It has arrived. My first test on mature decision-making,
mental toughness,
and the search for my balls. ...as an 18-year-old...
Good luck to me.
Height: 5'8"
Weight: 119 lbs.
Christmas brings along some extra pounds and fat.
I have to take advantage. I need bulk.
Nationality: Filipino
Brave and undeterred,
hear ye Heroes, lend me some sugar.
I am your neighbor.
College:
Mass Communication Degree Program:
Broadcast Communication
Sophomore
Home is where the heart is.
Alukbati
Season's Greetings!
Kahit hindi rin dumagsa ang mga bagyo nitong mga huling
araw, malamig na rin talaga ang simoy ng hangin.
Sa wakas, aginaldo!
Well, moving on...
December 5: Pinakabata sa Bulate Group. Pero siya ang may
pinakamature na mga insights. Magnet rin ito noong high school, SC president namin dati
kasi. Ngayon, enjoy naman ang buhay
niya sa Jollibee.� Jobet, gudlak!
December 16: Arguably, sa lahat ng mga applicants ng UP
Broadcasters' Guild ngayong sem, I have the best buddy! Kaya
niyang i-suppress effortlessly ang aking pasaway tendencies. Now, how
many can do that? Happy birthday!
December 23: Hanggang ngayon, di maintindihan ng mga Bulate
kung bakit bigla siya nawawala pag gumagabi na. Kahit ganun, lagi
pa rin 'to maaasahan. Max, pautang!
Walang magawa? Patulan mo na lang ito at
sumabak sa isang pang-utak na..... intellectual masturbation na nga lang.
[Dec. 17-30]
What's the best gift you have received for
Christmas? Why?
Your suggestions
for next month's questions. At kung bakit ko ito mapipili?
Ano Itetch?
Walang nakasagot nitong 4th edition ng ating Ano Itetch? (Dec.
1-31) Haha, ito ay...
Helmet ni Darth Vader!
Sayang, sobrang lapit na ng huling humula. Di ko nga alam na 2005 rin
ang movie na Iron Man. Anyway, this year na rin ang Episode III ng Star
Wars.
Coat of Arms
1992 - 1999
1999 - 2004
2004 - let's see...
12
Detour
December 1, 2004 Wednesday
Para sa buwan ng Disyembre, may mga bago akong quotable
quotes na gabay sa aking buhay. Once in a while, masarap magpalit ng pilosopiya. Everyone
has a right to change. Kaya nga may konsepto ng pagsasawa e.
"Don't waste your time
on something that won't waste their time back at you..."
At dahil narito na ang simoy ng Pasko, masaya ako.
"Great things
come when you least expect it..."
Something goes out, something comes in.
"Every action has
an equal and opposite reaction..."
I love December.�
11:18pm
13
Yoyong
December 3, 2004 Friday
Kahit nagkaroon ako ng dalawang araw na bakasyon dahil sa pagsalanta ng bagyong
Yoyong, hindi ako makapagsaya. At hindi lang dahil nag-brownout...
Dahil wala akong karapatang magsaya.
Kagat ng mga lamok at kawalan ng internet access lang ang pinoproblema ko,
samantalang ang mga kababayan natin na nabiktima ng bagyo at flashflood sa
Gitnang Luzon ay walang masuot, walang makain, at walang masilungan.
Nababagabag ako.
At di ko matanggap na kabayaran ito sa mga naging kasalanan nila mismo.
Malaki ang kinalaman ng illegal logging kung bakit lagi na lang problema ang ganitong mga bagyo.
At habang hirap na hirap ang mga nasalanta sa mga evacuation centers,
itong mga nakikinabang sa pagtotroso ay sarap na sarap na nagpapahinga sa
kanilang mga kama.
Tssk, tssk.
Di ko mapigilan maantig nang napanood ko sa news yung mga namatayan. Kahit di
ko sila kakilala, parang may gumigilid sa mga mata ko.
Tapos lugmok na lugmok na nga itong mga taong ito, ninanakawan pa sila ng mga
mismong mga kapitbahay nila na kapwa ring nasalanta. Iba talaga.
But I can't even call it a fairy tale anymore. Not when everything I
considered magical seems to have gone away like a pricked bubble.
Maybe this is a fairy tale: a long narrative of cruel and sad events that will serve to highlight a
happy ending, a long narrative that will see me turn into a senior citizen before I even finish reading. Just maybe.
But in the fabric of time and space that is now, I don't see any fairy tale whatever.
After a gruelling 1,000 days and more, I don't see anything. Fairy Godmother, where are you? I deserve a better story.
"Don't say you
love me...
...Make it real, or take it all away..."
I've already said it eons ago. And what's been said can't be taken away.
Because no matter what I say about it now, there was truth in it when I said it
before. Make it real? Ha, with all sincerity it was, but proving it was another story. Never given another
chance and being thought of as nothing but a distraction, even a cockroach can't
prove anything. If nothing else, I guess I'm taking the other route.
9:31pm
15
Butterfingers
December 5, 2004 Sunday
<Slam Dunk intro theme song>
CMC Wildcats
Pseudo-practice, Sunday afternoon...
Libreng-libre na ako sa kabilang court. Walang
kabantay-bantay. CALOI!, sigaw kay kalbong point guard. Fastbreak na
'to!
Instinctual ang naging outlet pass. Pinagulong ni point guard ang bola,
parang bola sa bowling na automatic na bumabalik. Palapit nang palapit...
...Ito na! Ito NA!ITO NA!Ito
na!ito na!...
At tumagos ang bola sa kamay ko, out-of-bounds.
Sa totoo lang, hindi katawa-tawa. Bad trip si point guard. Ako rin, siyempre. Simpleng salo lang,
pwede ba. At
ang mas nakakabad-trip, tatlong beses nangyari ang kapalpakan kong sumalo ng
bola sa fastbreak. Pambabae nga ang haba ng mga daliri ko, pero di dahilan yun.
Presence of mind dapat. Bench warmer ang kababagsakan ko pag nag-Intrams sa
January kung magpapatuloy ito.
Kay� kung makakasalubong niyo ako at ang layo niyo sa akin ay dalawang metro
mahigit at may hawak kayong hugis basketball, ibato niyo sa akin nang walang sabi para
ma-develop ang aking alertness, parang ninja training.
Pero hindi nga, praktis pa sa pagsalo. Dapat dalawang kamay lagi. At presence
of mind. Presence of mind. Presence of mind pa uli. Kahit sabihin ko pang
nagbalik na ang aking 3-point shooting touch, dapat maaasahan ako sa lay-up. Kasi
kung bantayan ako ng todo para di ako maka-tres, wala na. Para na lang akong
basang sisiw run na patakbo-takbo sa court.
10:47pm
16
Jeddah
December 6, 2004 Monday
Tumawag kanina si Papa mula Jeddah, sa Saudi Arabia. Sabihin raw namin kanina Lolo't Lola na ligtas daw siya kasi baka kako mag-alala ng todo pag marinig
ang nangyari sa news.
22 kilometers naman daw ang layo niya sa pinangyarihan nito.
Nang tumawag si Papa, 30 minutes pa lang ang nakakalipas matapos ang pangyayari. Inatake ng mga
armadong lalake ang U.S. consulate dun sa Jeddah.
Sampu ang namatay, isa run Pilipino. Maraming sugatan. At 18 ang ginawang hostage.
Hindi naman na bago ang mga pagpapasabog na ito.
Pero dun ko lang naalala uli na nasa Middle East pa rin pala ang tatay ko. Kahit anong pilit niyang sabihin na medyo ligtas
sa Jeddah, nasa Middle East pa rin siya. Malapit-lapit na ang 22 kilometers. Pano kung napadaan lang siya run bigla?
Part lang raw ito ng occupational risks.Nako, ibasura na lang ang tagline na
bagong bayani ang mga OFW, kung ang context naman nito ay ang
pinagkapare-pareho nina Gomburza, Rizal and the other guys.
Di bale, malapit na ako mag-graduate. Unting tiis na lang.
11:52pm
17
Third Think Tank
December 8, 2004 Wednesday
Shame falls on you, if you let it happen once. On me, if twice. What now when it happens the third time around?
I don't have to know. I wouldn't want to know again this time. After a project abortion
last month and a recent project suspension
just days ago,
I'd be an imbecile if I don't learn anything about being decisive. I'll take my
time, but not too much. There were flashes of my speechless and
indecisive tendencies, but then again, bad habits die hard. The thing about bad
habits, though, is that though they die hard, they should die. I've learned
quite enough. It's like Dirk Nowitzki
converting 13-of-26 field goals
after just making 6-of-24 shots the other night.
Reviewing today's checklist:
-::> Find. Check.
-::> Talk. Check.
-::> Loiter. Check.
-::> Slouch. Check.
-::> Eat. Checck.
-::> Accompany.
Check.
-::> Look after. Check.
-::> Walk. Check.
-::> Stutter. Check.
-::> Air murder. Check.
-::> Divulge. Carry over.
-::> Bye. Check.
Grade: 5.0
Memo to Self:
1. When an elephant steps on your foot, say ouch!
2. When you're sleepy,
sleep.
3. When you're hungry, eat.
4. When you want to say something,
well...
9:24pm
18
Bibo Battery
December 12, 2004 Sunday
Hindi ako umuwi ng bahay kagabi.
Magpapasko na kasi, kaya maraming raket. Mas naging malawak ang aking
radar sa mga raket na ganito nang nag-apply ako sa UP Broadcasters' Guild.
Applicant pa lang, kumakamada na... tunghayan next sem ang mga misadventures
once na maging full-pledged member na ako.
Puwes kung sakali ngang magkakagayon, kailangan fully charged ang aking bibo battery.
Isang recap sa abilidad ng aking bibo battery pag fully charged.
Friday: Umepal ako sa carolling ng mga members sa isang formal
book launching. Carolling pa uli, sa Fairview. Tapos gawa ng on-the-spot na
kanta para sa Performing the Lit(erature) ko
kinabukasan. Tulog tatlong oras. Saturday: Umaga, performing the lit. Carry. Tanghali, practice para sa Lantern Parade. Hapon,
SM North. 50 pesos na regalo dapat. Gabi, engagement sa Alabang. Carolling na
naman, what else. Alas-nuebe, Christmas party ng
Guild. Grabe, na-miss na siguro ako ng nanay ko.�
All that, thanks to the bibo batt. Kung bakit nag-survive ang bibo battery ng
non-stop sa loob ng isang araw, ito'y dahil malapit lang ang charger.
Parang umbilical cord, dapat within the 10-foot radius ang charger dahil dedo ang fetus
sa
bigla nitong pagkawala. Naki-overnight na rin ako sa pinagganapan ng Christmas Party,
mga bandang alas-onse na iyon, kampante na malakas pa ang bibo batt.
Unknown to subscribers, may cut-off period rin pala ang recharging
services ng hanggang alas-dose. So, low-batt. Maliksi pa ring naglalaro ng
charade ang mga tao kahit 2:30 na ng umaga. Pero ako, low-batt na talaga.
Pag-uwi ko kaninang umaga parang nawalan ako ng sense of time at date. Parang
antagal kong nawala sa bahay. Kailangang masanay na. Magiging habit na ito sa mga
susunod na sem.
"It's frightening
to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land"
Huwag kang kampante.
12:13am
20
Emergency
December 14, 2004 Tuesday
Kaninang umaga habang nakasakay ako sa FX papasok ng school, may ambulansiya
sa tabi namin. Wangwang ng wangwang, siguro seryoso talaga ang lagay nung
dala-dala nito. Pero kebs lang ang mga tao: 'Manigas ka diyan. Magsama-sama
tayong magdusa sa trapik.'
Kung di pa naglabas ng megaphone yung driver ng ambulansiya para sabihan kaming
tumabi dahil kritikal ang kondisyon ng pasyente, sama-sama kaming nabulok sa
trapik diyan sa may Caltex Fairview...
Kaninang mga bandang alas-onse ng gabi habang nakasakay ako sa jeep at
papauwi na, may firetruck na rumaragasa mula sa likod namin. Wangwang ng
wangwang, pero kebs lang sa mga tao. Kung wala sigurong mga bumbero sa likod ng
trak na senyas ng senyas para padaanin sila, umabot na siguro ang sunog sa bahay
namin...
PASAWAY talaga.
Naisip ko, kailangan ko na rin siguro ng megaphone na ipambubulyaw sa tenga ko. Hindi
kasi umuubra ang
simpleng pagpapawangwang e. Hindi ko pa rin talaga kasi...
...Nga pala, namatay kanina si FPJ...
11:25pm
21
Lantern Parade
December 16, 2004 Thursday
Sa wakas, nakaraos na rin ako sa aking papel sa Lantern Parade. For starters,
ang Lantern Parade ay yearly tradition ng UP bago mag-Christmas vacation kung saan bawat college ay may kayag-kayag na
mga parol at ipaparada sa buong Academic Oval. Parang parada ng mga float kapag
Metro Manila Film Festival. Maraming nanonood. Maraming may dalang camera.
Maraming nanonood. Maraming may dalang video camera.
At
MARAMING nanonood!!!
Iniisip ko pa rin kung ano ba nakain ko at pumayag akong maging Maskulados
para sa Lantern Parade presentation ng Maskom. Sa harap ng maraming tao, nakadisplay ng walang kapakundangan ang aking mga
biceps na naka-leave-of-absence naman. Buti sana kung na-a-associate kami ng mga
nanood bilang mga Maskulados at Sexbomb, tulad ng nasa likod namin na Kristala
at Mulawin. Pero hindi, gudlak na lang. Siguro tiyaka lang nilang na-gets na
ganun pala character namin noong sumayaw na kami ng Sana Mama/Bakit Papa medley.
In the end, nanalo ang Maskom ng Most Creative performance para sa konsepto
naming clash ng social reality at ng mga mababaw na entertainers.
Polar bear.
Wala akong dalang camera kahapon kaya wala pa munang pictures. Hihingi na lang ako sa
mga meron. Ito na lang muna tignan niyo.
Nang malaman kong magiging professor ko ito sa BC 101: Radio Production,
parang nabasag ang mga pangarap kong mag-graduate on time. Ayon sa mga chismis,
siya ang numero unong terror sa Maskom��kaya malamang babagsak ako at
ma-de-delay. Bawal magsuot ng shorts, sleeveless at open-toed sandals sa kanyang
klase. Para siyang critic sa American idol, lahat na lang ng mapapansin,
papansinin. Paborito niyang pag-tripan ang Ateneo at Miriam College. At pag napagtripan
ka niya, tuloy-tuloy na iyon.
Pero so far so good. Dapat lagi lang naka-on
ang presence of mind ko sa klase niya. Seryosohin ko lang ang mga productions ko
at baka maka-uno pa ako. Malay ko ba.
Dahil sa kanyang terror demeanor, para siyang si Ebenezer Scrooge. Pero sumama
siya sa aming
mag-Lantern Parade. Sabi
niya Scrooge daw ang costume niya.
Puro pagpapatawa lang ang ginawa ni Sir buong parada. 2.5 kilometers pa naman ang haba ng Academic Oval, kaya hinang-hina mga tuhod ko katatawa. Anlakas ng sense of humor.
Walang kaparis.
Si Sir ay isang polar bear. Mabangis pag kinakailangan. Pero cuddly at cute dahil
parang Santa Claus ang phenotype: matangkad na malaki.
Noong first day of classes namin, ang pilosopiya ko dati: Kung terorista
siya, terorista rin ako. Kaya magtikisan kami. Mukha namang magkakasundo
kami. Dapat lang na malinaw sa akin kung saan ang boundary ng pagiging
estudyante ko at pagiging prof niya.
The Book of Love Answers.
Matapos ang Lantern Parade, napadaan ako sa National Bookstore sa SM Fairview. Nakita ko uli
yung libro ni Carol Bolt na The Book of Love Answers. Isa itong makapal
na booklet na may isang love advice per page. Ang sistema: i-internalize mo yung
katanungan mo tapos bubuklatin mo yung libro. Presto, may sagot na sa katanungan
mo.
Kupas na at maduming-madumi na yung demo book na iyon. Simula pa
lang 2nd year high school ako andun na iyon sa bookstands ng National e.
Binalutan na iyon ng plastic. Tapos may nagbukas pa rin. Tapos tinago na lang ng
management,
mga isang taon ko ring di nakita. But now, it's back.
Internalize.
Do I have a chance?
T.BOLA: NO.
Pucha, hindi pwede. Again. <Dora the Explorer's voice>
Internalize.
Do I have a chance?
T.BOLA: Wiggle out of it.
Anong wiggle? Ayoko nga. Again. Last na 'to.
Internalize.
Do I have a chance?
T.BOLA: Cut your losses.
??? Cut my losses? Isang-isa na lang.
Internalize.
Do I have a chance?
T.BOLA: If you know what you want, go out and get it.
Yan!
4:05pm 12-17
22
Lamon
December 19, 2004 Sunday
Dahil isang buwan na lang at Inter-college Intramurals na
sa UP, susubukan kong magpalaki pa ng kaunti ng katawan. Subok lang. Siyempre,
ang sikreto nito ay tamang tulog, ehersisyo at kain. Medyo humina akong
kumain nitong mga huling araw. At dahil dun, kailangang i-polish ko ang aking
fundamentals sa pag-kain.
Bago ang lahat, kailangan ng focus.
Kain kung kain. Wala dapat ibang iniisip. Wala dapat ibang ginagawa.
Kailangang ma-internalize ang bawat subo. Maraming tao ang di nakakain.
Kaya dapat magpasalamat kay Lord.
Dapat dahan-dahan
lang ang pag-nguya, para mas madali siyang matunaw.
Makakadama ng inner peace pag taimtiman itong ginawa. Trust me.�
Once ang nginunguya
ay
nalunok na, huwag na magpapetik-petik. Dakot uli ng panibago! Para hindi
nasisira ang rhythm.
At ang pagsubo, hindi
lang dapat basta-basta. Dapat snappy. Para ma-sustain
ang enthusiasm habang kumakain.
Siyempre, hindi dapat nalilimutan ang pantulak. Kaso ang problema ko, inom ako nang inom ng tubig
kaya madali ako mabusog. Mahilig kasi ako sa masabaw. Pag tuyo ang kanin, mabagal ako kumain.
Sakto, masarap matulog matapos kumain. Pero patunaw muna kayo sandali.�
1:29am 12-20
23
Ninja Turtles
December 20, 2004 Monday
Nagpadala si Papa ng PlayStation 2 para kay Jaran, yung 8-year-old na bunso namin.
Christmas gift, bale. Kasi binilhan na ako last June ng electric guitar, tapos
may 3200 yung babae namen. Dinidedma ko lang sa ngayon yang PS2 kasi wala pang memory card, tiyaka lilima lang ang
bala: Finding Nemo, Spiderman 2, Dragonball Z, Resident Evil: Dead Aim, at Teenage Mutant Ninja Turtles.
Pero tulad ng inaasahan, humaling na humaling itong si Jaran... lalong-lalo na
sa Ninja Turtles.
"YAPAPANGGA!"
Magtimpi. Naiintindihan ko iyan. Nagdaan rin ako diyan. Pag head over heels ka sa isang
laro sa computer, paulit-ulit mong ginagaya ang lahat ng nakikita't naririnig mo
rito. Parang nung bata ako, ginagaya ko yung Hadukken ni Ryu tiyaka yung
Sonic Boom ni Guile. Magtimpi. Normal lang iyan.
"YAPAPANGGA!"
"JARAN!!!"
"Bakit?"
Hindi na ako nakapapigil. Nairita ako: Cowabunga hindi
Yapapangga. Para kasing na-violate ang aking childhood memory. Matagal
kasing nawala sa mainstream ang Ninja Turtles. Ni-repackage lang ito at main
feature na ngayon ng Cartoon Network, as of late. Magiging nostalgic ang mga
dati nitong mga parokyano na ngayon ay mga 18 years old-above na. Pero
ako, parang lalo akong na-alienate. Kasi...
Wala na yung utak na si Krang. Nasaan na ito at yung robot niyang mukhang
bacon? Bakit hindi na Cowabunga ang expression nila? Nasaan sina Bebop at
Rocksteady, yung baboy ramo at rhinoceros na mga kalaban? At tiyaka hindi foot
warriors, foot soldiers!
Pasensiya na. Ninja turtles kung ninja turles kasi nung bata ako e.
Twelve years ago...
"Pa, anong oras ka uuwi?"
"Mga alas-dose..."
"Pasalubong ko ha, gusto ko yung pulburon..."
Ako rin yun dati. Prep. Nag-aantay sa school bus tuwing umaga. Family computer. Ninja
Turtles rin ang bala. Yun nga lang, araw-araw ko noon nakikita tatay ko.
Ngayon, ako na lang nakikita ng mga kapatid ko; taon-taon
na lang kasi e.
"YAPAPANGGA!"
8:11pm
24
Basics and Physics
December 22, 2004 Wednesday
Buti at isang aya ko lang at pumapayag nang makipaglaro ang mga kapitbahay kong
pawang mga 12 to 14 years old lang. Mga isang linggo na rin akong di nakakapaglaro
e. Anlamig kaninang alas-sais! Grabe talaga, umuusok pa yung binubuga namin...
parang nasa winter ng ibang bansa. Wala lang. Nocturnal kasi ako e kaya
nabibighani ako sa mga ganitong morning phenomenon.
At dahil puro mga bata ang mga kalaro ko kanina sa wholecourt...
Midrange jumper...
Swish!
Acrobatic lay-up...
Swish!
Three-ball...
Swish!
Tim Duncan post moves...
Swish!
Ang saya-saya! Haha, binully raw ba ang mga bata. Exaj lang to.� Di naman
lahat ng binato ko pumasok e. Mga kalahati rin naman nag-mintis.
Nang nagkasawaan na, umuwi na sila. Nagpaiwan lang ako sandali para
mag-practice shooting. Habang tumitira ako ng jumpers, may boses na sumulpot from somewhere...
kulang pa raw sa backflip ang tira ko.
Paglingon ko nakita ko si manong PMA, yung mag-isang nag-shu-shooting kanina
pa na mukhang kalalabas lang ng Baguio, with tucked-in shirt, sun-exposed
complexion, flat top haircut, military shorts
and all. Malakas ang dating ng kanyang presence, parang si Yoda sa Star Wars.
Nahikayat ako na makinig.
Naging on-the-spot session between sensei and student ang eksena, parang dun
sa Karate Kid. Dapat ang bola e umiikot-ikot habang nasa trajectory from
shooting hand to the rim, parang yung Earth nag-ro-rotate habang nag-re-revolve
sa Solar System. Pinag-praktis pa niya ako ng jumpshot. As in jump muna bago
tira, para mahirap raw bantayan. Nagbigay siya ng drills na catch-and-shoot.
Ganun raw si Rip Hamilton kaya di mahabol (Di lang niya alam, lab ko rin yang si
Rip). At kinarir na talaga ang impromptu course na ito, pinraktis rin ako sa
left-handed lay-up tiyaka sa finger roll.
Di ako nagrereklamo sa kanyang methods. Feel na feel ko nga e. Kasi meron
ring mentor itong labs ko na si
Dirk
Nowitzki kaya siya accurate sa three-ball. Karir kung karir talaga itong si
Holger Geschwindner (mentor) kasi na-compute pa niya ang optimal shot curve ng tira ni Dirk para
laging pasok. Sabi ni Holger: "Since nobody can grab the ball during the shot, you
need to accelerate it continuously until the final acceleration at the end."
At mas feel na feel ko talaga kasi nalaman ko pa na si manong PMA ay isa pa
lang engineer.
Kaya pala tungkol sa Physics ang ine-explain niya sa akin habang tinuturuan niya
akong mag-jumpshot. Hahanapin ko itong si engineer PMA bukas. Mamihasa na kung
mamihasa.
Hindi ko talaga masyadong ramdam na Pasko na. Siguro dahil di ako nakapanood ng
mga Xmas cartoons... dahil wala ng thrill ang pamamasko sa mga Ninong at
Ninang... dahil wala akong pera... dahil wala kaming Christmas tree at lights...
dahil di kami nag-carolling ng mga Bulate... at dahil mas inaabangan ko ang 23
at ang 28 kaysa 25.
Last year, araw-araw kaming nag-carolling ng mga Bulate. Medyo lie-low ngayon.
Nagkita-kita na lang kami dahil birthday ni Max nitong Dec. 23. And for more
adventure effect, sa Greenbelt kami naglagalag.
7:00 pm, Greenbelt Park...
Knivez: "Tara pa-picture na tayo! Di naman tayo laging nandito e."
Max: "Wag na nakakahiya..."
Shinitzki: "Bilis, isang buhos lang 'to ng kapal ng mukha..."
Ocho-ocho man: "Tayo na lang Bam, lapitan mo na..."
Alas-kuwatro ng hapon kami dumating sa Greenbelt Park. Nagpakatengga lang
kami run. Ang gaganda ng mga nakikita, di naman malapitan kasi ibang dimensiyon
ang kanilang mga economic status. Pagdating namin, nandun na si Heart, nilalakad
yung aso niyang celebrity. Umalis kami ng park at kumain. Pagbalik namin, andun
pa rin si Heart nag-aantay ng sundo. This must be destiny.�
Shinitzki: "Good evening. Would you mind if I take your picture with my barkada?
Heart: "Sure."
--click--
Shinitzki: "Thank you."
Heart: "Merry Christmas. (with eye contact and all)"
Shinitzki: "Merry Christmas too. (with eye contact too and all)"
Tried and tested, hindi tatanggi ang mga artista pag nagpaalam kang
magpa-picture kasi makakasira sa PR nila pag magpaka-snub sila.
Nakapagpa-picture na ako dati kay Angelika Panganiban, Chynna Ortaleza, Carol
Banawa; di naman tumanggi sa akin. Inakbayan
pa nga nila ako for more closeness effect.
Nakakahiya nga lang nung kay Heart
kasi gamit ko yung camera kong sira ang aperture at walang viewfinder. Kaya nga isang shot lang ang nakuha namin. Tapos sayang di
ako umakbay, katabi ko pa naman. Tiyaka di ko rin dinaldal. Sabi pa naman ng BC101 prof ko, dapat ang host ang sumasalo pag may hang-up ang show. But nonetheless, mission accomplished.
The past days, I've rediscovered my balls. It was just
mental when I thought it was missing. I can't miss out on all those opportunities just because I'm shy.
"Hello... pwede po kay..."
12:16pm 12-25
26
Nineteenth
December 24, 2004 Friday
"Naaalala ko, wala kami masyadong inimbita ng Papa mo. At tiyaka para mas
lalong tipid, tinaon namin sa Pasko. Tapos wala kaming wedding ring. Hiniram lang namin yung wedding ring ng Ninong namin."
Mga kuwentong "noong-panahon-namin" ang mga tipong nagpapalawig ng generation gap. Pero hanga pa rin ako sa mga magulang ko. Gusto ko silang gayahin.
Happy 19th wedding anniversary!�
12:39pm 12-25
27
Amnesia
December 25, 2004 Saturday
Para sa mga nasalanta...
Para sa mga nagluluksa...
Para sa mga nasa ibang bansa...
Para sa mga malayo sa mga minamahal...
Para sa mga sawi...
Para sa mga walang pera...
Para sa mga nilalamig...
Para sa mga
laging aligaga...
Maligayang Pasko!
12:57pm
28
Behind the Scenes
December 28, 2004 Tuesday
Silhouette.
Reflected in the silver screen were flashes of childhood memories. And I
could still remember the names upon immediate mention. You've got Ina Magenta
here, and Enteng Kabisote over there. I've watched these characters every week
for most of my childhood days. And since childhood too, every visit in this mall was
a treat. I went here to play in that spider web playground, and to watch the
central fountain pop out a gush of water all the way to the ceiling. I've walked
in its hallways with sheer delight. Glorietta was paradise. Back then, my
parents were the law and they didn't bring me here as much as I
like. Now that I'm 18, I can go here at will.
But places, like words, take different meanings through time.
Reflected in the same silver screen were shadows of two persons standing
haplessly. In the midst of a flashflood of my childhood memories, I may just
have seen the present.
Broken threads.
Even the best ropes will fray at some point in time, no matter how strongly
they were built. It should not come as a surprise, then, when seemingly airtight
plans fall to pieces. You hold on to any remaining thread. And instinctually
make the most of it.
Hearty laughs rendered color to the entire day; so colorful, it escaped me
that time flies away with reckless abandon. The day was to end. And I haven't
told her. All the colors were diffusing in front of me without a purpose. All my
pre-conceived scenarios were being flushed straight into the recycle bin. So it seems, another
Mr. Bean day.
But there will never be a better time to finally be honest.
I only had my rediscovered balls on one hand and sincerity on the other.
Nothing more, nothing else. Still, I dipped
my feet in that strange sea... felt it was spine-tingling... but whole-heartedly went for it
nevertheless. No other place I would want to be. No turning back.
"I have fallen..."
Around me were the laughs of children playing in the good ol' spider web
playground where I used to play. The repercussions of their laughter and noise
were irregular but it sounded beautiful. Its melody was harmonious... with the
subtle footsteps of two people catching the train... and of two people suddenly
breaking out to a heavy dose of laughter. Rattled, yet seemingly unchanged.
Scripts, as I've proven time and time again, belong in the realm of fiction.
Full Moon.
The train harbors a sea of faces, strangers brought together by a shared
fate. In the midst of this faceless crowd, two people can be rendered invisible.
The train is quite a great irony.
"Hindi siya spur of the moment..."
"I know..."
When all the dust has settled, finding the path is clearer. And all
along, it was just the same path... that very same path we have been walking
since we started this day. Hearty laughs and that wide open line of
communication. Nothing is bound to change... for the worse. All I've ever feared
were just figments of my imagination.
It was the longest train ride. It also was the shortest.
The full moon was shining brightly when I dropped off four stations after
Ortigas. For the first time, the moon didn't bring me thoughts of werewolves.
All I could ever see was a blushing face. My ticket grants me 75 minutes of stay
inside the MRT complex. I stayed to the last drop, watching the moon blush for
me. Overseeing EDSA and Quezon Avenue while being brushed with the cool wind of
the holidays, I've never been as happy as this for quite a long time.
12:21am 12-30
Outbursts
Anecdotes, works of fiction and spurs of the moment.
Insights
Opinions and speculations on some relevant issues.
Blow-by-Blow
Detailed narratives of a certain day, event or travel.