- UNTITLED -

by: shelly06

 

..kung ano ang pinakamasaket : ang lufet!!!..

 

Minsan, ang hirap humarap at magkunwaring masaya ka…

Masakit makitang masaya ang iba sa gitna ng pagluha…

At kung minsan, di ka pa maintindihan ng iba…

Mahirap akuin ang sakit nang mag-isa, mag-isip para lang sa  wala…

 

Gusto mo nang tapusin ang lahat pero di mo magawa…

Takbuhan mo man, pilit na lalapit muli nang kusa…

Magmamahal ka na nga lang pero sa huli, masasaktan lang pala…

Bakit nga ba, dumating pa siya…

 

Hindi rin naman pala para sa isa’t isa!!!

 

Ang hirap na rin makinig sa problema ng iba…

Biro mo, problema mo nga di mo naman ma-resolba…

Pasasayahin ka ng iba pero sa loob-loob mo, parang may kulang pa…

Maghahanap ka ng isang bagay na di tama…

 

Mag-aasam ka ng isang taong may ibang pag-aari na…

Iiyak ka nanaman at sasabihing, “sana siya na lang..”

Paulit-ulit, nakakainis pero sasabihin mo pa rin, “sayang”

Bakit nga ba nagmahal pa nang sobra-sobra…

 

E di sana, di rin nasaktan nang sobra-sobra!!!

 

Nakakapagod gumising nang walang hinaharap na pagbabago…

Yung mahal mo, di mo magawang para sa iyo…

Pilit mong sinisiksik buhay mo sa buhay niyang punung-puno…

Nakakamanhid, nakakalungkot, nakakatuliro…

Buong araw, siya lang iniisip mo dahil minamahal mo siya nang todo…

 

Tapos…isang araw, isang bagay na lang ang magpapasuko sa iyo…

Ang dami-dami mo nang sinakripisyo pero bigla na lang yun maglalaho…

Ang malaman mong…kinalimutan ka na ng taong pinakamamahal mo!..

Di  ba, walang kasing-sakit nun? Kayanin mo pa kaya yun?..

 

…putang ina noh??..

 

Hosted by www.Geocities.ws

1