DAY 5: November 01 2005 [Tuesday]
"HOME IS WHERE THE HEART IS"
Nag-check out kami sa hotel ng 12pm. Hinintay na lang namin si Joanna hanggang 1pm sa hotel lobby. While waiting, my mom allowed me to went to the stores and buy edible pasalubongs. Ang saya pala kapag mag-isa ka lang haha. Feeling ko tuloy taga dun ako. I was walking down the street, passed by the Chinese people, felt the cold morning of China and went to spend money all the way! Tsk. She gave me 100 HK dollars at sabi niya ako ng bahala mamili. =) Kumuha pa ako ng basket kasi panigurado, marami akong mabibili. Haha. Tuwang-tuwa yung nagtitinda sa akin, binigyan pa ako ng key chain. Wala lang. Isang oras din akong namasyal mag-isa and in deed, it was cool experience.
May kasabay na kami ulit na mga Pinoy papuntang Shenzhen Airport. Nakarating kami dun through tour bus ng 2pm at pinayagan pa kaming kumain or mag-shop for an hour since 3pm pa yung entrance sa Immigration. So yun, namalengke na lang ulit ako ng pasalubong. Sayang nga lang at di tinanggap ang HK Dollars kaya nagpapalit pa kami ng RMB [Chinese Yuan]. Naubos ang oras kaya nagmadali na kami. Pagpatak ng 3pm, bumalik na kami sa meeting place ulit at saka pumila. Nagpaalam na ako kay Joanna. Waah. Magkita pa kaya kami ulit nun? Tsk. Perhaps not anymore but for sure, I'll never forget her. =)
While in the
waiting area, I just roamed around again. I tried to avail a drink from the
vending machine but darn it, it didn't accept my Yuan money! Ah ewan. I tried to
ask help from the clerks but it was then again useless. So anyways, ang
tagal-tagal talag nung flight! Ang bulok-bulok talaga kahit kelan ng eroplanong
Pinoy, delayed na nga, may mechanical error pa kaya lalong nagtagal. Supposedly,
we'll arrive Manila 7pm pero 7:30pm pa lang nakaalis from Shenzhen yung plane.
We arrived at the Centennial Airport around 9:30pm.
At least we got home safe and sound. I wore my Hong Kong shirt along with my hand-carry languages. Upon seeing familiar Filipino faces and hearing the Filipino language again, hay it made me smile again. I made myself clear that finally, I'm home! Hoe I missed the tropical weather. How I missed the small airport. Most especially, how I missed the homeland where I always and possibly belong.
Kahit mas
maunlad ang China at Hong Kong, kahit mas disiplinado sila, kahit mayaman sila
sa kultura, at kahit malaki ang mga establisimiyento nila, wala pa ring
makahihigit sa Pilipinas! Masayang mamasyal dun oo, pero siguro, di mo ako
mapapatira doon. Walang kutasara't tinidor, walang libreng tubig na malamig,
walang kanin sa Mcdo, walang normal na toilet bowl. Sa mas malalim na paglalagom,
walang maginoong lalaki sa tren, walang mga taong kahit di gwapo pero putok-free
naman, at walang mga Pilipino doong kahit trying hard mag-English, eh
nakakaunawa ng konti! Mainit man sa Pinas at malamig ang
temperatura doon, mas mainit pa rin ang pagtanggap dito. Tulad ng mga Pinoy
dancers sa Disneyland, siguro kaya sila tinanggap dun ay dahil sa galing at
magandang pakikitungo nila. Marami ngang tao sa Hong Kong araw-gabi na siyang
nakakatuwang pagmasdan, pero wala pa ring tatalo sa mga tao dito sa Pinas.
Bagama't hikahos, patuloy na lumalaban. Paano ko ba naman maipagpapalit ang
lugar na kinalakihan ko. Ang mga lugar na kahit di sing-taas ng building o sing-ganda
ng Disney, eh may bakas ng alaala at mga taong dun ko nakilala. Di ko pa
siguro kayang iwan ang Pinas kasi masaya pa ako dito. Iba ang saya ng
pamamasyal sa sayang dulot ng bayang kaya kang arugain nang pangmatagalan... ^.^