These were some of my entries from my journal notebook. I found them very interesting to share with you guys. I hope you like it. =)
December 11th 2003 | Thursday
Negative Side ng Buhay Fourth Year
Ilang araw na akong bangag. Ang tulog ko 3-4 hours na lang. Para bang ipinagkakait sa akin ang lambot ng unan at lamig ng higaan. Di maintindihan ng mga guro naming ang dami-daming requirments at di namin kaya yun nang sabay-sabay. Idagdag mo pa ang mga pagsusulit na nakakasawa ng i-take. Paano ka pa mag-aaral kung puyat ka na sa kakagawa ng iba pang homeworks? Tapos minsan, magagalit pa silang ang poor ng performances namin. Di nila alam, pag-uwi sa bahay subsob na agad sa school works ang inaatupag namin. Ang laki-laki na nga ng eyebugs ko at nagmamantika na ang mukha ko. Wa-poise pero no choice. Hay. Oo fourth year na nga pero alam mo yun, bago ka makaalis sa tanikalang yun, nakaposas ka muna sa napakaraming gawain. Para bang araw-araw may hagupit ng latigong gustong iparamdam sa iyong, "hala sige aral pa! lulubusin na kita!". Di naman kasi ako robot. Di rin ako de-baterya na puwedeng palitan ng panibago agad-agad. At higit sa lahat, marunong naman akong mapagod! Suko na nga yung night lamp ko eh, napundi na. Yung nescafe sa kusina paubos na rin. Kaya madalas kapag papasok ako, napaka-moody ko. Inaakala tuloy ng mga undergrad friends ko na galit ako sa kanila kasi di na daw ako namamansin. Baka kamo di ko na sila makita kasi nahihilo ako!
Anyway, bagama't mabigat ang buhay-eskwela ko, may ilang pagkakataon pa rin na natutuwa ako. Tulad kaninang English, we discussed "tonight I can write" by Pablo Neruda. Poetry on love siya. At siyempre, naalala ko nanaman si "tinatangi". Napa-oo na lang ako sa linyang, "Loving is so short, forgetting is so long" Hay. Tinext ko nga si "tinatangi" kinagabihan eh. Itinabi ko muna yung Assign-Proj sa Physics at kinuwento ko sa kanyang ang hirap-hirap ng fourth year. Sabi ko, patapos na nga, eh para ka namang unti-unting pinapatay. [hehe ang oa noh?!] Sabi naman niya, oks lang daw yun. Ganun talaga, siyempre graduating. Pinagdaanan niya yun at malalampasan ko din daw yun. Hay!! Bute pa siya, kahit malayo naaabot ko pa rin. Yung mga lectures, abot-kamay ko na, di ko pa rin maabot kasi di ko maintindihan! Ewan ko ba. Si Ms. Che nga siguro pagod ng kakasabi ng "Shelly kaya mo yan!". Sana nga kayanin ko. Sana nga'y "May liwanag pang sisilay" [sabi sa pinoi class kanina hehe] at sana, maayos na lahat ng problema ko sa buhay. ;)
December 25th 2003 | Thursday
Sayang Wala ng Sta. Claus
Bakit ba habang tumatanda ka, nagiging boring ang pasko? Dahil ba sa di ka na naniniwala kay Sta. Claus? Dahil ba sa tag-hirap na ngayon? O dahil ba sa habang lumilipas ang panahon, ang magkakamag-anak pakonti na nang pakonti kasi yung iba pumupunta na sa abroad? Ano ba yan, parang ordinaryong araw lang ngayon! May regalo si Tito Doy [Ang Sta. Claus ng angkan namin. hehe] pero honestly, ang corny ng gift nya. I was expecting a perfume or any accessory man lang. Haha. Coin purse. Oh well. I cannot blame him naman kasi ang dami niyang ni-reregaluhan. Sa laki ba naman ng angkan ko sa mother side, mabubutas ang "coin purse" mo. Ubos ang pera ni Tito Doy.
Nagpunta na lang kami ng Robinson's dito sa Batangas. Window shopping. Wala naman kasi kaming pera nina Gabbz eh [pinsan ko]. Sa pamamasyal namin, napa-titig ako sa cellphone shop. OMG, I want a 3100 phone! Kaso ang mahal-mahal pa. Kailangan ko pang hintaying bumagsak ang price...kapag laos na yung 3100. hehe. Ewan! Kung maibabalik ko lang sana ang dating pasko. Yung may Sta. Claus pang nag-iiwan ng gusto mong regalo sa Christmas Tree. E di sana, nag-wish ako ng 3100 na cellphone! Sana pala noh, nung bata ako, nag-wish ako ng boombastic gift for Christmas. Tipong honda car o house and lot. HAHA. Kaya siguro pambata lang si Sta. Claus kasi kapag mga matatanda na ang humiling, mamumulubi si Sta. Claus!
Pero at least, nadama ko pa rin ang essence ng pasko. Di nawala ang kainang nakaka-balyena sa sarap. Ang kumustahan moment with the long-time-no-see relatives. Visible pa naman ang puto-bumbong nung huling simbang-gabi, Christmas lanterns na yung iba pundido na at ang walang kamatayang "Ang Pasko ay Sumapit" song na malakas na ipinatutugtog. May mga nagtext at bumati ng Merry Christmas. Iba-iba pa nga style eh. Yihaa, si "tinatangi" nagtext! Nakumpleto na ang pasko ko kahit papaano. Kahit hinde fantastic, naging sweetly memorable naman. Sana next year maging exciting ang pasko. Merry Christmas na lang to all!
January 21st 2004 | Wednesday
Only in STC
Ewan ko kung ma-gegets ako ng lahat sa journal na toh. More of Theresian talk kasi to eh. Sorry if you fail to understand, the topic is just so Theresian-related.
Anyway, ka-text ko kasi si Odessa kanina, pinag-usapan namin yung culture of relationships sa STC. Kasi nga di ba, dahil all-girls, di maiiwasang may on-on relationships. Kung Theresian ka, you can't deny the fact that it is one part of the culture. Tanga lang ang walang alam tungkol dito. [AMININ! hehe.] Na-geget over naman daw yun eh when your reach college or when you become more mature kaya for me, it's just alright. Not against, not in denial. Ako man aminadong namulat ako sa paligid na engaged sa ganun. As long as there's no malice and there's no beyond limits, it's fine with me. Buhay naman nila yun eh at siyempre, sino naman ako para makialam sa kanila kung di naman sila nanakit ng iba. Karamihan talaga ng Theresians, dumadaan sa stage na ganun. Tradisyon ika nga, na napapasa sa bawat henerasyon. Nakakatuwa paminsang mamasid ang magkaka-on. May pa-anniv2 pang nalalaman. Tipong buwan-buwan, dapat may ibibigay ka. Tapos yung regalo, pa-kornihan. May gimik na ka-kutsaba pa ang mga kaklase. Mapa-harana, nakapilang nagbibigay ng roses o chocolates, o di kaya, isa-isang lumalapit at bumabati ng "happy *blah blah* [yung date ng anniv]. May walang kamatayang pagbibigay ng letters pa. Tipong every breaks, may reply na agad. Parang ang tagal-tagal nilang di nag-uusap at nagkikita noh? Tapos lagi mo silang makikita magkasama. Mapa-family day, bandfest o kahit ordinary school days pa yan. Minsan, may friendster account pa silang dalawa.
Sabi sa akin ng isang teacher, feeling of insecurity lang daw yun kapag nakikipag-on. Kung titignan sa ibang anggulo, ang pakikipag-on ng Theresians, compared to a relationship with a good friend lang din. Mas special na pagkakaibigan ba. Binibigyan lang ng ibang tawag at dahil nakagawian, may "number" pa kayo. Hehe. Masaya daw kasi when you feel somehow secured. You can lean unto someone at all times. Tipong pag-uwi mo, sure thing na may makakausap ka sa phone or kinabukasan, alam mong may makakasama ka kapag breaks. Alam mong kapag dumating ang problema, may kaagapay ka at may tutulong sa iyo nang taos-puso. Yun nga lang, may ibang magkaka-on na parehong immature. Yun bang kapag "break" na daw sila, di na sila nag-uusap. Parang di sila nagkakilala or naging magkaibigan. Sayang. Nasasayang ang samahan dahil sa mga maling pananaw.
During our conversation, parang napailing na lang ako sa mga kinuwento ni Odessa. Parang natatawa na lang ako kasi napagdaanan ko na yun. Siguro nga, dahil yun sa pag-iisip kong malapit na kong umalis ng STC at unti-unti ko ng na-geget-over ang lahat. Sa pamamaalam ko sa STC, kasama na din ang pamamaalam sa thought na yun. Good thing na rin siguro para at least, when I face a new world, di ako ma-culture shock. But still, I'm lucky to be in a culture like that. Aba, only in STC lang yun noh! Katulad ng tiyakad, Palihan, Advan rubber shoes at butones sa likod, sa STC mo lang mararanasan yun! HEHE.
June 6th 2004 | Sunday
Goodbye HS, Heller College
Vacation is almost over. Hinde na ko papasok pa sa STC! Bukas pasukan na doon, school year 2004-2005. Wala na ko sa eksenang yun. Dati animo'y bida ako sa lugar na yun sa aking pananaw. Abril pa lang, di na ko magkanda-ugaga sa pagka-excite. Hindi ako na-eexcite sa pagpasok ko ngayon! Perhaps it's because of fear - fear of new world and fear of being alone. Alien ako sa bago kong mundo pagpasok ko Martes Kanina nga lang ako bumili ng notebook na fillers lang eh. Pumulot na lang ako ng kahit anong filler sa bookstore, na dati rati'y ang tagal-tagal kong mamili dun. Iba na talaga ang panahon. Hay. Matanda na siguro ako. Life gets boring as you grow older. Sabi sa The Little Prince, there are certain things that grown-ups will never understand about children. Nakakainggit yung mga batang papasok pa rin sa dating paaralang minahal ko. Tatambay sa dati naming tambayan. Mag-aaral sa dating silid-aralan namin. 11 years din akong naglabas-masok dun. Di madaling iwaglit sa isipang hindi na ko taga-doon. Siguro bukas masaya silang papasok at gigising ng maaga. Kahit malamig, magkakaroon pa rin sila ng incentive pumasok. Hinde siguro magmaliw ang pagtalak nila pagdating ng iskul at hanggang langit ang tuwa nila dahil nasa STC na ulit sila.
Sayang at tapos na ko sa stage na yun. Totoo, nakaka-miss. Ngayon naiintindihan ko na yung mga graduate students na pabalik-balik ng STC noon at paulit-ulit na sinabing, "miss ko na ang STC". Ganyan na rin ang nabibigkas ko sa bawat sandali. Higit pa nga kung minsan eh. Ang saya-saya pala talaga noon. Ang ka-payakan ng buhay, ang tamis ng kabataan. Masarap ang buhay sa STC. Minsan mahirap, pero enjoy pa rin because you're blessed being with real people. Minsan mahigpit, pero sa huli mo lang ma-aapreciate yung kahigpitan ng rules and regulation. Para din pala yun sa kapakanan namin. Yung adviser ko, siguro handa na rin sa pagsalubong sa mga bagong estudyante nya. Ngayon ang huling gabi. Bukas, mga alaala na lang yung pinagsamahan namin. May bagong grupo na ulit ng mga batang pupuspusin niya ng inspirasyon at pagmamahal. Tuloy ang misyon ng mga guro namin sa pagkakalinga. Napagdaanan na nila ko, naiwanan ko na sila. Bagama't nandoon pa rin ang IV-4 classroom at ang STC building pero para sa akin, hindeng-hinde ko na maibabalik ang panahon. Wala na ang dating hiyawan sa loob ng maliit at madilim na IV-4 classroom. Ibang mukha na ang nakaumang sa bintana ng silid na yun. Tapos na ang nakababagot na lecture. Wala ng boring moments ng Physics o Trigo class. Natutunan ko na ang dapat kong malaman. Kasama ng mga alikabok at kalat na nilikha ng mga batang nabuo ang samahan doon, winalis na rin ako dun. Alaala na lang ang lahat. Sa letrato na lang maaaring buhayin ang nakalipas. Sa isipan na lang at sa puso na lang madadama ang presence ng bawat isa. Bukas, bagong pag-asang muli sa STC. Pagdaraanan nila ang mga nalampasan ko na. Mararanasan nila ang mga nadama ko na. Thankful pa rin akong naging Theresian ako. Proud to be a Theresian. On Tuesday, I'll try to call myself a new Thomasian already.