hanggangsamuli likha ni: shelly

 

 

“Oist yngatan m srili mo ah Ü”

 

Yan ang huling sinabi mo bago ka umalis. Nangiti ako sandali sa kabila ng lungkot. Sa simpleng mensaheng yun umasa akong magkikita pa tayong muli.

 

10 taon din kitang naging kaibigan. Sa maraming bagay nagkasundo tayo. Pareho tayong mahilig sa communications. Lagi pa nga nating sinasabing, “we’re confident to speak and be spoken to.” Pinaniwalaan mo ko’t naniwala rin ako sa iyo. Natawa ka sa lahat ng kabaliwan at kakenkuyan ko. Naiyak ka sa lahat ng kabiguan at kasawian ko. Tinulungan mo ko sa lahat ng paghihirap ko at ganoon din ako sa iyo. Sabay tayong lumaki sa lugar na mala-paraiso at dun nabuo ang sari-sariling pangarap. Yun nga lang, sa pangarap mong maging mahusay guro, kinailangan mong umalis sa tabi ko. Sabi mo, mas maaabot mo ang pangarap mo malayo sa lugar na pinagpunlaan ng nun.

 

Nagulat ako sa desisyon mo.

 

Di na tayo nagkita nang personal sa araw ng iyong pag-alis kaya sa pag-uusap na yun lamang namaalam ang alaala ng kahapon at ang dating pangakong kailanman di mo ko iiwan. Masakit mamaalam sa mga bagay na nakasanayan mo na. Di ako makapaniwalang wala ka na. Alam kong kailangan pa rin kita. Lagi kitang iniisip. Okay ka ba? Masaya ka ba? Minsan nga, sa paglalaro ng isipan ko, natatanong ko, baka naman may bago ka ng kaibigan sa bago mong mundo. Mahirap. Masakit. Naiwan ako sa panahong pinaglipasan na. Tila napagod akong gumalaw dahil ayokong mawala ka. Natakot akong isang araw mabura na lang ako sa buhay mo.

 

Lumipas ang mga araw. Ang araw ay naging buwan. Ang buwan ay naging taon. Palagi akong nakadungaw sa bintana. Paminsa-minsang napapaluha. Pero sa pag-usad na rin ng panahon, unti-unti ko na ring natanggaap at naunawaan ang mga bagay-bagay. Nalaman kong kailangan ko ng magsimula para maabot ko din ang pangarap ko katulad mo. Hindi ba’t ikaw ang naging dahilan kung bakit nahimok akong maging manunulat. Alam kong nasaan ka man, nakangiti ka kapag sinasabi kong “kaya kong maging writer noh!” Sa kabila ng lungkot at pag-iisa, bumangon akong muli. Alam kong umiikot ang mundo at napag-iiwanan na ako. Natutunan kong sa bawat sa unos ay may liwanag din. Malayo ka man, malapit ka rin. Alam mo kung bakit? Kasi nandito ka… nandito ka palagi sa puso ko.

 

Hangga’t may bahaghari pang lumilitaw kasama ng mga bughaw na ulap sa tuwing may unos, buo ang pag-asa kong magkikita pa tayo. Alam kong babalik ka para sabihing nagtagumpay ka na at siya ring hahangaan mo ako sa mga naabot ko.

 

 Uupo tayong muli sa isang punong narra, aawit, tatawa at sasabihin sa isa’t isang “Hanggang sa muli …”

leave a comment about this

Hosted by www.Geocities.ws

1