DAY 3: October 30 2005 [Sunday]

"THE WONDERFUL WORLD OF DISNEY"

 

    I looked forward for a better day since I had a bitter night. In deed, the Day 3 trip to Hong Kong Disneyland didn't let me down! The magic was there.

 

    Another person fetched us from the hotel. Haha, ang gwapo nga niya actually eh [*Ching*] kaso sayang, di marunong mag-English!  ^-^ So before driving us to Lantau [where Disneyland is located], he fetched some other Filipinos as well who were to go to Disneyland too. So anyways, it took an hour to reach there. Walang traffic, malayo lang talaga. Habang nasa sasakyan, nag-uusap na ulit kami ng mom ko habang patuloy pa rin ang pagdungaw ko sa matataas na building. Medyo paubos na yung videocam battery kaya snap shot views lang ang nakuhanan ko. Sayang nga eh, ang ganda pa naman ng lugar papuntang Lantau.

 

huge Mickey Mouse face [plants yan ah] at the Disney entrance..    We finally reached the location. Oh my, it was definitely nice! Talaga namang kahanga-hanga ang Hong Kong Disney, mapa-bata man o matanda ang mamasyal dun. Entrance pa lang, ulam na wahaha! Todo pa-picture kaming tatlo. Maraming tao kasi Linggo pero mas okay nga eh, mas masaya yung mood. Nakita ko yung mga Disney characters! Langya, para kaming bumalik sa pagkabata ng ate ko - nakikipag-unahan pa kami sa pagpila para magpa-picture kasama sina Mickey Mouse, Donald Duck, etc. Kinarir namin at kahit kainitan ng araw, eh naghintay talaga kami ng pagkakataong makapagpa-letrato. Haha!!! Sulit naman. Ang saya. Na-realize kong ang arte ni Daisy Duck dahil kasama niya ang jowa niyang di Donald [HAHA!]. Na-realize ko din may pagka-silahis talaga si Winnie the Pooh at mas bibo si Tiger! [partida pang kulay ORANGE siya kaya luv na luv ko hahaha!] Ang ganda din nina Cinderella. Nakakatuwa, kasi sa bawat taong nagpapa-picture, eh umiikot-ikot pa sila't nag-bobow! [HAHAHA]

 

Mickey Mouse & Minnie Mouse     Tigger! [ORANGE! WAAH..] Ang tagal ko pa bago bumitaw sa kanya haha!     Pooh and Tigger.. [si Pooh mukhang autistic! hahaha!]     Buzz Light Year! "To infinity and beyond!"     Chip and Dale! So cuteee

Donald Duck & Daisy Duck!     Mushu from the movie, 'Mulan'.. Nawala si Mulan, nagka-LBM daw! wahaha joke lang..     Snow White! Nasa bar na daw yung 7 dwarfs eh.. hahaha!     Cinderella.. pretty!     Belle of Beauty & The Beast!     Aurora of Sleeping Beauty!

    Besides falling in line for the Disney peeps, we roamed around the place. Sumakay kami ng tour train. Kakatuwa. ;p Grabe, wala akong masabi kasi ang ganda-ganda talaga. It was divided into four main places: USA Main Street, Fantasyland, Adventureland and Tomorrowland. Napuntahan namin lahat kaya talaga namang nanakit na ulit ang mga paa ko! Dun kami nag-lunch sa USA Main street restaurant. Sa wakas, nakakain na rin ako ng spaghetti! Haha. Yummy. Nakakaunawa na rin ng English ang mga clerks at saka normal na yung CR. HAHA. In fact, hi-tech yung CR kasi automatic yung toilet bowl flush & faucet. =) So anyways, habang kumakain, may Disney parade sa labas. Buti kamo lumabas yung ate ko at nakunan niya yung ilang parte ng parada. Bad trip yung vidcam, naghingalo na! Haha. Buti na lang at naulit ang parada nang 3pm kaya napanood din namin ng mom ko. Based from what I saw, most of the dancers were in deed Filipinos! Tama nga ang mga balita sa TV, maraming Pilipinong nagtatrabaho sa Disney. Thumbs up to their choreography because it was so lovely and the music made me sway talaga. Nakakamangha din yung giant floats nila. Kasama sa parada sina: Chip & Dale, Snow White & the 7 dwarfs, Sleeping Beauty, Cinderella, Alice in Wonderland, Little Mermaid, Toy Story cast [Buzz Light Year, Woody & Jessy], Mickey & Minnie, Goofy & Pluto, Daisy & Donald Duck. Tuwang-tuwa ang lahat lalo na ko!

 

    Nung gumabi na, naku! Lalo akong napanganga sa ganda ng mga ilaw! Sleeping Beauty's castle was the main attraction since it was the place wherein fireworks were displayed [at 8pm]. It was so chilly as well and in fact, I caught colds already. Hehe. Nag-dinner muna kami sa Starliner Diner [in Tomorrowland] bago manood ng fireworks. Finally, I was able to eat rice! Wahaha. Ang sarap pa ng manok nila at nawala na sa isip kong baka may threat ng bird flu or something. Hehe. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad muna kami. Nagpunta ako sa souvenir shops para mamili. Medyo mahal talaga yung bilihin pero sabi ko sa sarili ko, baka once in a lifetime na lang yun, kaya lubusin ko na! Haha.

 

in front of Sleeping Beauty's castle..

    I went back and we sat on the floor because many people were seated on the benches already. Everyone was excited for that much-awaited fireworks up above the skies. Di rin nagtagal at nagsimula na ang 15-minute show. At talaga naman, mula simula hanggang dulo, di ko mapigilang mapanganga talaga! Nalaos ang lahat ng napanood kong fireworks sa talambuhay ko!!! [HAHA swear!] May kasamang tugtog, ilaw, at konting movie clips yung palabas. Ang galing talaga. Yun ang climax ng Disney trip ko. Hay. Mangiyak-ngiyak ako nun kasi sa edad kong 17, parang bumalik ako sa pagkabata. Naniwala ako sa sinabing, "Never stop believing and dreaming in magic!" Hay. Well, maybe grown-ups can stick with that attitude. Oftentimes kasi, we get too serious in life. We forget about dreaming. We forget to live life in a simple way. We must rather be like a child who has a strong belief and who keeps on dreaming high. When you think about magic, you simply tend to forget all your problems. Just the stars, just the snap of the wand.

 

    How we wished that we were able to capture the fireworks! Hay naku, tuluyan ng namatay ang videocam! Haha. Pero kahit di nakunan, hinding-hindi ko malilimutan ang palabas na yun. Siguro kapag dumating ang panahong ang dami ko na namang problema, maiisip ko na lang ulit ang munting kasayahang kayang ibigay ng mga liwanag sa alapaap.

 

    So anyways, we went to the parking area immediately since we have to look for our own bus. Nandun ang mga bagahe namin at pabalik pa kami ng Shenzhen, China! Thank God we were able to find our bus even though there were numerous similarly-looked buses. It was so cool, naka-meet pa ako ng batchmate sa Hong Kong! Nagulat na lang ako nang magkita kami ni Lara Vinluan! Hehe. Namasyal din siguro sila dun. So yun, maya-maya sumakay na kami sa bus at bumalik ng Kowloon. Kami ang huling hinatid kasi sa istasyon kami ng tren patungo. Dun na kami iniwan ni Mr.-gwapong-bus-diver [haha] and another tour guide helped us with the direction [named Randy] but he just accompanied us up to the train entrance only. The 3 of us traveled through train again to go back in China and as we went out, man, the temperature got even colder! Nangangatog na ako sa lamig at parang namanhid ang mga paa ko. Sumalubong sa amin ang isa pang tour guide ulit. Her name is Joanna. She's so ma-kuwento kaya naaliw ako sa kanya. We rode a private coaster [kami lang talaga ang nakasakay hehe] which brought us to Ambassador Hotel again. Whew. It was the most tiring night and I fell asleep immediately.

Hosted by www.Geocities.ws

1