|
parasaisangkaibigan likha ni: shelly
|
|
|
|
Dumungaw akong tanaw ang kalangitan Gumuhit sa ‘king isip, alaala ng isang kaibigan Naglakbay ang mga mata sa minsang nakaraan Nakita kong muli ang galak at kasiglahan
Yaong pagsikat ng araw, siya ang nasilayan Tanging mga mata niya ang aking tinunghayan Sa bawat himig ng awit niya’y hinangaan Tinig ng tuwa ang sa aki’y nasaksihan
Tunay ngang inspirasyon turing sa kanya Pagyabong ng sarili, naganap nang sadya Di mawari siya’y taong tila kakaiba Sa paglipas ng panaho’y sa kanya’y maraming humanga
Ngunit ang kislap na dala’y minsa’y nawala Ang kanyang iniwan, lungkot na nadarama Sandaling natigilan, hinanap-hanap ko siya Lumuha, nag-isa, ngunit di tuluyang nagpadala
Lumubog na ang araw, siya’y wala na Ngunit mga magagandang alaala pa rin nya Ang aking bitbit na nagbigay lakas at ligaya Salamat sa iyo, isa kang tunay na biyaya
Ngiti ang natanto mula sa bughaw na karimlan Sa sandaling pag-iisip ako’y naliwanagan Isang talang maningning, aking pinagmasdan Maaaring yun siya, ang mahal kong kaibigan
<Ito ay para sa iyo…anuman ang mangyari at nasaan ka man, ikaw pa rin ang aking inspirasyon…> |