|
parasaiyoito likha ni: shelly
|
|
|
|
Sa lahat ng mga bagay na tinuro mo sa ‘kin …kung paano magmahal, kung paano masaktan Sa lahat ng pagkakataong pinasaya mo ko …kung paano mo pinaganda ang bawat umaga ko Sa lahat ng luhang binuhos ng dahil sa iyo …kung paano ko nagtiis, nalungkot ng dahil sa iyo Sa lahat ng oras na ginugol para sa iyo …kung paano ko naghintay, umasa nang husto Sa lahat ng inspirasyong ikaw ang tinatangi …kung paano ako nagtagumpay, nagkaroon ako ng saysay Sa lahat ng inalay na sa iyo’y may ngiti …kung paano mo ko biniro, kung paano ako naging tuliro Sa lahat ng gusto mong sinunod ko …kung paano ako naging alipin sa anumang naisin Sa lahat ng taong tumalikod sa akin …kung paano ako nagtampo, sa mga di nakakaunawa sa akin Sa lahat ng nagtiwala sa aking mithi …kung paano ako naging matatag, puno ako ng pag-asa Sa lahat ng araw na binilang para makita ka …kung paano ako natutulog, puno ng pangarap ang mundo Sa lahat ng pagiging masigasig ko …kung paano ako nagsikap, kung paano ako nagtiyaga Sa lahat ng mga salitang mula sa iyo …kung paano ako nagmalaki, namahagi nang may ngiti At sa lahat lahat ikaw ang tanging inspirasyon …kung paano ko sinabing ikaw ang isang taong di ko makakalimutan Salamat sa iyo…ito ay para sa iyo… |