October 22nd 2004 | Friday | 11:32 pm
"ANG ALAALA NG DANCE PRO"
Galeng ako sa stc kanina [my former school in hs] and spent my afternoon having a sneak preview on what's for Sunday's presentation - it's the annual "family day" of stcqc, a much-awaited event for every theresian kahit nga sa mga former students na tulad ko. Napaka-energetic ng mood. Nasa gate pa lang kami, i just can't help but wonder what's happening in there. Ang daming taong nanonood, isama mo na dun si Manong guard na di na kami napansing pumasok ng gate [dati rati nakikipag-patintero pa kami sa mokong na yun, makapasok lang ng stc. ewan ko ba kung bakit super higpit, eh dating teresyana din naman kami!]. Tatanungin niyo, ano nga bang meron sa event na yun? A Lot. What are these? Well,
1. Lots of dance presentations [na
ngayon, lahat ng years magpe2rform na. Dati rati, fourth yrs lang ang nagsasayaw]
2. Lots of food [yum2x!]
3. Lots of cute faces [haha]
4. Lots of fun with friends [esp if you're from there]
5. Lots of good memories [esp if you're a former theresian]
Habang
minamasid ko ang bawat indayog, ang bawat galaw, ang bawat ngiting batid sa mga
estudyanteng kasama doon, unti-unting bumabalik ang alaala at pakiramdam ng
pagka-miss. Sa puntong yun, kinikilabutan talaga ako. Naalala ko ang pinagdaanan
ng klase ma-perfect lang ang presentations namin. Ngayon ko lang napag-isip-isip,
di rin pala yun ganung kadali. Ilang linggong paghahanda ang ginawa namin. Ilang
gabing nanakit din ang mga kasu-kasuhan namin. Tapal ng salonpas. Hilot sa
nananakit na ulo. Stretching sa nangangalay na binti. Ilang gabing nag-isip ang
choreographer namin ng dance steps at ang writer naman namin para sa malikhaing
konsepto. Di madali ang pagtuturo at pagsasaulo ng steps. Pagtatahi ng costume.
Pagsunod sa bawat direksyon na minsa'y nakayayamot kasi paulit-ulit. At ang
paghahanda ng sarili sa anumang mangyari sa bawat sandali. Nangayayat din ako
nun. Ngunit, sa kabila ng lahat ng hirap, pagod at kaba, paid-off lahat yun.
Bukod sa nagkaroon kami ng place sa patimpalak, napakaraming bagay ang natutunan
ko. Ito ang mga bagay na di mo basta-bastang makukuha lang sa libro o sa lecture
ni ma'am. Nababasa ba ang pagkakaisa? Na-rereview ba Ang pagtitiwala? Nasusulat
ba ang pagtitiyaga? Yan ay ilan lamang sa mga bagay na taglay ko ngayon at
masasabi kong na-develop habang dumaranas ng mga bagay na namasid ko kanina.

Nakakainggit sila. Kasi ngayong college, di ko pa masyado makita ang ganung mood. Nakakalungkot isiping tapos na ang panahon ko. Para bang sa tuwing babalik ako ng stc, napapapigil ang mga paa ko sa pag-alis. Gusto kong mamalagi dun dahil alam kong masaya ako dun. Yun nga lang, paminsan naiisip ko, kailangan ko ng harapin ang sa ngayon. Kung palagi pa rin ako nasa kahapon, paano na ang ngayon? Paano ako mag-momove on at mag-gogrow?
Minsan ang sarap i-rewind ng mga bagay na tapos na. Yun bang lumang tugtugin na magpahanggang ngayon nakakaindak pa rin. Pero kung paulit-ulit, nakakasawa. Kaya kailangan, ibang himig naman. Mas bago sa pandinig at ng maiba naman. Sa una, mahirap sumabay sa tugtog pero sa paglipas ng oras, matututunan mo ring sayawin. Tulad ng dance presentations na kinaya ko noon, marahil darating ako sa puntong di na ko babalutin ng lungkot pa sa tuwing lilingunin ko ang kahapon. Mananatili na lang silang alaalang may iniwang ngiti.
October 18th 2004 | Monday | 10:53 pm
"A LIFETIME MARK"
Finally I went home already from a week of vacation in Batangas. Pagkarating ko, na-realize kong sobrang init na nga talaga sa siyudad. Wala pa ring makakatalo sa mala-aircon na simoy ng hangin ng probinsya. Mararamdaman mo yung big difference of weather ng Maynila at Batangas. Anyway, my day has been practically typical. Eat. Computer. Tv. Ordinaryong trabaho ng isang bored na estudyante.
I also called some friends over the phone para kamustahin sila. Matagal-tagal na ring di ako "nakaka-chika". Nakausap ko kanina ang isang former ka-tropa nung hayskul. I felt bad because that short conversation was really annoying on my part - I felt as if di na ko di na ko welcomed tumawag kumbaga, although di niya derechahang sinabi yun. I was insluted in a way. Para bang nabura na ang dating samahan kasi ang tagal niyong di na nagkikita at nag-uusap. Nakipag-plastikan pa ko, eh damang-dama ko namang gustung-gusto na niyang ibagsak yung telepono. Maybe she's so pre-occupied with new friends dealing with her most often than I. Nakakalungkot. Nag-iwan siya ng alaalang di maganda. Masarap pa naman siyang kasama noon. Napangisi na lang ako at nasabi ko na lang, "Hmff, di na ko ulit tatawag sa numerong yun.."
On the otherhand, I was then flattered with one of my usual textmates, hs teacher ko siya. She inspiringly told me that she was thankful I made her feel like Morrie (From the novel Tuesday's with Morrie) and I am somewhat like Mitch in her life today. It was very touching. This was just one of our nighttime talk about life and I really enjoy texting with her because I exquisitely learn a lot. Napaisip ako, siguro nga para kaming si Morrie at si Mitch na parehong nakakakuha ng magagandang aral sa isa't isa. Kahit minsan busy ako, she made me realize to focus on the beauty of life, just like what Tuesday's with Morrie wanted to impart. Yun din siguro ang rason kung bakit palagi ko siyang dinadalaw sa dating eskwelahan para makakuha ng inspirasyong mahalin ang buhay. I owe that person a lot. She was once my hs teacher who became my lifetime professor in life..
Just like the weather, that keeps on changing from time to time, I realized too that we cannot prohibit friendship from changing. Good thing that even though friends come and go, there are those who leave footprints. Prints that make them unique and remembered. A mark that shall never be washed away instantly because it has been safely kept in someone's heart for a lifetime..