- UNTITLED -
by: shelly06
Dumungaw akong tanaw ang kalangitan
Gumuhit sa ‘king isip, alaala ng isang kaibigan
Naglakbay ang mga mata sa minsang nakaraan
Nakita kong muli ang galak at kasiglahan
Yaong pagsikat ng araw, siya ang nasilayan
Tanging mga mata niya ang aking tinunghayan
Sa bawat himig ng awit niya’y hinangaan
Tinig ng tuwa ang sa aki’y nasaksihan
Tunay ngang inspirasyon turing sa kanya
Pagyabong ng sarili, naganap nang sadya
Di mawari siya’y taong tila kakaiba
Sa paglipas ng panaho’y sa kanya’y maraming humanga
Ngunit ang kislap na dala’y minsa’y nawala
Ang kanyang iniwan, lungkot na nadarama
Sandaling natigilan, hinanap-hanap ko siya
Lumuha, nag-isa, ngunit di tuluyang nagpadala
Lumubog na ang araw, siya’y wala na
Ngunit mga magagandang alaala pa rin nya
Ang aking bitbit na nagbigay lakas at ligaya
Salamat sa iyo, isa kang tunay na biyaya
Ngiti ang natanto mula sa bughaw na karimlan
Sa sandaling pag-iisip ako’y naliwanagan
Isang talang maningning, aking pinagmasdan
Maaaring yun siya, ang mahal kong kaibigan
<Ito ay para sa iyo…anuman ang mangyari at nasaan ka man, ikaw pa rin ang aking inspirasyon…>