Anecdotes, works of fiction and offshoots of creativity.
Insights
Opinions and speculations on some relevant issues.
Blow-by-Blow
Detailed narratives of a particular day, event or travel.
3 Point Shots
Discussions of frustration and delight about... well, obviously.
November 1, 2004 Monday
Sa loob ng tatlong taon (unless ma-delay ako) ay gagawa
ako ng anim na Semester Evaluation Reports. Ito'y isang bitter
na pangmamata, panlalait, panghuhusga, pamumuri at pagrerekomenda sa lahat
ng mga naging professor ko for that sem. Payback time.
Overview muna. First sem, Academic Year 2004-2005. Kapag nagiging sophomore
sa Diliman, nagiging unfriendly na ang computer class enlistment. Meaning:
(1) walang silbi na nag-computer enlistment ka pa, (2) scavenger hunt ang
enrollment pagkat mailap lahat ng mga subjects at (3) malamang magbabayad
ka ng late enrollment fee. Sa anim na ini-enlist ko, dalawa lang ang nakuha
ko...
Wala akong klase kapag Wednesdays tiyaka weekends. Dalawa ang shift
ng schedule ko: Monday-Thursday at Tuesday-Friday. Siguro kung may isang
kakayahan akong lubos-lubos na na-develop sa sem na ito... haha, pagiging
late... Late na ko lagi natutulog kasi late naman ang mga klase ko, kung
hindi one o'clock e 10am. At tinatamad akong umalis ng bahay ng maaga; feeling
ko malapit lang naman ako sa school; kasi malapit lang naman ako sa SM Fairview.
Kaya 30 minutes before class lang ang time frame ko para sa pag-commute.
Mabilis naman ang biyahe kapag FX, hindi na hinto ng hinto sa lahat ng overpass
ng Commonwealth Avenue. Pero out of five instances, kadalasan isang beses
lang tumatama ang estimate ko. Kaya laging late. Lagi ring last minute ang
paggawa ko ng mga requirements. Hindi maganda.
Broadcasting 100
Professor: Jun Austria
Timeslot: Mondays only, 1-4pm.
Prof Austria
Ito ang kauna-unahan kong klase na related sa course ko, nung first year
kasi puro tungkol sa general knowledge. At parang ayoko na talagang maniwala
sa beginner's luck. Kasi dalawa na nga lang ang nakuha kong subject, TINANGGAL
pa ito sa class list ko... Hindi raw ako nag-participate sa pre-enlistment
advising nung February. Punyeta talaga yang bulutong na yan, iyon lang ang
dapat sisihin rito... Di ko pwedeng ma-miss ang subject na ito kasi pre-requisite
ito sa lahat ng mga broadcasting subjects. Kaya naki-sali na ako sa petition
letter. Buti naman, nakakuha ako ng slot sa isang prof na ubodngganda [@yahoo.com
ang e-mail address.] Enjoy ang klaseng ito... ang gaganda ng mga classmates
ko... kahit saang direksyon lumingon...
Cutting Edge: Kahit na hawig niya si Professor Snape, very
animated ang kanyang discussions. At ang magandang part: hindi siya nagpa-exam
sa amin. May gagawin lang kaming portfolio.
Downside Dud: Kaso dahil nga walang threat ng exams halos 90%
ng klase e hindi nagbabasa ng mga readings (nangunguna na ko run). Hindi
rin niya kami lahat kilala kahit kakarampot na bente lang kami... at dahil
run wala raw sa 'min ang may mataas na class standing. Yan ang mahirap
sa once-a-week na klase. Ayun, kaya after ng sem sabi niya he's learned
his lesson.
Lesson of the Sem: "You must have the value of foresight when
presenting. Anticipate anything that might go wrong beforehand..."
Philosophy 1
Professor: Teresa Payongayong
Timeslot: Monday and Thursday, 4-5:30pm
Ngayong sem, ang goal ko talaga e kumuha ng either English 1, Math 1,
Philo 1 o ng kahit anong 1 subject na pakiramdam ko e tadtad ng mga sariwang
dugo ng mga freshwomen. Mission accomplished. Nakakuha ako ng Philo 1 kaso
puro rin mga sophomores at juniors ang mga kaklase ko. Bwiset...
Cutting Edge: Resonating ang boses. Malinaw mag-discuss. Kamukha
ni Senator Pia Cayetano na swabe mag-deliver ng mga kwelang punchlines.
Consequently, she has solicited my respect and attention during class.
Kaya nga wala siyang cartographic sketch dito ngayon. Lastly, may
teacherly concern kasi tinatanong ako kung bakit raw ako laging late.
Downside Dud: Laging maluwang na t-shirt ang suot. Haha...
Lesson of the Sem: Ambiguity and vagueness.
Environmental Science 1
Professors: Dr. Flerida Cari�o, Dr. J. Argete
Timeslot: Tuesday and Friday, 10-11:30am
Dr. Cari�o:
Pumila ako nang pagkatagal-tagal at nagbayad na lang ng 50 pesos na late
enrollment fee para lang makipagsapalarang makuha ang kaisa-isang slot na
natitira sa Envi Sci class na ito... At matapos ang lahat-lahat, ako ang
pinagpala...
Hindi mabubuhay ang klaseng ito kung brownout o kaya pag walang LCD projector
dahil sa overdependence sa mga Power Point lectures. Wala rin akong masyadong
nakilalang mga classmates... patatagan kasi ang laban, walang masyadong
pumapasok. Wala naman kasing attendance. Sana hindi na lang ako nag-volunteer
na maging creator ng e-groups namin kasi nilangaw lang naman. Nagsisisuluputan
lang parang mga kabute pag malapit na ang exams... "help, I can't download
the files..."
Dr. Argete:
Cutting Edge: Wala akong masabi kay Doc Cari�o. Ang galing
mag-discuss. Siya nga lang ang pinanghihinayangan ko pag uma-absent ako.
At siya rin ang may pasimuno ng konsepto ng "cheat sheet". Tuwing exams,
pwede kaming magdala ng mga notes basta pagkasyahin lang namin sa isang
short bond paper. Panalo talaga! Copy-paste Power Point lectures... font:
8... pasado na!
Downside Dud: Wala naman ako sana talagang gustong sabihin
tungkol kay Doc Argete. Kaso masama raw ang may kinikimkim.� Looking back,
malaki ang contributions niya sa pag-develop ng aking tardiness (and absence)
tendencies. Para sa akin, mas effective na anti-antok ang paglagok ng
tubig kaysa sa kape. Usually, effective na ang isang bote to pace me.
Pero kahit dalawang bote na ang dala ko pag siya ang instructor, di pa
rin tumatalab. Ewan ko ba.
Lesson of the Sem: NIMBY (Not in my Backyard) syndrome. "Kahit
nakahanap na ng landfill site na pasado sa lahat ng safety parameters,
the problem is with the people living near it."
Geography 1
Professor: Yany Lopez
Timeslot: Tuesday and Friday 11:30am-1pm
Not as an insult, pero parang nasa elementary talaga ako pag nasa klaseng
ito. My instructor reminds me of my Grade 1 adviser... nga lang, this time
di kami kumakanta ng Father Abraham has Seven Children tiyaka ng
Roll over the ocean, roll over the sea. Roll over the ocean and the deep
blue sea. However, pag nag-a-attendance kami, may side questions tulad
ng Define Love, Your Favorite Quote.. etc.
Cutting Edge: Highly interactive. Madaling matandaan ang outline
ng discussion ni Mam. Laging may games at mga pang-christmas party na
mga prizes after ng mga group reports.
Downside Dud: Sana si Mam na lang lagi nag-di-discuss. Naglalaro
lang kasi ako ng Snake II pag mga kaklase ko na nag-re-report. Tapos 4th
floor pa yung room namin. E galing pa naman ako sa kabilang bukid (este,
building...) para sa Envi Sci ko.
Lesson of the Sem: Above the Equator lies the Tropic of Cancer.
Underneath is the Tropic of Capricorn. Ngayon ko lang nalaman.
Malikhaing Pagsulat 115
Professor: Reuel M. Aguila
Timeslot: Tuesday and Friday 2:30-4:00pm
Prof Aguila
Hindi pa ako nagkakaroon ng subject na may formal training sa Filipino
writing. Yung mga Filipino subjects noong high school, puro mga pahapyaw
lang. Natutukan ako ng todo ngayong sem kasi aanim lang kami sa klase (hindi
lang na-dissolve kasi may mga graduating students).
Cutting Edge: Laid-back ang atmosphere ng klase, kaya para
ngang hindi klase. Pwedeng magtaas ng paa. Pwedeng kumain. Pwedeng mag-drawing
ng prof nang patago. Pero nevertheless, prepared siyang dumarating sa
klase. May mga listening sessions pa kami: makikinig sa mga sinaunang
kundiman at mga poetic na mga Western songs. Di ka rin mababagot sa mga
kuwento niya. Ilang dekadang karanasan ang nakaimbak sa utak niyan e.
Lastly, ginawa niyang writing break ang buong September para gawin namin
yung limang tula at isang maikling kuwento. Well, anlaking ginhawa.
Downside Dud: Wala akong maisip.
Lesson of the Sem: Clearly show the central image of your poem.
Communication 100
Professor: Maria Rosel San Pascual
Timeslot: Tuesdays only, 4-7pm.
Rear view.
Pinakamasayang klase ko. Pasiklaban ng mga presentations ang apat na
courses (houses) ng masscomm tuwing may mga group reports. Nagamit ko ng
todo ang aking creativity sa mga skits namin. Pakiramdam ko nga hindi siya comm class, parang workshop
para sa mga gustong magtrabaho sa Bubble Gang etc.
Cutting Edge: Although nagtataray-tarayan kuno si Mam kapag
klase, hindi niya maitatago na wala siyang age gap sa amin. Fresh from
the wheatfield pa siya, bagong instructor sa Mass Comm. At dahil dun,
keri lang sa kanya kung ginagamit siyang subject ng mga skits namin. Hindi
rin siya mahirap magpa-exam (relatively). Short Essay lang; may ihaharap
lang siya sa amin na commercial print ad tapos kami na bahala kung ano
ang ilalagay naming mga sagot. At siyempre, siya na rin bahala kung ano
ang ilalagay niyang grade, kaya dapat pa rin mag-aral.
Downside Dud: Resonating rin ang boses niya parang si Prof
Payongangayong. Kaso dahil tatlong oras ang klaseng ito, di ko talaga
kayang di makaidlip.
Lesson of the Sem: Semiotics. Meanings are in people.
1:53pm
November 2, 2004 Tuesday
A year ago...
"Lolo, gusto ko mag-aral mag-drive..."
"Tiyaka na pag 18 ka na..."
Six hours ago...
"Nga pala lolo, 18 na ko, dapat ako na ang nag-da-drive papuntang
sementeryo...
"Wag na muna... Ay, pag nakaranas ka pa ng mga aksidente e masisira
lang ang pag-aaral mo..."
Ano naman kaya ang tagline ni lolo next year? Di na ako
nakipagtalo kasi hindi nawawalan ng concerns yun, puro lang kasi news ang pinapanood nun sa cable e. Tendency na talaga siguro ng
isang tao ang maging overprotective habang tumatanda. The more the years
build up on a person, the more he/she (punjeta talaga itong he/she deficiency
ng English language) values the things that are really important to
him/her, largely because of lessons from experience.
Tulad na lang nung nanakawan ako ng wallet sa SM Fairview noong 1st
year high school ako habang tatanga-tangang naglalaro sa Quantum. Matapos
nun naging OA na ang awareness ko sa mga pickpockets. Parang naging
extension na ng katawan ko yung kanang bulsang nilalagyan ko ng wallet.
Pag bumababa ako ng jeep tapos wala akong nakakapang matigas sa may
shorts ko (sa gawing kanan po.�), nagkakaroon ako ng goosebumps��parang
Spider Sense. Ganoon rin kasi ang lolo ko kaya't overprotective siya
sa kanyang pinakamatandang apo. Kung ano ang partikular na pangyayari
kung bakit siya naging ganito, hindi ko inabutan; hindi pa ako pinapanganak...
Kunwari nagising tayo isang araw na ang katumbas na uli ng $1 dollar
ay bente pesos. Tapos pagkalipas ng dalawang araw e bumalik na naman
sa sixty pesos. Ako nga ang pinakamatandang apo ng lolo ko pero technically,
hindi ako ang una.
Parang proverbial na pebble ng mga Zen Buddhists na itinapon sa isang
kalmadong lagoon, nayanig ang mundo ng mga magulang ko at ng extended
family (i.e. tito't tita, lolo't lola) nang ipinanganak ang kuya ko
19 years ago. Adam Bernabe. Yung ADA e initials ni Lolo tapos M for
Male. Bernabe naman yung tatay ni Mama, sundalo kong lolo na namatay
sa stroke. Excited ang lahat. Kumpleto na ang mga baby materials: blue
unan, blue kumot, blue toys, blue etceteras. But then, after two days,
namatay siya. Butas daw ang puso.
Nung nanakaw sa akin yung wallet, kaka-birthday ko lang noon. Hindi
ko man lang nagastos yung binigay sa akin na 500 nung ninong ko. Iyak-tawa
ako noon e. Paano pa kaya si Mama't Papa? At pati na rin si Lolo? Sabi
ni Mama, iniyakan talaga ni Lolo si Kuya.
Wala ng thrill ang pagpunta ko sa Sementeryo kanina. Papaano e pangatlong
balik ko na ito. Sabado pa lang naglilinis na ako ng puntod ni Kuya
Adam. Una, kinaskas ko ang mga tira-tirang kandila na parang nag-accumulate
na mga tartar at plaque sa ngipin. Tapos, binuhusan namin ng muriatic
acid ang lapida. Ang saya-saya! Then kinabukasan, nagsimula na ako mag-lettering
gamit ang pentel pen. It's the least I can do to thank him, bonding
moment kumbaga. What if he lived? Mas matangos raw ang ilong niya sa
akin at mas maputi! San pa ako? Kung ako yung 30-day free trial software,
siya yung magiging kahinatnan pag nag-bayad ka na ng full registration.
What if he really lived? Well, mananalo ka muna sa lotto ng tatlong
magkasunod na araw bago pa siguro ako maipanganak. In short, wala ang
blog na ito. So, thank him.
---���SiDeTriP���---
Hindi naman ganun ka-boring kanina. Marami pa ring mapapansin.
""Mga pagbati streamers nina mayor, vice-mayor,
congressman at konsehal.
""Ang pagpatugtog ng Panawagan-sa-mga-Nawawala Center ng Bring Me
to Life.
""Ang paglabas ng isang lola sa CR cubicle na pinipilahan
ko. Andami kasing tao.
""Ang mga lovers sa matalahib na perimeter ng sementeryo.
Hala! Sige lang...
Dallas Fort-Worth Telegram, wala raw makikitang website, blog, o
kaya nama'y newspaper column na naniniwala na kaya nilang manalo ng
50 games (out of 82, considered as a winning season)...
Well, meron na ngayon.
Bakit walang masyadong hype ang Dallas ngayong season? Kasi dinismiss
na agad nung mawala ang banlag at di-nagsusuklay na long-haired All-Star
Canadian point guard na si Steve Nash. Tapos parang sanay na ang mga
sportswriters na lagi silang nananalo pero walang kuwenta sa playoffs;
kumbaga walang mala-tabloid na twists. Hindi bebenta sa mga mambabasa.
Ano ba ang bumebenta ngayon sa mga online at offline basketball magazines?
Nangunguna na diyan ang mga pa-importanteng mga superstars na walang
ginawa kundi mag-dunk nang mag-dunk tuwing hawak ang bola at mag-endorse
nang mag-endorse ng mga Greenhills material na mga rubber shoes. Sila
yung mga tipo na magpapa-trade sa ibang team pag naging bulok ang team
nila... kahit sila ang unang dapat sisihin.
Andiyan rin yung mga 18 years old palang e pinapasok na sa NBA. Granted,
hindi pang-normal na tao ang kanilang mga kakayahan sa basketball. But
they're given so much at so young an age. Hindi naman lahat ng mga iyan
ay mature. As a result, may mga scoops about this Rookie of the Year runner-up na
nakitaan ng marijuana sa backpack habang nasa airport. In short, mga
twists na pang-tabloid. Bumebenta.
Bakit nakakapasok ang mga 18 year-old sa NBA? Kasi may mga success
stories: Dirk Nowitzki, Kevin Garnett, Tracy McGrady, Jermaine O'Neal
at ang numero unong primadonna... si Kobe Bryant. Si Kobe ang pinaka-favorite
ng mga magazines na gawan ng istorya kasi pang-Hollywood talaga ang
mga twists ng career niya. From his Colorado rape case
to the dismantling of the Lakers (i.e. Shaq and Phil Jackson), hindi
talaga mauubusan ng drama itong player na ito. Ngayon, gusto niyang
patunayan na sa kanya na ang Lakers. Sa kanya na nga. Pero mag-average
man siya ng 37 points per game, di niya mapapantayan si Jordan.
(37.1 points per game si Jordan noong 1986. Lamang ng 0.1)
Mas gusto ko nga na walang masyadong attention ang Mavericks. Pag
naging success story ang Dallas ngayong taon, ang sarap ng pakiramdam
na sinubaybayan mo sila all throughout. Hindi ako aakusahan na nakikisali
sa bandwagon. And I believe this year's team is special. Depth
of bench and defense��interior and perimeter��has arrived in Big D.
May isa pang advantage ang low profile. Mas mura ang mga team merchandise. Bibili
ako ngayong Pasko ng #41 home jersey ni Dirk Nowitzki (yung 3-point-shooter,
jumpers galore, scoring machine, 7-footer German superstar ng Mavericks)
habang hindi pa masyado mainit ang Dallas. Nang mag-champion
kasi ang dating unknown na Pistons last June, biglang nagsisulputan
ang mga unknown rin na jerseys nila Ben Wallace at Rip Hamilton��and
my gawd! Napakamamahal talaga! The NBA is a business.
Ngunit dahil ang isang business ay catered for its patronizers, i-e-enjoy
ko ngayon ang unang panalo ng Mavericks para sa season na ito. New Orleans
Hornets ang kalaban bukas.
4:18pm
November 6, 2004 Saturday
When you are in a deep shit situation��in that you
have to pick your poison and make an either-or decision��the most
comfortable thing to do is stand pat and wait for a miracle. It's what
I did. But after a year, it blew up in my face.
Case in
point, 38.15.20.
Problem with playing the role of the
friend-who-loves-friend is the risk, the oft-unavoidable risk. Tell
someone 'something stupid' directly and you better bring with yourself
a nametag the next time you meet. It just ain't the same (For Mulawin
fans, think Aviona). But on the other hand, keep the feeling to
yourself and well, you'll feel like you're part of this telenovela
stuff and all that you'll need is a musical background. But still, the
feeling sucks. Big time.
Risks are not that
insurmountable, but in this particular case, it is. 38.15.20 is this
dream person and she's my friend. I pushed myself within her inner
circle during the first sem of my first year. But it didn't dole out
any confidence. Her being ideal gave me a God-knows-what
level of inferiority complex. It gave me this gut feeling that I'll
fail, that taking a risk is like taking suicide. I might lose the friendship.
This is indecision at its best, as I perfectly do it.
I
tried the wait-and-see approach. But after a staggering one year
stretch, it was apparent I failed. I haven't been seeing 38.15.20
lately. I've been reduced to a mere acquaintance. Now
that I'm on looking-back mode, it was easy to see all the
opportunities I failed to capitalize. They were right
there and then when I first met her. I just probably didn't realize
because back then my balls were busy doing their disappearing acts. Miracles don't
come out of nowhere. They are made, if not by blood, sweat and tears
then by firmly believing. No miracle arrived because I was just
expecting it; I should have believed that it will come. That's
faith.
I've already seen the outcome of this project three months ago;
although during that time I assured myself I was just doing a
mark-time march... not moving forward nor backwards. But after
yesterday, everything's clearer. Where I am now won't take me further.
I better stop this. The gift I've prepared yesterday may be the last
move from a string of events I've outlined over the course of a whole
year.
In truth, I'm heartbroken... but I've always been like that ever since
this started. So I think it's better that I feel this today and be
liberated afterwards.
I can't wait for December.�
10:48am
November 9, 2004 Tuesday
Natapos ko na rin ang aking mala-Extra
Challenge na enrollment. And as expected, nagdamot na naman ang punyetang
random computer enlistment; dalawang subjects lang ang binigay sa akin.
Matapos ang lahat ng pakikibaka, paglalakad, pagpila, at paghihintay kahapon,
nakuha ko rin ang kulang ko pang apat na subjects para maka-18 units. First
day of classes na ngayon! Napagdesisyunan ko na magbabago na ako ng ugali ngayong sem. Hindi na ako ma-le-late sa mga klase ko. Tutal malapit na ang New Year (nadadama ko na, kasi
nagbukas na ang Paskong Pasiklab sa may Philcoa.�), ngayon
na ako mag-re-resolution.
Alas-diyes ang una kong klase,
Kasaysayan 1. Alas-sais pa lang gising na ako. Inayos ko ang aking mga bagong biling school supplies: isang maliit na handy-dandy notepad
at paper clips para hindi na magkandawalaan ang mga readings ko. Nang papaalis na ako, bigla akong napatingin sa cabinet ko.
Maglalagay ako ngayon ng gel... for a change.�
Ten minutes before
class ako dumating. Wala pa naman ang professor kaya sumaglit muna ako sa banyo para magsalamin; first impressions last daw e.
Wala pa rin ang prof pagdating ko. Hindi ko alam kung makikipagkilala
ba ako sa mga bago kong kaklase. Wala ako sa mood. Pero parang di ako mapakali na hindi ako nagsasalita. Nagaya ko na yata nang tuluyan si Donkey
ng animation na Shrek. Nagkakaroon na sa akin ng epekto ang maingay kong environment (College of Mass Comm).
Nanalo na ako ng
tatlong beses sa Bantumi. Muntik ko ng maabot ang top score sa Snake II na 2,485. Pero wala pa rin ang prof. Lumayas na ako kasi 30 minutes na ang nakalipas. Punyemas.
Matapos ang vacant kong
tatlong oras, diretso na ako sa pangalawang klase na Malikhaing Pagsulat 173. Banas na banas itong ka-course/kaklase kong si
Shrek, Olan pala. (joke lang, baka sapakin ako nito pag nagkita kami.) kasi yung apat niyang klase ngayon hindi lahat pinasukan
ng prof. Tinawanan ko pa.
Karma. Hindi rin ako pinasukan ng prof sa lahat ng
mga klase ko. Yung prof ko sa Comm 3, wala rin. Parang tanga, dapat
di na muna ako pumasok. Nagbabagong-buhay na nga yung tao tapos ganyan pa
isasalubong sa akin.
Nakakawalang-gana.
Pero buti na lang,
nanalo na naman ang Dallas.
Hindi pa rin natatalo... 4-0 na! hehe...
At least ten people were killed and 115 wounded after a Manila-bound train
from the Bicol region slipped of its tracks and fell into a 12-meter deep ravine
early dawn Friday.
Tiyaka pa lang maaalala na may plantsang naiwanan kapag may nasunog ng damit.
Bwiset.
Mangyan natives on Thursday found the remains of Prana Escalante, a female
mountaineer who had been missing since climbing Mt. Halcon in Oriental Mindoro
province early this month. Her remains were found wearing only her underwear.
Her belongings were also missing. The 21-year-old Escalante, a member of the UST
Mountaineering Group reportedly got lost while trying to catch up with her
companions who went ahead with the climb to Mt. Halcon on October 29.
Palestinian leader Yasser Arafat, a man either resented as a terrorist or
respected as the symbol of the struggle of the Palestinian people, died
Wednesday of unknown causes at the age of 75.
The South Beach Diet was developed by a cardiologist in Florida by the name of
Arthur Agatston, originally for his patients to maintain heart health. It
blossomed into a full fledge diet craze, with varying opinions as to its
merits.
In a nutshell, the South Beach Diet is a three stage diet,
laid out as follows:
1) Phase 1 is the most difficult stage, in that
it completely restricts carbohydrates such as bread, pasta, potatoes,
baked goods, etc. for a period of 14 days. You also can't have cookies, cakes,
ice cream or sugar. Alcohol is also off limits. The initial phase is also
marked by portion control, limiting you to certain portion
sizes.
2) Phase 2 starts reintroducing some of the carbs you had to
give up during Phase 1, not all. Portion control remains the focus of this
stage, which you remain in until you reach your desired weight.
3) Phase
3 lasts the rest of your life (if you make it to this stage). It is a life-long
diet stressing smaller portions, certain carbs and certain fats. It doesn't rule out carbs and fats, but rather tells you which ones you
should avoid.
Basta, di ko ma-imagine si Belo o kaya si Calayan na nag-e-endorse nito.
10:22pm
November 14, 2004 Sunday
I had a dream early morning.
Everything my senses felt seemed so real. I could make decisions and set the pace of conversations. The setting was familiar, although I couldn't remember it now.
The people around me bore the semblance of my high school classmates, but then
again, I'm not sure. I also couldn't pinpoint who they were exactly.
One person was certain though, 2.247.
She was closely sitting beside me on a sidewalk ledge. I was clutching her left arm around my arms, resting my head on it.
We were in the midst of a conversation about our real score. No
pretensions. Direct to the point. It was open-ended. No answers at all.
And then I awoke. I forced myself to sleep again, but it was useless.
I didn't need any dream interpreter. This has to show up, in one way or
another, because I forgot when I told myself I'd decide what to do about this. Like all
the other story I'm in, we are hanging in the air
for so long, for very long, waiting for the other's next move... a hopeless stalemate. I have to decide: whether everything is just a thing of the past
or an epic waiting to unfold.
The two of us are unfinished business. Should it continue, the early returns
would be exceptionally sweet. But the shadow of this big and rich monster will
inevitably loom on us. I can't help but think about it. But I want to give the
short term a shot. I'm still lost.
...Tease me, by holding out your hand...
...and leave me, or take me as I am...
Bullshit.
11:47pm
November 17, 2004 Wednesday
Mabalik tayo kay doctor Calayan (yung lalake).
Nakaisip na ako ng pangalawa kong dream job kung sakali mang hindi ako
palarin sa broadcasting...
Artista na ngayon ang lalapit sa akin. At hindi lang basta-basta artista:
mga gustong magpa-sexy at magpagandang mga artista... na usually e mga babae. Pero sisiw
palang iyon. Kung iyon lang ang hanap ko, dapat nag-apply na lang akong
security guard ng main gate ng GMA-7 compound o kaya naman e make-up artist
behind the scenes. Pero hindi. Dito, ako na nga ang lalapitan. Tapos ako pa
rin ang kakaibiganin. Tapos ako pa ang i-pa-plugging ng libre. Tapos
makakalikot ko pa ang mga kung anik-anik sa katawan nila. A-ko, a-ko, puro na
lang a-ko...
Kaso, mahal raw ang mag-aral ng ganitong ka-chorvahan. Sa
US pa raw todo-todong nagpakadalubhasa itong si Doc ng mga makabagong
teknolohiya. Kaya ang gagawin ko, mag-a-asawa rin ako ng dermatologist.
Manghihiram na lang ako ng mga notes.
Pero ayoko na'ng mag-aral-aral pa. Di na talaga ako makahintay
mambutingting ng mga tao; mainit na
ang mata ko sa mga taong ito:
Yasmien Kurdi:
Ubra pa ang alibi niya na baby fat lang ang nakabalandra sa kanyang
mga hita at braso��sa ngayon. Unless na balak niyang talikuran ang showbiz
para mag-arm wrestling o kaya'y kickboxing, humanda ito sa
akin oras na mag-18 ito. In the meantime, wag na muna siya sumali sa mga dance numbers na kailangan
niyang mag-shorts o sleeveless. Kumanta na lang siya.
Raymond Gutierrez
Dapat siyang hangaan dahil pinili niya ang pag-aaral bago showbiz. At kung ako sa kanya, mag-aral na lang siya uli.
Kung tapos na ng college, e di Masterals. Kung ayaw talaga papigil, wag na wag nang iparinig sa kanya ang boses ng kanyang
ate para di na niya magaya.
Kung pursigido pa rin pagpatuloy ang kanyang hosting career, ooperahan ko na lang dila niya para humaba ng
kaunti. Mga ilang linggo lang naman siya mawawala sa kanyang weekly spot sa SOP Gigsters, mga ilang linggo rin tataas ang ratings ng GMA
tuwing linggo.
Oras naman na mag-venture ako sa pagtayo ng mga branch ko sa mga
malls, ito ang nasa tuktok ng wish list ko para maging endorser...
At pag sikat na sikat na ako, makakasama na ako sa mga listahan ng mga celebrity sa Fanatext... he,he...
4:17pm
November 22, 2004 Monday
Limang nakakapanira ng araw ko, as of late.
1. Basang medyas. Tapos walang dalang kapalit.
2. Mga naninigarilyo sa jeep.
3. Air Freshener ng bus.
4. Pag kailangan mo ng FX puro jeep. Pag jeep, ibang ruta naman.
5. Mga flooders sa Friendster Bulletin Board.
Peste.
Kaya blurred, kasi in motion.
Nung Sabado, inaya ni mama kaming magkakapatid sa reception ng isang kasal. Di
ko kilala yung kinasal, pero ininvite si mama
nung nanay. Dun lang naman gaganapin sa bahay sa may bungad ng subdivision namin. Matagal nang naiintriga itong nanay ko sa bahay na yun kasi
para talagang alta-sa-syudad ang laki kaya excited siyang pumunta. Ako, wala ng tanong-tanong. Kainan yun e.
Mahirap tanggihan ang grasya.
Ay jusm�! Nagpaka-formal pa naman ako ng bihis... slacks, rolex, polo, gel, and all...
e para lang
naman street party ang pinuntahan ko. Kung wala lang wedding cake na nakabalandra sa may garahe, aakalain ko nasa bar ako.
Yung mga teenager dun parang mga kurimaw. Ni di ko nga nakita yung kinasal na couple.
Puro disco lights at sound system na pang-jeep. At ang sounds... isang unknown Pinoy rapper
na sa akin tantiya ay di ko na rin ata makikilala. Ok na sana, ang di ko lang kinaya, sing-along silang lahat
sa lyrics nito. Sana pala pinang-SM na lang namin yung pinambili ng regalo. (Di naman namin kilala diba?)
Matapos kumain...
Uyy mare, mauna na kami ha, gagawa pa kasi ng thesis itong college ko e...
Moral lesson: Don't judge a book... blah, blah.
Kahapon naman sa jeep...
Batang ka-boses ni Michael V pag nanggagaya ng bata: WAAAHHHHH!!!
Nanay: Tahan na sabi, putang-ina... bibili nga tayo ng lobo pagbaba sa jeep.
Michael V: Hinde, hinde, palayo na tayo sa SM e... WAAAHHH!!!
Tatay: Sshh, wag kang maingay, andiyan na ang pulis...
Nanay: Pupunta tayo ngayon kanila Lolo, maraming lobo run... ilan ba gusto mo?
Michael V: <nanahimik><shows hand> Five... <singhot><singhot>
Nanay: yun lang e, akong bahala...
Mga magulang talaga, kung anu-ano nasasabi pag nagigipit.
12:05am
November 23, 2004 Tuesday
Come dismissal time, students pass by my classroom's door. They come in different shapes and sizes but are all spirited because classes
are over. For someone who can't join the rush hour because of a professor who dismisses class on time, I see these people as but a parade of
mannequins without faces.
But in a sea of unknown faces, one is likely to take your attention.
What took a second felt like a half-minute. I saw 38.15.20 with my peripheral vision (that which you see at the sides when looking
up front). Eye contact was established for some split-seconds through the translucent glass pane of my classroom's door. Then she faded away.
Different classes. Same building. Same floor level. Same timeslot. I'll still get to see her on a regular basis this sem. Despite my cowardly
decision to have a project abortion, the scene still brightened me up.
Old habits die hard. And I don't want to repress what I'm feeling. There's no
harm in it. Commensalism, perhaps.
...Isang araw sa Kasaysayan 1...
Groupmate 1: Nabasa niyo ba yung libro para sa report natin next meeting?
Groupmate 2: Hindi pa e...
Shinitzki: Eto... napa-xerox ko na nga e... <cool ang
pagkasabi>
Groupmate 3: Ang galing! Sige, e-mail�e-mail na lang.
Next meeting.
G2: Di ako papasok ngayon. Pero ok na yang report.
G1: Sino magbabasa sa klase?
Shinitzki: Sige, ako na lang.
G3: Teka! Bakit pareho yung report natin sa kabilang grupo?
G1: Ano!
G2: Sino ba kasi uli yung nagpa-xerox ng libro?
Shinitzki: ...
...Kanina sa Malikhaing Pagsulat 173...
Prof: I assume nabasa niyo na yung essay para may kinakausap ako.
Shinitzki: <pabulong sa classmate> Yan! Diyan ka magaling, ba't ngayon mo
palang binabasa iyan. Di mo ako gayahin. Teka, ba't May Katulong ang Aking
Sopas ang binabasa mo?
Classmate: Ito naman talaga e, hindi mo ba binasa yung syllabus?
Shinitzki: Hindi ba How I Spent My Summer Vacation?
Parang may kung ano na pumipigil sa aking balak na magsipag ngayong
sem na ito: katangahan. Pero hindi, adjustment period lang ito
[charing!]. Hindi lang ata ako sanay.
11:34pm
November 26-27, 2004 Friday-Saturday
Two years ago...
...Kailan tayo aalis?
...Mamaya raw aalis pagkatapos kumain ng almusal...
...Sana mamyang hapon na lang, makulimlim na makulimlim na talaga kasi
rito e...
Nag-snow raw sa Seoul pagka-alis natin kahapon e. Baka mag-snow na ngayon...
November 21-30, 2002. Kasama ang labing-anim pang mga estudyante na kung saan-saang rehiyon ng Pilipinas galing,
sampung araw akong namalagi sa Korea (pag sinabing Korea, South Korea na yun) para sa isang Student Exchange Program. Kung ako ang tatanungin, wala akong inatupag dun kundi
mag-KATUGA (kain, tulog, gala). VIP treatment. 5-star hotels. On-the-clock, top-of-the-line
Korean delicacy food service. Exclusive tour guides. Exclusive tour bus. Pictures. Pictures. At puro na lang pictures. At lahat ng ito for 10 days.
Buhay prinsipe talaga.
Nang makita ko sa internet ang program na ito ng DepEd, di ko na tinantanan
ang pag follow-up. Araw-araw kong pineste at tinawagan ang mga handlers nito.
Narindi na ata kaya pinasama na ako. Dalawa kaming representative ng NCR. Airfare lang ang binayaran ko at salamat sa pag-so-solicit, ako'y nakaraos. Abilidad, hehe.
Sagot na ng Korean Government lahat ng expenses namin kaya walang problema.
Nung mga unang araw ko, lagi akong nakatingala o kaya nakanganga. Simply amazing. LCD ang mga billboards. Tapos malinis talaga, wala akong masabi.
Pero di pwedeng magtagal sa pagtingala kasi humahapdi yung ilong ko; di rin pwedeng magtagal sa pagnganga kasi nagsusugat mga labi ko
(napabili nga talaga ako ng lip balm e, out of necessity). Kakaiba ang lamig,
parang tinutusok ako ng ilang libong karayom.
Pero wala pang snow, at tiyaka kalbo na lahat ng mga puno. Late November pa lang
noon. Transition pa lang mula autumn papuntang winter.
Balik tayo sa run-time... November 26, 2002. Two years ago...
Matapos ang limang araw na pag-tour sa Seoul, dadalhin kami ng mga tour guides sa Gyeongju, isang syudad sa may dakong baba ng Korea.
Capital ito dati ng Korea ilandaang taon na ang nakakaraan. At lungga ito ng mga monumento na ngayon ay mga World Heritage Sites na ng UNESCO.
Sa sobrang pagka-OA ng pag-maintain ng traditional na dating, pati mga rooftop ng mga gasolinahan, kahoy. Pero bago
makarating ng Gyeongju, nag-stop-over muna kami sa isang Youth Center sa isang syudad na nakalimutan ko na ang pangalan. Overnight kami rito. Ayoko pa sanang
umalis talaga ng maaga dahil bukod sa nakakapag-basketball ako rito, makulimlim na talaga ang ulap. Nag-snow sa Seoul pagka-alis namin.
Kaso umalis rin kami ng maaga, at tulad ng inaasahan ko, nag-snow sa Youth Center. At ang pang-inis pa, pagdating sa Gyeongju, umaaraw.
Una naming dinalaw ang Chon Ma Chong. Nakalimutan ko na ang significance nito. Kebs lang kasi ang ganda talaga ng contrast ng mga pagoda
sa lake background. Pag nag-re-reflect ang sikat ng araw rito, parang diamante kung kuminang.
Tapos dinala kami sa Im Jae Hong. Kahit sinong Pilipino talaga ang dalhin rito, Chocolate Hills lang
talaga ang maiisip. Mga man-made na
burial mounds ito ng mga dugong bughaw. May diskriminasyon pa rin siyempre. Pag mas malaki ang burol, mas mataas ang naging posisyon noon.
(Andaming camera no?)
Pagkatapos, dun naman kami dinala sa Cheom Song Dae. Pinakamatandang observatory sa Asia. Wala lang, share ko lang.
Matapos ang lahat ay humimpil kami sa isa na namang 5-star hotel. Tinawagan
ko ang aking mga kaklase sa Pilipinas na papauwi pa lang galing sa Field
Trip. Sayang rin, nitong 4th year lang nagpa-Field Trip ang school. Pero abuso
na, masyado na siguro akong masuwerte kung lahat na lang nakuha ko.
VTR rolling... November 27, 2002... Next day...
Bulguksa Temple lang ang dinalaw namin ng araw na ito. Ito ang pinakamalaking templo sa Korea. Bago namin ito narating, kailangan naming umikot ng 99
na beses palibot sa isang bundok. Mas maganda raw kung dinalaw namin ito ng spring dahil tadtad ng cherry trees ang perimeter nito. Sayang.
Tameme ako buong biyahe kasi na-late na naman ako ng gising. Banas na banas
sa akin yung head of delegation. Pang-apat na beses ko na kasi ito e.�
Walang kahit anong banta ng snow sa Gyeongju, tirik na tirik ang araw. Habang pabalik na kami sa Seoul, nabuhayan ako ng loob dahil pabuo nang
pabuo ang mga ulap. At hindi lang basta ulap, Nimbus na ulap. Sa wakas, snow na siguro ito.
Pagdating sa Seoul, umuulan. ULANG PAMPILIPINAS! Peste.
Well,
palpak ang naging release ko noong October kaya naman nagsanay pa ako
ng kaunti sa HTML. Second comeback attempt ko na ito...
All-Saints'
at All-Souls' lang ang di ko inabangan. Sayang lang yung naging bakasyon
nito; sumabay pa sa sembreak ko...
But other
than that...
November
2: 2004-2005 NBA season opener na!
Birthday rin
pala ito nina Bayona (shown above) at ni Leah. Bakit parehas nataon tuwing
Undas? I wonder...
November
5: Kakaiba talaga itong picture na 'to. Parang ang subject e mga damo.
Besides, it's ironic. She's not one to shy away from people. Her aura's
highly magnetic; I'm lucky to have known her. Happy Birthday, Chot!�
November
6: Since time immemorial kasama ko na 'to: siato, tumbang preso,
agawan base, basketball, PS, debut performances, carolling,
Warcraft III at basketball uli. Oy Norman, moment mo na 'to para magpa-cute...
Matapos ang
successful jump from 5'0" then to 5'5�"(2001-2004), target niya ngayong
maabot ay 6'0." Abusado. Miyembro ng Bulate Group... kaya ang nasa isip
lagi nito ay Warcraft at basketball. Sensya ka na, Jayson. Wala ka
kasing Friendster kaya ganyang lang picture mo.
November
15: Naalala niya pa rin ang birthday ko kahit fossilized na ang barkada
namin (i.e. Chot, Cherry, Maio, Mike, siya, at ako...) Very vocal but
very deep. Jaime, HB!
November
27: Aakalain mo talaga na may kasama kang artista pag kasama mo ito
maglakad sa mall. Tuod lang ang di lilingon. And don't engage him... malalakas
ang kanyang mga pasabog punchlines. He has evolved a lot since our first
year in high school. More so, now that "she's" 18... HB, Joseph!
November
28: Honestly, I believe she deserved the top honors. But still, had
it gone that way, our high school graduation would still have been magical.
Verly, thanks for the cap! Happy Birthday...�
November
30: I think our national heroes are very much underrated.
And lastly, b-days
rin nina 38.15.20 at 2.247 ngayong November...
Whatta Mouth!
Vital Statistics
Ano Itetch?
May nakasagot
na ng ating mystery picture. Tumpak, ang Ano Itetch, November 8-22 nga ay...
PUP Human Rainbow
Congrats kay Renette. Kahit kailan talaga,
gifted child ito. Antayin mo na lang ang testi mo, andiyan na yan.
Third edition na ngayon ng Ano Itetch, November 22-30. Hulaan kung
ano ang picture na nasa ibaba. Bibigyan ko ng testi ang mananalo.
Clue: Hindi tao, hindi hayop. Di rin siya proper noun.
Chikkaminute!
Previous results: [Nov.13-20]
Sino ang mas gaya-gaya? "Kapamilya: 83% (15 votes) "Kapuso: 17% (3 votes)
One's very own epitaph is probably the easiest to write, because you
won't even have to bother writing it yourself.
But well, I'm writing this column, which no matter how hard I try to
embellish still looks like an epitaph to me. Plus, it's not that easy...
Height: 5'8"
Weight: 122 lbs.
I'm taller than most girls��at least the sort I see everyday. I'm taller
than a considerable amount of boys. I'm even tall enough to fall inside
the quota for basketball varsity players.
But I'm also as lightweight as most girls, as some boys, and definitely
as no other varsity player. Kevin Garnett and Rip Hamilton are my only
bright spots.
Filipino
Very much like halu-halo and chop suey, the identity of our people
lies not in the individual ingredients but in the whole hodgepodge.
There never really was any pure culture. The roots of our culture
may not be intrinsically ours, but the way we have built on it, the entire
output... there lies our identity...
College:
Mass Communication Degree Program:
Broadcast Communication
Sophomore
Stereotypes are, in actuality, delusions... mere bullshit.
If I were as articulate, as bold, and as loud and proud "to the bone"�as
expected of our House�I would have tried to win 38.15.20's heart; I would
have at least tried telling her how important she is. No more need for
fucking letters.
Sadly, over the course of a whole year, my balls have left me time
and time again.