|
usisasabuhawi likha ni: shelly |
|
|
|
Ikaw… Ikaw?
Ang hanging sumabay Sa namumugtong daloy ng damdamin Dumaplis sa natutuyong pisngi Humampas at tinuluyang pukawin Nang nasadlak sa pagkampay Umanod ang mga buhanging Mula sa ilog ng luwalhati Nagpalalim sa pag-asang dalangin
Nabigyang halubid ang tubig Dagat na uhaw ay nasadlak sa hangin Tuwina’y pinuno ang pagkatigatig Unos sa tuwina’y kaya ng babagin Ngunit may mga tanong pa ring naliligalig Sa bawat kuko ng liwanag, Sa bawat hininga ng dalisay, Sa bawat pangungulila,
Ikaw… Ikaw lamang ba ang tunay na may dahil? |