|
nagmamahalsaiyo likha ni: shelly
|
|
|
|
Noon ko pa sana sinabing mahal kita Baka noon, pinakinggan mo pa Kasi ngayon may mahal ka ng iba Di mo na pansin, wala ka ng nadarama
Ang sakit tanggapin na puro na lang siya Ang pinapangarap mo na kayo magkasama Bukambibig mo siya sa tuwing makikita kita Dahil nalaman mo na mahal ka na rin niya
Umiiyak na lang ako habang tinitignan ka Gusto ko sanang lumapit pero nandyan siya Mayakap ka at sabihing mahal din kita Pero ‘tang ina, manhid ka na yata talaga!
Pilit kong lumilimot para na rin sa iyo Hangad ko na lang maging masaya kayo Pero kung saktan ka nung pinili mo, Nandito pa rin ako, nagmamahal sa iyo… |