DAY 2: October 29 2005 [Saturday]
"THE BUSY STREETS OF HONG KONG"
The call time was as early as 7am because we have to take the train to Hong Kong. We took a free breakfast in the hotel and it was a buffet. Hay naku, sa pag-aakalang makaka-kain na ako ng totoong pagkain, di pa rin pala. Then again, I saw alien foods haha. Saan ka pa nakakita ng inihaing MANI sa UMAGAHAN?? Haha kakabaliw! Buti na lang may tinapay at sausage [Pero di rin lasang sausage! Lasang hilaw!] May fishball sa buffet pero ang tabang-tabang pala at sing-kunat din ng rubber band. Kumuha din ako ng pancit pero iba rin ang lasa. Ah ewan. Nabusog na lang ako sa kakatawa dahil sa mom at ate ko. After eating, we went to the lobby and met LingLing, the tour guide, again.
We took the tour bus which had brought us the train station. Dala na namin lahat ng bagahe namin kasi sa Hong Kong kami matutulog. Unlike the other Filipinos who were with us, they chose the back and forth package [3 days, 2 night lang sila. Kami kasi, 5 days, 4 nights]. Ang dami naming nilakad at ang taas ng hagdan! Kakapagod kasi may dala nga kaming bags! So anyways, napawi na lang pagod nang mapa-'whoah' ako sa istasyon ng tren dahil parang airport sa sobrang laki!
There was a change of tour guides since we're to go to Hong Kong. Just an FYI again, even though China and Hong Kong are just a train away, there's still a requirement for VISA and so, China-based tour guides can't easily come with us. Sonny was the first tour guide. Chinese siya pero marunong mag-Tagalog, kakatuwa hehe. So yun, kahit di namin siya kasama sa iisang train coaster [napakahaba ng tren nila as in!], tinuro naman niya kung saan istasyon kami bababa. We were at Lo Wu station and we were to go down to Hong Hum station.
Pagkasakay, naisip kong para ding MRT o LRT pero marami pa ring pinagkaiba. Una, may TV sa loob ng tren! Mas hi-tech din yung tren nila kasi may mini-screen kung saan, naka-indicate yung name ng next station. Pangalawa, paiba-iba yung bukas ng pintuan ng tren. Dito kasi sa Pilipinas, isang side lang di ba. Nung sumakay kami, nasa kanan yung istasyon pero maya-maya, nasa kaliwa na yung tigilan ng tao! Kaya nung nakasandal ako sa isang pintuan, nagulat na lang ako't bumukas! Haha! Pangatlo, sobrang tulin ng tren nila! Walang-wala sa bilis ng kahit anong tren dito sa Pinas. Hehe. In fact, it only takes 45 minutes to travel from China to Hong Kong. Just imagine that. By the way, one instance just happened in the train which negatively shook my perspective again to Chinese people. Nung una kasi, nakatayo lang kami sa loob ng tren dahil walang libreng upuan. Okay lang sana sa akin kaso naisip ko yung mom kong madali ng mangalay. So nung may umalis na isang payat na mama sa upuan, dun ko pinaupo yung nanay ko. Medyo masikip pero okay pa naman eh. May isang middle-aged Chinese na bigla na lang tumayo at para bang pinakita niyang naasar siya sa pag-upo ng nanay ko kasi masikip kuno. DUH talaga, how rude! Inirapan ko talaga sa tuwing magkakabangga kami ng tingin. Kung siguro dito sa Pinas, magpapa-upo pa yung ibang mga lalaki para sa mga matatanda at babae. Mga antipatikong Intsik hmmf. Sarili lang nila ang iniisip nila.
After riding the train, we were welcomed by another tour guide named Roger. He's kind and fun to talk with. While waiting for the bus, he gave us time to roam around the stores. My mom and sister bought perfume [mura kasi!]. Later, the bus arrived and we were brought to 'Avenue of Stars'. Parang Bay Walk dito sa Pinas dahil may view din ng dagat. Yun nga lang, mas maganda yung back view dun kasi makikita mo yung matatayog na buildings ng Hong Kong at may walk of fame pa [just like in Hollywood]! I saw the hand marks of Jackie Chan, Bruce Lee Jet Li, etc. Cool. We really enjoyed picture taking again.
The next stop was a jewelry factory. To note, it is owned by Hollywood star, JACKIE CHAN. =) As we entered and saw the real jewelries, I was just so mesmerized. We were tempted to avail, but I guess we couldn't afford to buy diamonds which we knew that we cannot always wear in the Philippines [Dahil pugad ng magnanakaw! Haha!]. Na-kuntento na lang kami sa pagtingin-tingin.
At dahil iba nga ang package namin, pagkatapos ng city tour ay inihatid na kami sa Accelerators hotel. Yung iba naming kasamahang Pinoy, papunta na ng Disneyland [sa Day3 pa namin yun pupuntahan]. Tanghali na nun kaya pagkatapos naming mag-check in, lumabas kami para maghanap ng makakainan. I observed how different Hong Kong streets are from China. It's a busy street! Parang sa New York na walang tigil ang lakaran ng mga tao hanggang gabi. Napansin ko ang disiplina ng mga Tsino pagdating sa road rules - di sila talaga tumatawid hangga't hindi nag-ggreen sign at pumupunta sila sa tamang tawiran. Hay, kung ganun lang din sana sa Pinas, di na gagastos pa ang MMDA para sa pink fences at malalaking road signs na 'Bawal tumawid, nakamamatay'. Ang yayaman na bansa ng China & Hong Kong at naisip kong baka dahil sa disiplina yun ng mga tao. Di tulad dito sa Pinas, naghihirap ang mga tao dahil barabal na ang mga mamamayan, pati pa ang gobyerno. =/
Ang sakit sa paa maglakad! I was so wrong to wear a heeled footwear. We tried to search for anything which can be brought as a pasalubong kaso ang mahal-mahal! Tama nga si LingLing, mas mura ang bilihin sa China kumpara sa Hong Kong. So later, we finally saw a Mcdonald's fast food and that I wished to eat rice for lunch. By the way, ang weird pala ng lokasyon ng Mcdo sa Hong Kong - nasa underground! Nyahaha. Akala namin naligaw kami ng daan kasi hagdan pababa pero yun pala, nandun talaga yung kainan! At lalo pa akong nabaliw sa kultura nang malaman kong walang kanin o spaghetti sa Mcdo nila!? Hay. So I just chose burger and fries instead. Okay na rin, at least alam kong totoong pagkain yun haha. Mag-cCr sana ko kaso harhar, ganun na naman yung CR! Nasa sahig! Bumalik na lang kami sa hotel habang yung ate ko, nagpaiwan dahil gusto pa niyang mamili at saka mag-iinternet pa daw siya.
Nagpahinga lang kami ng mom ko sa hotel. Ang sakittt talaga ng paa ko nun. Pagbalik ng ate ko, sinabi niyang may napag-tanungan siya kung saan may free market at mura ang bilihin. Later on, we walked towards the place and yes, the products were in deed cheaper. Medyo mahirap makipag-usap kasi di rin marunong mag-Ingles ang mga tao. Sa tulong na lang ng calculator kami nagkakaintindihan sa presyo. Mala-Divisoria din pala ang tawaran dun hehe. We bought clothes there. But then, ang dami ko pa sanang gustong ipabili sa nanay ko kaso hmmf, ayaw na akong bilhan! =( Eh yung ate ko nga mega shopping ng kung anu-ano. Naisip kong nawala na sa isipan nilang ako ang may birthday. Hay. Nung pauwi na, tahimik lang ako. Ang haba-haba ng nilakad namin kasi hinanap pa namin yung KFC dahil may free voucher na binigay. Ang lamig ng gabi at nalungkot na lang ako bigla. Naalala ko yung mga kaibigan ko sa Pinas. Kung siguro kasama ko sila nun, ma-fefeel nila agad na malungkot ako. >.< Medyo na-homesick ako kasi iba na nga ang kultura, pati yung mga kasama ko ay kinaiinisan ko pa. Naiyak ako ng gabing yun. Tinatanong ako ng mom ko kung bakit ako galit. Nung una ayoko pa talaga umimik pero naisip ko kasing ayokong sirain ang nalalabi pang araw dahil lang dun. Ah ewan. Sometimes I enjoy being with my family but then, certain instances come wherein I really choose to be aloof to them because they don't seem to understand me.