko masyadong nasasalo ang radiation ng
monitor.
Ngunit bago ka maghanap ng mga paboritong daydream settings, dapat may
subject ka. Kung mag-iisip ka ng malalim, dapat may iniisip ka.
May papel ka ngang susulatan, pero wala ka namang maisulat na kuwento. Wala ring
kuwenta. Pero kung wala ka namang taong mapagtuunan ng iyong mga daydream, wag
mag-alala. Ito naman ang tema ng buwan na ito. Nandiyan lang yan sa tabi-tabi.
Wishful thinking.
10:02 pm
ENTRY 46
February 2, 2005 Wednesday
Kahindik-hindik
Siguro kaya maraming kahindik-hindik na mga pangyayari kanina e dahil nakuha
ko na itong uniform ko. Parang lahat ata ng nangyari e kabaligtaran ng mga
inaasahan ko.
Akalain ko nga naman at naging starting shooting guard pa ako kanina sa laban
ng College of Masscomm at ng College of Home Economics. At umabot muna ng 19-0
ang score bago nakashoot ang kalaban. Tapos hindi pumapasok yung mga tres ko na
kampante akong kaya ko namang magawa. Pero pumapasok yung mga fastbreak lay-ups
ko, na kadalasan e hindi ko masalo man lang. Kahindik-hindik talaga. Nanalo kami: 58-34.
Baka kaya kagila-gilalas ang mga tagpong ito e dahil kumain ako ng pulburon
at saging bago maglaro. Hindi, baka dahil nga sa bago kong uniform. Number five
kasi ang ginamit ko. Ano naman? Wala lang. Bago kasi ako naglaro, napaalala sa
akin kung bakit number five nga pinili ko.
Basta masaya ako, di na ako kabado... Kahindik-hindik.
11:51 pm
ENTRY 47
February 4, 2005 Friday
Damo
Aso't Pusa.
Palaisipan pa rin sa akin kung bakit kumakain ang
mga aso't pusa ng mga
ligaw na damo. Ano ba yun, ini-exercise lang ba nila yung mga
panga nila na parang ngumunguya ng bubble gum? Kasi hindi naman omnivore ang mga
aso tapos yung mga pusa hindi naman sobrang mahilig sa halaman. Pero pag
nginangatal na nila yung mga ligaw na damo, para silang mga kalabaw at kambing.
Alam ko hindi puwedeng kainin ng tao ang ligaw na damo kasi cellulose lang
ito. Ewan ko lang ha, pero yan ang naaalala ko sa Biology ko noong 2nd year high
school. Siguro kaya itong i-tolerate ng sikmura ng mga aso't pusa. Siguro
safety net lang ang mga ligaw na damo pag talagang gutom na gutom na itong
mga hayop na ito.
Pero totoo kayang may medicinal value sa mga aso't pusa ang ligaw na damo kaya
nila ito tinatangkilik? Para bang Magic Beans sa Dragonball Z na magpapanumbalik
sa kanilang lakas sa isang iglap. Hindi kaya matagal na tayong naiisahan ng mga
hayop na ito? Tayo may nalalaman pang mga antibiotics, samantala sila
pa-damo-damo lang. Sayang, kung binusisi ko lang ito noong high school pa ako, edi sana
hindi ako nagkandahirap mag-isip ng topic para sa investigatory project ko noon.
Gumaganun pa.
Utang.
Unti-unti na akong nagmumukhang adik. Humahaba na ulit yung buhok ko, wala
man lang akong mabigay na oras sa sarili ko para magpagupit. Tapos ang
payat-payat ko na nga, pumapayat pa ako lalo. Nangangalumata pa ako.
Apat na magkakasunod na araw na akong natutulog ng limang oras lang o mas
mababa pa.
Tapos pinag-aaralan ko pa lang uli kumain ng malakas kasi humina talaga ang
input ko nitong mga nakaraang linggo. Tapos palagi pa akong
nagbabasketball��gudlak na lang sa akin, e sobrang bilis pa naman ng metabolism
ko.
Namumuro na ako. Baka mamaya wala nang ma-process ang katawan ko kaya mga
buto ko na ang sunod nitong kuhanan ng sustansya.
Metamorphosis.
Buti pa itong kaibigan ko tumataba. At hindi lang yun, mas maayos na siyang
kausap at hindi na siya parang lasing kung maglakad. Nitong Miyerkules ko lang
siya nakita uli matapos siguro ang isang sem.
First year pa lang ako at bagong salta sa UP nang makilala ko ito. Rakistang-rakista ang bihis.
Pero kawalang-katarungan sa mga rakista kung sabihin ko na pang-rakista ang mga
trip nito. Tama bang mag-marijuana sa banyo ng gym ng UP? O kaya kahit saan man?
Nang palagi?
Kung mapera ka naman at galing Ateneo, at kung nakaka-uno naman sa mga Math
exams dahil dito, mahirap makipagtalo. Pero hindi rin.
Nakasabay ko itong maglakad nitong Miyerkules nga kasi kakagaling lang namin
sa Math 2: Practical Math exam. Pinagmalaki niyang di na siya gumagamit
ng marijuana simula Oktubre pa. E Pebrero na a! Nakakatuwa. Sana matulad siya sa
Papa ko na isang taon na sa paghinto niya sa paninigarilyo ngayong Feb. 23,
bertdey ng kapatid ko.
1:55 am
ENTRY 48
February 6, 2005 Sunday
Barberya
Matagal akong pinag-antay ng barberong kamukha ni Nyoy Volante sa kinauupuan kong barber chair
kanina. Inasikaso pa kasi niya yung mga tumpok ng buhok na ibibigay niya sa
bote-diyaryo (?!).
"There's a kind of hush... ...all over the world, tonight..."
Maaliwalas ang sikat ng mag-ta-tanghaling-tapat na araw, tapos ganyan pa ang
maririnig sa radyo. Patay tuloy ang dating ng paligid kahit nasa bungad ng
subdivision yung barberya��tipikal na Sunday Morning. Nakakabagot mag-antay. Pero
naisip ko, pag nagtrabaho na ako bihira na siguro ang ganitong mga matahimik na
sandali��lalo na sa media. Kaya lubus-lubusin na.
May salamin siyempre sa harapan ko. Saang barberya ba ang wala? Nakakainis
lang tignan yung leeg ko kasi ito ang nagpapamukhang-payat sa akin. Tapos ang
haggard pa ng itsura ko. Bagong gising pa lang kasi ako: nag-practice lang muna
sandali ng three-ball at midrange jumpers at nag-almusal, bago magpagupit.
Pero di ko na
masyadong pinagaksayahan ng panahon ang mga nakakainis sa itsura ko. Kasi
pagtanda ko naman tataba rin ako at magiging proportional na yung leeg ko sa
overall kong frame. Tapos di na ako magmumukhang haggard. May sapat na pera na
akong pambili ng mga vanities-on-a-regular-basis. Dapat kong pahalagahan kung
ano ang meron ako bilang isang 18-year-old.
Ito kasi talaga yung edad na hindi ka masyadong matanda, hindi masyadong
bata. Kanina sa basketball court, ang sarap ng pakiramdam kasi ginagalang ako ng
mga matatanda pati ng mga bata. Dati na-bu-bully lang ako, hihiramin ng mga
matatanda yung bola ko pero di naman ako isasali. Tapos yung mga kasabayan ko
namang bata, minsan lang ako isali, minamaliit pa ako. Subukan lang nila ngayon.
Tirahan ko sila ng tres. Medyo mataas na tingin sa akin ngayon. Minsan na lang kasi ako
maglaro run. Mysterious type.
Tama lang siguro na may mga imperfections kasi sobrang saya ng buhay ko
ngayon. Check and balance. Ganun rin naman ang kalakaran sa mga senior citizens.
Sila na ang gumagabay sa pagpapatakbo ng bansa natin ngayon, pero sa loob-loob
nila, hinahanap-hanap pa rin nila ang mga panahon ng kanilang kabataan.
Sa sobrang dami ng mga nilikuan kong eskinita, nakatulog ako nang ginugupitan
na ako ng barbero.
7:10 pm
ENTRY 49
February 7, 2005 Monday
Destino, Retold
The scenes behind Destino III*...
...as it unraveled in front of my eyes.
Word for word.
Crazy for You
Spongecola
Swaying room as the music starts.
Strangers making the most of the dark.
Two by two their bodies become one.
I see you through the smokey air.
Can't you feel the weight of my stare?
You're so close but still a world away.
What I'm dying to say, is that...
I'm crazy for you.
Touch me once and you'll know it's true.
I never wanted anyone like this.
It's all brand new, you'll feel it in my kiss.
I'm crazy for you.
Trying hard to control my heart.
I walk over to where you are.
Eye to eye we need no words at all.
Slowly now I begin to move.
Every breath I'm deeper into you.
Soon we two are standing still in time.
If you'll read my mind, you'll see...
I'm crazy for you.
Touch me once and you'll know it's true.
I never wanted anyone like this.
It's all brand new, you'll feel it in my kiss.
I'm crazy for you.
*Destino is the pre-Valentine flagship event of the UP Broadcasters' Guild
held last January 28, 2005 at the UP Sunken Garden from 8-12 pm. It featured
booths, a free mini-acoustic concert, and the open-air screening of the movie
City of Angels. Now on its third year, the event was a huge success.
10:18 pm 02-06
ENTRY 50
February 11, 2005 Friday
Phoenix
You've wasted so much time. You've wasted so many opportunities. You've wasted all the momentum you've built on before. You've dug yourself a hole.
If this were a ballgame, it's the fourth quarter. And the opposing team has established a 20-point lead.
Pressure has built up tremendously on your shoulders. A huge hourglass is above
your head, trickling down the few remaining sand in front of your face.
But you can't give up. She means something to you. You know it when you played safe and hid under
the dead air that is the month of January. You can't deny it anymore.
Your world blacked out and crumbled when you saw her with another aspirant��not
because you're possessive, but because you can't compete at the same level. If
only you've been a little more consistent, you shouldn't have lost footing.
The game's not yet over. But it will be, very soon. Knowing you, you're desperately
wishing you were a phoenix that can resurrect from the flames after crushing
itself into ashes. A last-minute comeback rally is still in order. Now,
just tell me: can you pull it off?
You can't.
7:43 pm
ENTRY 51
February 13, 2005 Sunday
Unang Dagsa
Dahil halfway na tayo sa Pebrero at dahil iba talaga ang atmosphere bukas,
narito ang early returns ng pinakabago kong gimik diyan sa may sidebar: ang
Fill in the Blanks (yung segment sa may gilid pagkatapos mag-Ano Itetch). The
instruction: punan ang patlang, love is ______.
"love is blind.. how creative." jerry | Feb 5, 2005 - 3:20pm
Buti alam mo, Silverbolt. Hehe.�
"neo thought machines cant express love... coz
it is a human emotion. but ramakandra said it is a word and what
matters most is the connection the word implies... -MATRIX REVOLUTIONS." adrian
| Feb 6, 2005 - 4:13pm
Meanings are in people. Ito yung essence nung lesson namin sa communication
about words. Words, by themselves, have no necessary connection with the things
they signify. Tayo lang ang nag-de-designate ng kahulugan ng mga salita. Kunwari
yung sili sa Tagalog e tumutukoy sa "maanghang na bunga ng isang
partikular na halaman" tapos ang sili sa Bisaya e tumutukoy sa
"kasangkapan ng mga kalalakihan sa pagpapalaganap ng lahi ng sangkatauhan."
Just find the connection, but it's the same with love.
"love is not being TOO IDEALISTIC." bluetulip | Feb 8, 2005 - 1:08pm
Sometimes, you know you're in love but you can't articulate it, nor explain
it to yourself if it really is, or how you had it. If such is the case, we don't
have to be really sure. Me, I've always wanted to be sure, and it has cost me so
much wasted time.
Sometimes, you know you're in love but you aren't sure if the one you love
will love you back, or if the love you are receiving is not the way you'd want
it to be. If such is the case, don't expect anything at all. Text, and don't
expect a reply in return. Call, and don't expect a good conversation to emerge
out of it. Just do your part. Just do it.
"love is a big oxymoron. hehe." olga | Feb 9, 2005 - 3:54am
Okay, for more clarification effect, an oxymoron is a figure of speech in
which apparently contradictory terms are combined. Example: cruel only to be
kind. And love really is, I think.
"making sacrifices..." kat | Feb 12, 2005 - 7:16pm
Amen. Love, afterall, is a bittersweet concoction.
At siyempre, ako ang unang-unang tumangkilik sa Fill in the Blanks.
Hindi ko lang sinama rito kasi baka cheesy e... harhar. Muli, nasa bandang gilid
ang bagong segment na ito, bago mag-Ano Itetch. Habol lang.
4:25 pm
ENTRY 52
February 14, 2005 Monday
Game Over
Nitong mga nakaraang dalawang buwan, may dinaluhan akong hands-on seminar.
Wala akong masyadong sinabihan tungkol rito. Pero hindi ko maintindihan kung bakit alam ito ng
halos lahat ng mga taga-Maskom. Gayunpaman, tapos na ang seminar na ito. At para
lang itong naganap sa Room of Spirit and Time (konsepto na naman galing
sa anim� na Dragon Ball Z.) For starters, sa fictitious na kuwartong ito, ang
pag-e-ensayo ng isang taon ay katumbas lamang ng isang oras sa totoong mundo.
Matapos ang seminar na ito, pakiramdam ko sandali lang akong nawala sa
sirkulasyon ng mundo ng UP.
Tungkol saan ba kasi ang seminar na
ito? Ito ay isang set of scenarios na naglinang sa aking on-the-spot inter-buddy
skills. Yun nga, tapos na ang seminar na ito. At marami talaga akong natutunan rito.
::: Natutunan ko na hindi panghabambuhay na naka-tengga ang
pagkakataon. Hindi nito sasabihin kung kailan ito dadating. At pag dumating ito,
wag na dapat mag-inarte. Nitong buong seminar, puro pagpapa-pampam lang ang
ginawa ko pag hinaharap sa akin ang pagkakataon. Looking back, ito ang gusto
kong sabihin sa sarili ko ngayon: "Hoy bruha, kung film nga ng camera at bala ng
pellet gun nauubos, yan pa kaya. Magtanim ka na lang ng kamote. At least dun
hindi ka nagugulat na bigla na palang lumalaki yung mga kamote." Simply
put: Capitalize every moment.
::: Natutunan ko na marami akong kinikimkim na katanungan na hirap
na
hirap kong sinasagot mag-isa... na sana ay nasasagot ng maayos kung itinanong ko
na lang ng maayos at diretsahan. Halimbawa (halimbawa, as in metaphor lang ito):
Puspusan kong hinahanap ang ballpen ko na di ko makita kasi nakasukbit lang pala
sa leegan ko. Kung tinanong ko na lang yung nasa harapan ko kung nakita niya
yung ballpen, tapos makikita niya nasa leegan ko lang pala, e di happy. Simply
put: Communication is very essential.
::: Natutunan ko na kung pakiramdam mo e tama ang gagawin mo, wag
na mag-antay ng kung anu-ano pang payo.
Parang basketball, kung sasalaksak ka sa ring, sumalaksak ka. Don't be
double-hearted. Simply put: Manindigan kung may gustong ipaglaban. Hindi yung
antay ng antay ng himala.
::: Natutunan ko na kahit anong paghahanda ang gawin ko, hindi ko pa
rin masisiguro ang tiyak na magiging kahinatnan. NO to memorization. From now
on, I'm strictly impromptu. Sabi nga ng professor ko sa Broadcasting 101:
Radio Production na si Atty. Avecilla, dapat flexible para handang
ma-stretch ang program kung ito'y kinakailangan. Simply put: Life is
unpredictable.
::: Natutunan ko na ang pagpapagana sa tear glands ay hindi
gender-sensitive. Sampung segundo itong na-switch-on, pero wala lang naman. Siguro hindi pa qualified yung ginawa ko kasi hindi naman lumampas sa
ilong ko tapos walang ebidensiya ng pamumugto. Pero para talaga itong hamog,
kaya malamang totoo nga. Mark Mallo, dapat kasi may dala kang
videocam kanina para napag-aralan nating mabuti o di kaya para may pam-blackmail
ka na sa akin.
I'm not bitter.�
1:42 am 02-15
ENTRY 53
February 18, 2005 Friday
UP Fair Survival Kit
Isa na namang milestone noong Martes kasi first time ko maka-attend ng UP Fair.
Briefing muna: ang UP Fair ay annual event sa UP Diliman kung saan isang
linggong may mga booths at live band performances sa Sunken Garden. Hindi ako
naka-attend rito last year nung freshie pa ako kasi nagka-bulutong ako noon at
nagtago ako noon sa UP.
Fairster 2 ang title ng program nitong Martes. Wala talaga akong balak manood
kaya lang masyadong compelling ang presence ng Rivermaya at Sugarfree. Bale second
leg pa lang ito ng UP Fair��at tandaan gabi-gabi ito hanggang Sabado��kaya kung
nandito ka lang naman sa Maynila, sana dumaan ka kahit sandali. Not to worry,
may survival kit akong naihanda for more convenience effect. Nga lang, firsthand
experience ko lang ang resource nito kaya wag masyadong gawing gospel.
1) Pagkain. Alas-sais
nag-uumpisa ang program proper tapos kadalasan umaabot ito hanggang alas-kuwatro ng umaga. Gudlak
na lang sa iyo kung kaya mong tumagal nang hindi kumakain. At sa dami ba naman
ng mga booths sa paligid, mahirap ang hindi matukso.
Masuwerte ka kung may mga booths na nagbibigay ng libreng iced tea. Kung sakaling meron,
abusuhin ito. Siguradong mabubundat at mabubusog ka sa iced tea. Kahit di ka na
bumili ng solid food.
Pero kung gusto mabusog sa solid food at gusto ring magtipid, ang best bet ay kanin-at-kahon. Singkwenta pesos lang ito at
nagkalat sa grounds kaya maraming mapagpipilian. Kung gustong mas
magtipid, magsama ng mga mahihina kumain at engganyuhin silang bumili rin ng
kanin-at-kahon. Abangan ang mga magsasawa. Karaniwan, kalahati ang tinitira ng
mga gantinong uri ng mga tao.
Solb na yun. Lalo na kung marami silang magsasawa.
2) Crowd. Ang presyo ng mga ticket ay naglalaro lang sa pagitan ng P50
at ng P80. Kaya asahang dudumugin ito ng mga tao. Marami naman sa mga ito ang
considerate sa crowd volume kaya't nasa may bandang gilid kasama ang kanilang
mga minamahal. Marami rin ang naglalakad-lakad para magtitingin sa mga booths
(food, henna, food, wall climbing, at marami pang food). Ang mga taong ito ang
nagbibigay ng "busy" na atmosphere sa Fair Grounds.
At siyempre, nariyan ang main assembly ng mga nanonood sa live bands: sa
harap ng performance stage malamang.� Karamihan rito ay mga nerdy, mga tipong
nandito lang kasi malapit lang ang mga boarding houses at dorm. Ang mga ito ay
harmless. Nariyan rin ang mga magsing-irog. Harmless rin ang mga iyan, minding
their own business.
Ngunit hindi puwedeng mawala: ang
mga hardcore na mga tagapakinig na slam-an, slam-an, at slam-an lang ang laman ng utak buong gabi. Hindi lang mga katawan nila ang
itinatapon nila sa iyo, may kasama pang mga siko, tuhod at kaldog. Noong Martes,
dalawang grupo ang malapit sa amin (kasama ko ang apat kong blockmates na
babae). Yung nasa harapan, ang common theme nila ay gel-sustained spike hairs.
Juskupo. Yung nasa likod naman, mga maliliit na mga high school na bubwit
na naka-black-T-shirt lahat. Jusme. Kailangan talaga may theme...
And so, slam-an galore sila. Di ko lang talaga mapaliwanag: sa
kanilang mga facial expressions nila, pakiramdam siguro nila natutuwa kami sa
ginagawa nila. Mahalagang tip: kung di maiiwasang makatabi ang mga slammers'
association, i-umang na lang ang dalawang siko. Para pag binangga ka nila,
gudlak sa kanila.
Gusto mong mag-inarteng knight in shining armor sa ka-date mo? Yung
tipong ipagtatanggol mo siya kahit ano man ang mangyari sa iyo. Dalhin siya sa
UP Fair, the place to be.
3) Performances. Sa UP Fair, kapag sinabing maraming live bands ang
mag-pe-perform, marami talaga. Of course, nangunguna rito ang mga
homegrown, amateur UP bands. Todong exposure kasi ito e. Masanay ka na sa kanilang spiel.
Una nilang i-po-promote ang
kanilang EP album na 50 pesos lang, tapos ibibigay nila ang kanilang address sa
Yahoo! Groups at sa Friendster. Hindi dapat silang baliwalain kahit amateur lang
sila kasi tandaan, saan ba nanggaling ang Eraserheads, bokalista ng Parokya ni
Edgar, atbp?
First class talaga ang mga line-up ng mga bigating banda na kinukuha para sa
UP Fair. Kadalasan nag-uumpisa ang mga ito ng bandang alas-diyes ng gabi. Noong
Martes, ang mga napakinggan ko ayRivermaya, Sugarfree, Stonefree,
6CycleMind, Cambio, Imago, Brownbeat All-Stars, at kung anu-ano pa. Considering
yung binayad mo para sa ticket, sulit na.
4) Pag-uwi. Dahil madaling araw na natatapos ang program proper, puro
taxi na lang ang available. Pero kung walang pamasahe, ang pinakasigurado at
pinakatipid na course of action ay makitulog sa kakilala. For more bonding
moments pa. Kaso gudlak uli sa iyo kung may klase ka bukas.
SchizoFAIRnia : Night of Opposites. [Today's event]
SUGARFREE � SPONGECOLA �
STONEFREE � SLAPSHOCK � SANDWICH
� IMAGO � 6 CYCLE MIND � POP
FILTER � CAMBIO � URBAN DUB
� RAZORBACK � WUDS � GREYHOUNDZ
� THE JERKS
� MAYONNAISE � BROWNBEAT ALL-STARS
� RADIO ACTIVE SAGO PROJECT � MILK &
MONEY � ITCHYWORMS � BLUE CATSUP � ORANGE & LEMONS
� JUAN PABLO DREAM � and many more...
Tickets at P80. Gates open at 5pm.
Sobrang galing ng pagka-ambigram nung logo ng event.�
12:27 am
ENTRY 54
February 20, 2005 Sunday
OC Checklist
Obsessive-Compulsive.
Bago ang lahat, ang obsessive-compulsiveness ay isang personality disorder.
Ang mga taong kinakakitaan nito ay sobrang perfectionist pagdating sa mga
detalye ng isang gawain��to the extent na nawawala na ang major point ng
activity.
Sa context naman ng mga taga-Maskom, basta sobrang mabusisi sa
detalye, OC na agad. For that matter, maraming nababansagang OC sa Maskom kasi
kailangan talaga ng pinpoint accuracy pagdating ng mga productions at events.
Katatapos lang kagabi ng final production namin para sa UP Broadcasters'
Guild at sobrang laking tulong ng OC Checklist. Mula pinakamalaking props
hanggang sa mga pardible, nakatala sa mahiwagang papel na ito. Noong sobrang windang at nag-pa-panic
na kami dahil time-pressed na, ang OC Checklist ang nagsilbing tranquilizer. The
end: sobrang bumenta sa mga Guilders ang mystical, nature-inspired comedy
production naming Ugat: My Home, My Love, My Precious na kinatatampukan
nina Gollum at Anna Fegi.
Ang OC Checklist ang isa sa mga pinakabagong konsepto na natutunan ko ngayong
sem��kasama ang pag-akbay at pag-beso sa mga kaibigang babae ng walang malisya.�
I-a-apply ko na ito hindi lang sa mga productions at events na ino-organize ko
kundi pati na rin sa aking time
management. Wala akong kahit anong kaayusan sa mga dapat kong gawin sa academics
at sa extra-curricular. Sobrang dami pa naman nilang naka-line-up. The result:
marami akong di natatapos at nagagawa.
Sobre.
Nitong mga nakaraang buwan talaga, sobrang OC ako pagdating sa mga sasabihin
sa iyo. Yung tipong pinag-iisipan. Yung tipong may outline na, na minsan
na-me-memorize pa. Ito ang totoong halimbawa ng obsessive-compulsive
personality disorder: masyadong naaabala sa mga detalye na hindi na
nabibigyang-pansin ang major point ng activity. Kahit gaano ko pinaghahandaan
ang mga sasabihin sa iyo dati, di ko rin naman nagagawang masabi.
Hindi ito isang unexplained behavior. Noon pa man, pakiramdam ko hindi
magiging positive ang response mo pag i-open ko pa ang topic na ito tungkol sa
ating dalawa, pag ipilit ko pang lumampas sa boundary ng brotherly treatment mo
sa akin. Natatakot akong ma-reject.
Well, ganoon rin naman ang naging kahinatnan... kahit may gawin ako o wala.
Sana hindi na lang ako tinamad. Pero wala na rin naman. Alam kong masaya ka
ngayon. Good luck. Sincerely, gudlak sana ang spelling niyan kung may bahid ng
sarcasm. Sana hindi ka na umiyak uli, dahil subukan lang niya... baka matuto
akong manggubat.
In the meantime, gusto ko na sanang magkabit ng prefix na ate sa
tuwing tinatawag ang pangalan mo... dahil tutal mas matanda ka naman sa akin ng
dalawang taon at para na rin ma-supress ko na ang lahat ng naramdaman ko.
Ilalakip ko na ang kuwento mo sa isang sobre, at itatago sa recycle bin tulad ng
lahat ng mga nakaraang istorya ko. Ito yung mga kuwento na ginusto ko pero hindi
ko hinabol. Ito yung mga kuwento na maaaring mawala nang habambuhay o mahanap
isang araw.
Unconscious.
(Updated 10:30pm)
Hindi ko naman sinasabi na dapat maging OC para maging effective sa ginagawa.
Late na akong nakarating sa last game ng Masscomm kahapon kasi tumakas lang
ako sa mga co-apps ko. Puro talaga
final prod ang laman ng utak ko buong araw. Wala akong ibang iniisip kundi sana
matapos na agad ang laro para makabalik na ako sa paghahanda ng venue ng
production.
Medyo kakaiba ang mindset na ito kasi noong mga nakaraang laro masyado
akong OC sa mga dapat kong gawin pag nasa court na ako. Lagi kong iniisip
na dapat may patunayan ako. The outcome:
masyado akong kabado at hyper pag pinapasok sa laro. Hindi rin ako maka-focus sa
mga tira ko.
Kalmado lang ako kahapon at iniisip kung kamusta na ang mga iniwan kong
co-apps. Out of three attempts, dalawang three-ball jumpers ang nagawa ko.
Well, the perks of not being
OC. Bale ang three-point-field-goal-percentage ko sa buong Intrams ay 0.363
(4/11). Respectable enough.
Actually, buong team rin kalmado. Tutal last game na ito ng mga graduating
players, nagpakasaya na lang kami. In unison ang pagsigaw namin ng friends
forever! sa tuwing may makaka-score.Walang kahit anong play kaya
free-flowing ang offense. Wala ring kahit anong pressure na matalo, although
natalo nga kami para maging 2-3 ang standings. Sana ganito na lang ang mindset
namin nitong buong Intrams kasi nahirapan sa amin ang Team A ng UPIS. Single
digits lang ang lamang nila until the fourth quarter. Okay lang, enjoy naman e.
Well, the perks of not being OC again.
5:25 pm
ENTRY 55
February 22, 2005 Tuesday
Of Promenades
High school promenades follow the same format: there's always a social dance
component somewhere, backed by sophisticated formal wear. But under different
age perspectives, proms take on different meanings for me.
When I was a sophomore in high school watching the juniors and seniors in
their formal wear, the only thing I never did was open my mouth and let my
saliva drool. The prom was a big deal for me, something like the culmination of
my high school life (since we had no annual field trips and class pictures
because
Lagro High School was a low budget, mass-accomodating public high school).
The following year when my turn came as a junior, the prom turned out to
be a culmination afterall. I had my first girlfriend while everyone was dancing
slow. But well, probably just the heat and the magic of the moment, the affair
lasted for only a month and a half. It was a one-hit wonder, much like The
Wonders with their That Thing You Do or Selena and her
Dreaming of You. Fairy tales really do have to end.
The re-run of the prom for my senior year was not as romantic. The gowns and
the coats were still there. But it was more of a street dance party. Fun,
nevertheless.
For my subsequent years, all the attention-grabbing sights and sounds of
college life drowned any thoughts I had about remembering proms. Not until I saw
numerous high school students along Commonwealth Avenue in their formal wear did
I had the slightest tinge that proms still exist. Probably a reminder that I'm
getting old, I was looking at these high school students as though they were
Christmas and I am Ebenezer Scrooge. What a waste of money and effort, I was
thinking. And are the color designations of pink for juniors and blue for
seniors a necessary thing? Can't it be maroon and green for a change? Sheesh,
they look like MMDA promo people.
1:54 am 02-26
ENTRY 56
February 25, 2005 Friday
The Arrival
The Set-up: Halfcourt game, larong kanto format. 4-on-4. Kasama ang
Bulate Group, ang barkada ko noong high school... na hindi ko na nakakalaro
simula Xmas Vacation.
Ang mga kalaban: Mga 5'9"-and-below, gym-maintained-bodied residents sa isang
kaloob-loobang street sa Brgy. Greater Lagro. As compared sa Vic-Sotto-frame ng
mga Bulate, gudlak! Tinambakan nila kami agad... 6-1. (Point system: 1 point per
field goal kahit tinira ito sa sari-sari store na nasa kabilang street. First to
reach 15 points wins.)
But then... but then!
Bigla akong napaisip kasi suot-suot ko ang jersey na ginamit ko sa katatapos
lang na UP Inter-college Intrams (see Entries 46 and 54 for pictures). Mas magaling na akong player ngayon kaysa noong
Christmas Vacation dahil sa experience na nakuha ko sa Intrams. Malaki rin naman ang katawan ng mga nakalaban ko roon. At
matatangkad pa, mga 6-feet-and-above. Kailangang makita ng Bulate Group ang
improvement ko dahil gusto kong maging go-to-guy, yung tipong laging
inaasahan para manalo.
Lagi kong hiningi ang bola
every possession. Tumaas na ang basketball IQ ko kaya't hindi puro pag-score ang
nasa isip ko tuwing hawak ang bola. Dapat lang, kasi kung gusto kong maging star
player ng Bulate dapat sharp ang decision-making ko at dapat i-involve ang aking
mga kakampi. Gusto kong
ako ang sinisisi pag nagkamali, at pinupuri pag wagi... (slogan?).
Score: 6-1. Dahil wala pa kaming ma-score after 10,000 years, humingi
ako ng double pick at nag-midrange jumper. Buslo! 6-2. Tapos nag-set-up ako ng
open looks para sa dalawa kong kakampi na mga spot-shooters... 6-4. At siyempre
di ko rin kinalimutan ang sarili ko. Jumper... 6-5. At mukhang malakas ako kay
Lord kasi swabe ang shooting stroke ko nang nagpatuloy ako sa aking shooting
spree��naging 6-7 ang score matapos kong mag-jumper ng dalawa pa. Lamang na kami
ng isa.
Hard-nosed defense and rebounding ang bumuhay sa amin. Tapos mukhang
na-extend pa sa akin ang biyaya ng Panginoon kasi uminit pa lalo ang scoring at
passing powers ko... naging 12-9, lamang na kami ng tatlo.
But then, biglang naging sobrang intense ang mga kalaban at naghabol...
naging 13-12, isa na lang ang lamang namin. Matter of pride siguro, papayag ba silang matalo ng mga payatot. Sayang naman ang mga pinambayad nila sa pag-gym.
Intense ang laro kahit larong kanto lang. Sa sobrang intense, bigla akong
pinulikat sa kanang binti. Hindi kasi ako nag-stretching. Dapat nandun pa naman
ako sa clutch-time kung gusto ko talagang maging star player. Nanalo pa rin
naman kami kahit wala na ako.
Naghamon ng rematch at tinambakan uli kami... 7-1. Pinilit kong maglaro uli para mag-orchestrate ng opensa, at naging 7-4 naman.
Tapos biglang pinulikat ng todo yung kaliwa ko namang binti. Sobrang pulikat, hindi ko siya maigalaw. Well, there's always next time.
At least naipakita kong pwede akong maging go-to-guy player...
Ito na siguro pinaka-self-centered entry na nasulat ko... hehe.
2:26 am 02-28
ENTRY 57
February 28, 2005 Monday
Tardy
This has been quite a February.
February 14. Before I was to give this certain girl the Valentine Value Meal
I've arduously prepared (a tulip, a letter, and a chocolate bar), I learned she
just changed her Friendster status from Single to In a Relationship
just the day before, Feb. 13. Perfect timing. Just when I had mustered the
courage to try.
I'm late, as always...
February 27. Learning from the mistake of the past episode about chasing
one's dream, I sought to find this certain girl who has been the apple of my eye
since my very first days as a freshie. Although we were good friends, I never tried to pursue her because of
the prospect of failure. The next best thing I did was join her org last
year, but I quitted during the application process because I have to be in that org for a deeper reason.
I re-applied this year. I spent this entire year looking for that deeper
reason��during that stretch I had barely any communication with her. When at last I found
that deeper reason, that I'm joining this org not only because of
her, I decided to give it a shot. But just when I had mustered the courage to
try, I learned she just changed her Friendster status from Single to
In a Relationshipjust days ago.
This one was harder to swallow because it has been a longer story. I can't
help but have a flashback of all the
moments I had with her, 38.15.20. They were picturesque, but I
failed to capitalize. I'm a failure.
I'm late, as always... Very same scenario. Very same script. The irony of it
all.
2:24am 03-01
Outbursts
Anecdotes, works of fiction and spurs of the moment.
Insights
Opinions and speculations on some relevant issues.
Blow-by-Blow
Detailed narratives of a certain day, event or travel.