DAY 4: October 31 2005 [Monday]

"TOUR AROUND SHENZHEN, CHINA"

 

    We had gone to many places for this day. In the morning, Joanna fetched us in the hotel and we rode the private coaster. We were toured in Shenzhen. First up, we stopped by a Jade factory. Just like in Jackie Chan's store, the process of introducing jewelries were quite the same. Mas makulit nga lang yung nagtitinda. Haha and in fact, kamukha nung tindera si San Chai of Meteor Garden! Mas natuwa ako lalo kasi kilala din pala nila yun. [taga-Taiwan kasi sina Barbie Xiu & F4 di ba]. So anyways, my mom decided to buy a Jade necklace and bracelet for me as part of a birthday gift as well. ^-^ It was so nice because it's real. Nagulat na lang ako sa nanay ko kasi kahit mahal, eh binili niya. Anyway she said that though it's costly, it's for long-time use. We also bought a box of herbal tea [for my mom's health] dahil na rin sa pangungulit ng tinderang si San Chai. Hahaha.

 

    The next stop was a mini food store. Free tastes were offered and because of it, I was forced to buy some. My mom also bought a yummy Chinese-style sweet ham which we even brought here in the Philippines. Shortly, we headed to a restaurant wherein we ate lunch. Aba, medyo matino na yung pagkain kasi may kanin na nga, may sweet & sour pork pa! [my fave dish]. Mas naging madali din ang pakikipag-usap kasi may kasama kaming tour guide. Di namin naubos ang pagkain kaya pinabalot pa namin kasi puwede pang kainin sa hotel. Siguro nagtaka sina Joanna at ang mga waiters dun kung bakit namin ipapabalot pa. Di siguro tradisyon sa China ang nag-uuwi ng pagkain. Hehe.

 

Entrance to the Window of the World..    Around 1pm, she brought us to the captivating, 'Window of the World'. Whoah, as we reached and saw it, I think it's far away bigger than Disneyland! It's theme park and mala-Nayong Pilipino ba. Yun nga lang, replica ng buong mundo ang nandun. The Eiffel tower was there [France], also Buckingham Palace [UK], Mount Rushmore [USA], The Windmills [Netherlands], Parthenon [Greece], Pyramids [Egypt] etc.. Napasabak na naman kami sa malayong lakaran! Dalawang oras lang ang binigay na oras para sa amin kaya di rin namin napuntahan lahat. Gustuhin man naming malibot yun, feeling ko ay kulang ang isang araw para malibot at mabusisi ang bawat lugar. Hehe. Actually, on our way out, we even got lost! Napapunta kami sa dulo at talaga namang sumuko ang paa ko.

 

Athens, Greece! WAAH!!!     Japan.. Harigato!     Pyramids of Giza, Egypt.. I rode a REAL camel! Kakatuwa ^-^     Eiffel Tower of Paris, France..     The Pisa Leaning Tower, Italy..pati yung tao nag-lean na rin! hahaha!     Vatican, Rome..

Niagara Falls..    The Grand Palace, Thailand..     Cologne,  Germany..     Mt. Corcovado, Brazil..     Triumphal Arch, France.. mukhang Arch of Century sa USTe! haha!

 

    Paglabas namin, napaupo ako sa pagod. Nandun na sina Joanna at kasama yung photographer who took our pictures. Binili namin yung isang photo kasi sabi ng mom ko, ang ganda ko daw dun. Haha! ;p After nun, dumaan pa kami sa isa pang jewelry factory. This time, it was for pearls and silk products. Di na kami bumili kahit ano pang pilit ang ginawa nung nagtitinda. Hehe. Kuntento na kami sa Jade na nabili kay San Chai. Tsktsk.

yihaa..

    At dahil nga sa di naman kami bumili sa Pearl & Silk factory, maaga kaming nag-dinner. We went again to another restaurant [King Way Restaurant] for an early dinner. Kakatawa, iba nga yung restaurant pero halos pareho lang yung putahe nung tanghalian! Mala-deja vu ang dating habang kumakain na naman ako ng Sweet & Sour Pork. Okay din naman. Malinis yung lugar at konti lang ang kumakain [dahil nga siguro maaga pa]. So after eating, we stopped by a mini fruit store outside the restaurant. May dalandan din silang tinda kaya bumili ang mom ko. She loves fruits by the way. Habang naghihintay, may pinatikim sa aming isang native fruit na tinatawag nilang 'Tsao'. Ang sarap pala at para siyang maliit na mansanas. Dark color yung coating pero greenish sa loob. Hehe. Marami pa silang kakaibang prutas, kakatuwang pagmasdan. =)

 

    Supposedly, the tour ended there and we'll just stay in the hotel for the flight next day. But then, we asked favor from Joanna and the driver to accompany us to a free market. May bayad na 100HK Dollars pero mas okay na rin kasi baka mawala pa kami kung magsasariling lakad kami. So yun, bumaba kami at namili hanggang 8:30pm. Kaming dalawa ng mom ko ang magkasama kasi may sariling tindahang gustong puntahan yung ate ko. We searched wallets for pasalubong and I found cuddly & sounding bears which I bought for my friends. It was so funny because it took us a hard time to deal with the Chinese sellers! Then again, they can't speak English. Err. Dumating sa puntong naiinis na ako kasi ang hirap-hirap ipaliwanag sa kanila kung anong gusto ko. Ngayon naiintindihan ko na ang hirap na pinagdaraanan din ng mga dayuhan dito sa bansa sa pakikipag-usap at tinatawanan nating mga Pinoy ang ka-wirduhan nila. Naku, pag tayo naman ang napunta sa bansa nila, parang ganun din! Para din tayong tanga. Haha!!!

 

    Maaga kaming nagpahinga ng mom ko. Masakit pa rin ang paa namin dahil sa pag-iikot sa Window of the World. Nandun na rin pala si Joanna sa meeting place kaya matagal-tagal din kaming nagkausap. Kahit medyo balu-baluktot siya mag-English [iba kasi yung accent], na-gegets ko din naman siya. Ang saya niya kausap. Interesado siya sa mga kuwento ko at naaaliw ako sa mga pa-simpleng pagtuturo niya ng Chinese culture sa akin. Hay, parang ideal ate na naman. Pati pala sa China ay makakakita din ako ng ganun. Naalala ko din tuloy si Ate Rox. Singkit na, magka-ugali pa sila. Haha.

 

    Just a few more minutes, my sister finally came. Ang dami niyang binili ulit. Hay naku, ang yabang na naman ng dating. Tsk. So anyways, we rode the coaster and went back to the hotel. Nang gabing yun, nag-impake na kami para wala ng iisipin pa sa umaga. Maaga ulit akong nakatulog dahil sa pagod. Excited na akong umuwi nun dahil ang dami kong dalang magagandang alaala.

Hosted by www.Geocities.ws

1