November 29th 2004 | Monday | 11:13pm

"TWO DIFFERENT WORLDS" [BIRTHDAY BLOG!!!]

 

    Oh yeah, it's my natal day! Akala ko tuluyan ng magiging malungkot at napaka-ordinaryo 'tong araw na ito. Maulan buong araw. Biyaya lang siguro galing sa langit. At totoo ngang ang daming biyayang umulan sa mga palad ko ngayon. Ang daming baong kwento ng mommy fresh from Tate. She really had fun. And I also had fun!!! Bakit kamo? Aba! Bonggacious ang baong biyaya mula sa lupang pangarap. Anu-ano ang pasalubong sa akin?!

 

fresh from the States!1. GLOW by J.LO perfume! [waah! feeling ko isang taon bago ko to bawasan ng isang patak! HAHA]

2. Pink stuffs! [bag, cap, shirt, shoes, etc.! bagay na bagay sa kikay na celebrant!]

3. LOTS of yummy chocolates! [nakakasakit na nga ng ngipin eh! hehe]

    AT HIGIT SA LAHAT..

4. Malamig na Dolyar!!! $$$ [salamat sa mga tiyahin kong nagbigay nun as a bday gift!]

   

    Buti pa daw sa States, masarap ang buhay. Masarap ang pagkain. Marami daw murang bilihin. Akalain mo, may flat tv na sale doon, halos P4,000 lang?! Mas malamig kumpara sa Pilipinas na parang pugon. Walang traffic. Walang nagsisiksikang eskenita - kasi lahat ng kalsada naglalakihan. Mabilis ang takbo ng teknolohiya bagama't ang edad mo, pabata nang pabata naman. Mariwasa kasi ang buhay doon kaya di agad nakakakulubot ng mukha. Totoong dalawang magkaibang mundo ang Pilipinas at Estados Unidos. I strongly agree na rin pero kahit ganun, di ko pa rin ipagpapalit ang bansang ito.

 

"essential things are invisible to the eye.."

    Opisyal ng 17 taon na kong namamalagi sa Pilipinas. Kahit pa sabihing mausok, magulo, maingay, mapaglaro at delikado ang bawat kalsada, masaya pa rin ako dito. Home is where the heart is. Trip ko pa rin ang taho sa umaga kaysa sa hot cocoa nila, walang tatalo sa dirty ice cream sa tabi-tabi kumpara sa gigantic ice creams nila, at mas masayang mag-birthday dito kasama ang mga tunay na kapamilya't kaibigan.

   

    Now that there's a new world ahead of me, I look forward to new hope. Iba at bagong mundo na ngayon. Two different worlds - the past and the present. Katulad ng U.S at Pilipinas, siguro mas mahalagang pagtuunan ng pansin kung saan ka mas malapit - mas mahalaga ang ngayon. I know I maade so many mistakes in my life in the past but the least thing that I can do is to fix them in the present. Sa huli naman, di mo na bibilangin kung ilang beses kang nadapa sa nakalipas kundi, kung ilang beses kang nakatayo ngayon mula sa pagkakadapa. Hindi nasusukat ang pagkatao sa kung anong nakalipas niya, mas pinagtutuunan kung ano ang nagawa niya sa ngayon. Present is the future of the past.

 

THANKIES!

● Maraming salamat sa mga taong di nakalimot akong batiin..

djhay, kay, clara, ms che, fatima, yang, pre, leng2, charmi, marge, odessa, chocomania group, gawad kalinga group, haoson, arene, eia, chunky, franz, julienne, ms tsaby, chekai, tine, ayna, madie, schenly, ate aileen, estoy, ronald, tita mimi, kc, tito dadong, rachel, paolo, momi, yeyel, gabby, ate inday, imee, angge, dez, grace, & amie [chronological order pa yan ayon sa time ng pag-greet nila! HAHA]
● Salamat din sa mga taong nakalimutan akong batiin. At least, nalaman kong ulyanin na pala kayo! HAHAH JOKE.. =(^.^)=
● Salamat pa rin sa mga taong nakalimutan na ko nang tuluyan. At least, na-distinguish ko ang mga may concern pa at yung mga wala ng paki.
● Salamat sa maulan na araw, dahil first time kong mabasa bilang isang labingpitong taong gulang na nilalang
● Salamat sa gifts, sa ngiti, at sa alaalang kakaiba para sa araw na ito!
● At salamat buhay pa ko!

***~HAPPY 17th BIRTHDAY TO MYSELF!~***

 

Never forget that the purpose for which a man lives is the improvement of the man himself, so that he may go out of this world having, in his great sphere or his small one, done some little good for his fellow creatures and labored a little to diminish the sin and sorrow that are in the world.

-W.E. Gladstone

leave a comment

 

 

November 28th 2004 | Sunday | 09:33pm

"GIFTS NOT WRAPPED"

 

    Birthday ko na bukas. Kahit hindi ko pa masyado feel, pinanindigan ko na rin. Dadating na rin pala ang mommy galing States kaya ngayon na lang ako nag-celebrate ng birthday ko with my friends.. or I mean, with my friend lang pala. Masyado lang siguro busy ang lahat, kaya I just settled na lang for a small blowout.

hehehe..pa-cute kami ni Ayna..    Ayna and I went together to hear a 5-6pm mass. Mega kwentuhan as usual. Tumingin-tingin pa nga kami ng bags dun sa gilid church. Hehe. We had so much fun kahit dalawa lang kami. Nagpa-demure pa kami sa Kodak. Ika nga, nagsama nanaman ang dalawang baliw. I just love our pic! Ang ganda lang siguro ng aura ko kanina. And after that, we ate dinner at Don Henrico's. Worth the pay talaga, kasi ang dami pa naming tira kaya inuwi na lang namin. Ang bilis ko nga nabusog eh. Na-enjoy ^.^AKo at si Ayna^.^ko lang siguro nang lubos ang pagkain because I spent it with someone I just love to be with. Minsan pala, you can celebrate a birthday in the simplest yet happiest way. Truly, there are gifts out there which need not to be wrapped. Sa sobrang espesyal nila, di na kailangan pang i-ribbon o lagyan ng kung anu-anong burloloy pa. Buti na lang Ayna is still there as my best friend. Ang daming ng nawala. Akala ko nalagas na silang lahat, meron pa palang nanatiling nandiyan.

priceless gifts..unwrapped memories..    It was a sweet thing to receive a simple gift from her. I really appreciated it. Nasabi ko na lang, alam ko na ang isa sa mga ipagpapasalamat ko kay God bukas for my birthday - na nandiyan pa rin si Ayna. From all the hardships up to the loudest laughs, she's always right by my side. Ang dami ng tumalikod sa akin, marami ng nang-iwan sa ere na tipong saka lang nabubuhay kapag may kailangan. Pero nanatili pa rin yung mga totoong taong tumatayo sa harap mo, bukas-kamay na nag-aalok ng tulong para akayin ka mula sa pagkakalugmok at pagkakadapa.

Minsan nakakalungkot mawalan ng mga kaibigang inakala mong totoo pero buti na lang, may mga nananatili pa ring totoo at siyang tumutulong sa iyo para muli kang mabuo.

leave a comment

 

 

November 25th 2004 | Thursday | 09:04pm

"PAGPAPAHAYAG AY PAGLALAYAG"

 

    Walang pasok ngayon kasi natuloy yung massive transport strike. At talagang na-paralisa ng mga tsuper yung transportasyon. Astig. Hanga din naman ako sa kanila at kayang-kaya nilang ipaglaban yung matagal na nilang hinaing - oil price rollback. Pasalamat din ako sa kanila dahil di ako nag-p.e ngayon [hehe], pahinga ng isang araw, at nakabawi ng tulog. Na-edit ko pa itong website ko.

   

    Habang tinitignan ang reviews,comments at reactions para sa mga artikulo at literary works ko kanina, naisip kong ang hirap pala talagang maging isang mamamahayag. Kailangan maingat ka sa pagsusulat. Estudyante pa nga lang ako ng Journalism, ang dami ng bumabatikos at tumataliwas sa mga gawa ko. Tinatanggap ko naman lahat ng mga komento nila ngunit kalaunan ay mapapa-kunot ka kung bakit kaya may ganun silang mga reaksyon? Hindi ba nila maintindihan ang punto o pananaw ko? Sadya bang mapang-himagsik ang mga likha kong tumataliwas sa pananaw na pinanghahawakan nila? Binasa kong muli ang mga gawa ko, wala naman akong nais baguhin sapagkat yun talaga ang pananaw ko. Karapatan ko yun, kasi may Freedom of Expression ako bilang tao, di lang dahil sa estudyante akong kumukuha ng kursong may kaugnay sa media.

 

    Dumating ako sa puntong nainis ako kanina dahil sa mga sinabi ukol sa gawa ko.. pero na-realize kong bilang isang manunulat, handa ka dapat tumanggap ng mga komento - maganda man o nag-aalab. Parang paglalayag ang pamamahayag. Isang paglalakbay na pinipili ng isang taong tahakin. Di lahat nakakapaglayag. Di lahat may mapangahas na kakayahang magsalita. Mapanganib kung minsan pero tuloy ang paglalayag sapagkat may nais kang marating - ang pagpapahayag ng sarili, ang katotohanang minsa'y di matunghayan ng lahat. Oo, mahirap ngunit ang tunay na mamamahayag, katulad ng isang manlalakbay ay buo ang loob at may direskyong pinatutunguhan. Walang bala-balakid. Walang inuurungan. Laging palaban. Kaya nga siguro maraming napapatay na journalists ngayon e, kasi lahat sila palabang nagsasabi ng katotohanan. Ikamatay man nila, di naman sila nabigong maglayag. Katulad ng mga nag-rally kanina para sa oil price rollback, tuloy ang laban.

 

Effective writing comes when it's real; Truth is an accomplishment with a heart. No boundaries. No limits. No strings attached.  

leave a comment

 

 

November 20th 2004 | Saturday | 09:03pm

"UPGRADED FRIENDSHIP"

 

    Masaya pala minsan kapag ang tagal-tagal mong di nakakausap yung long lost friends mo. Nakakagulat. Nakaka-miss. Nakakatuwa. Maraming napag-kukwentuhan. Maraming bagong nalalaman. Expect the unexpected. Know the latest. And the best thing, you'll realize so many things and answer so many questions buggling into your mind.

 

    Nakausap ko si Tin [my hs kada] sa phone. We missed each other so much, hindi magkandamaliw ang mga boses namin tungkol sa kanya-kanyang buhay. Buti nga'ttin and me! ;) nakausap ko siya. Medyo malungkot din kasi ako ngayon. Eh paano kasi, naisip kong 9 days na lang, birthday ko na at wala pa rin akong ka-plano-plano kung paano yun i-cecelebrate. I want to make it special sana  because this coming Nov 29, it shall be the last birthday of being a teenager. Debut ko na next year. Alam kong marami ng mababago kasi lilipas nanaman ang panahon kaya dapat i-take note yung day na yun. Para bang tinamad na rin akong magplano kasi hindi ko naman mahagilap ang lahat. Ang daming ginagawa sa school, at maski sila busy na rin. Somehow Tin became my escape road to ease the feeling of sadness.

 

     Nagalak akong sa tinagal-tagal ng panahon, naungkat muli ang dating samahan. Naalala ko ang mga sandaling kasama ko siya. Yung tipong napakalalim ng usapan. Si Tin kasi yung madalas kong lapitan noon kapag usapang-heartaches na o di kaya'y tungkol sa mga di maarok na pananaw sa buhay. Bagama't marami ng nangyari sa buhay namin ngayon, nanatili pa rin ang pagkakasundo sa isa't isa. May mga winika siyang napa-"oo" na rin ako.

   

    Inakala ko noong nagbago na siya. I became so judgemental pala. Nadala ako sa paniniwalang kapag lumipas ang panahon, lahat nagbabago. Di rin naman pala lahat. Minsan, may mga nadadagdag lang ngunit di nababawasan. Naroon pa rin ang orihinal. Kumbaga sa computers, upgraded lang, hindi reformatted. Siya pa rin pala ang dati kong kinilalang kaibigan. I thought I lose her but right now I realized, I regained her and she even became better.

 

If there's one gift that we should be thankful for, something so meaningful and special, it's when you meet real firends. In spite of long days when everything seem so ordinary, they make it unexpectedly complete..

leave a comment

 

 

November 18th 2004 | Thursday | 10:00pm

"OBRANG LIKHA NG PAGKABAGOT"

 

    Para kong hinehele ng literature teacher ko kanina! Ang lakas ng tunog ng aircon sapagkat napaka-tahimik. Bumubulahaw ang mga tinig, marahil tinig ng nagrereklamong estudyanteng bagot na rin. Parang niyaya talaga kong humikab nang napakalaki habang unti-unting bumababa ang talukap ng mga mata ko. Bukod sa hindi ko nabasa nang buo yung tinalakay kanina, wala talaga kong interes sa topic na yun. Nakalimutan ko na nga yung pamagat eh, kaya kinuhanan ko na lang ng letrato.

[click to enlarge]

    Nakakahiya namang matulog, kaya humanap ako ng paraan para alisin ang antok. At ang madalas kong ginagawa? - doodles sa notebook. Kakaiba ang nagawa kong "obra" kanina. Unique. Di lang simpleng lettering ng pangalan o guhit ng pinag-praktisang pirma. Di lang drawing ng kung anu-anong manikin o imahe ng gurong nagpapatulog sa mga estudyante. Bigla akong napa-hugot ng barya sa bulsa ko at di ko namalayang nag-ttrace na pala ko ng mga barya sa notebook ko! Nakakatuwa kasing unti-unting na-rereveal yung image ng baryang ibinabakat mo. Tanggal na antok, mala-maestro pa dating mo. Pang-museo... museo ng mga obrang bunga ng pagkabagot kamo.

    Bute na lang, nag-4:00pm na. Geography naman. Haha. Nabuhay ang dugo ko sa exercise na binigay. Nagkanda-hilo-hilo akong kahahanap ng mga bansa sa mapa. Relative Location kasi yung topic - yung binibigay mo yung North, South, East & West ng isang bansa para ma-locate mo siya. Na-prefect ko yung exercise sa kabila ng pagkaduling ko. Exciting. Sana ganun na lang palagi.

 

    Mahirap maging estudyante pero sa kabila ng tagaktak ng pawis, pagkapudpod ng lapis, at paghihirap na labis ay ang mga di inaasahang obra. Bunga man ng pagkabagot o pagkagalak, patunay pa rin ito ng malalawak na imahinasyong taglay ng isang tao.

leave a comment

 

 

November 16th 2004 | Tuesday | 09:11pm

"ANG MATAGAL KONG HINANAP NA A1 SAUCE"

 

     Kung saan-saan pa ko naghanap, sa glory supermarket [in espaņa] ko lang pala makikita yung paboritong A1 sauce ko. Inutusan ko na katulong naming maghanap nun sa mga tindahan at palengke, nag-favor pa ko kay Ayna na tignan din dun sa mga tindahang malapit sa kanila, at nagtanung-tanong pa ko sa mga kaklase ko kung alam ba nila kung saan makakabii nun. Haha. Adik? Isang linggo din akong di nakakain nang masarap sa tuwing karne ang ulam. Sa A1 sauce ko nahanap yung lasap ng pagsubo, dahil kakaiba talaga ang lasa! Pinapapak ko pa nga eh, kaya ang madaling nauubos. [Yan pala yung A1 sauce, yung picture sa kaliwa.]

 

    Kahit ang tagal-tagal kong hinanap yun, "worth-the-wait" naman ika nga. Dahil ang tagal nawala, na-miss ko ang lasa. Mas masarap kaysa noon ang unang pagtikim ko ng A1 sauce kanina. At na-realize ko, kung saan-saan pa ko naghanap at ang layo pa ng naabot ko, sa malapit na bilihan ko lang pala yun makikita. Masyado akong tumanaw nang malayo, eh nasa harapan ko na pala.

   

    Siguro ganun din sa mga mas seryosong bagay. Madalas tayong bumigay kapag di natin mahanap kaagad ang mga bagay-bagay na gusto nating makita. Kung saan-saan pa tayo lumilingon, di natin alam, naka-balandra na sa kalsada ng ating buhay ang mga kasagutan. Nababanlag tayo tungo sa mga kasagutan. Kailangan lang siguro ng matalas na pakiramdam at direksyong patutunguhan.

 

Look closely first to what's within our sight. We may be looking too far beyond our limits, not knowing that the true answers are just in front of us waiting to be seen and discovered.

leave a comment

 

 

November 14th 2004 | Sunday | 09:05pm

"TOO MUCH ASIN IS A SIN"

 

    Dahil walang lutong pagkain sa bahay, naghanap na lang ako ng "malalafang" [makakain] sa labas. Kahit sabi kong nag-ge-ghetta na ko, hala sige, hinayaan ko nanamang ang tiyan ko ang kumontrol sa akin. Nung una, kakain sana ako ng pares. Pagdating ko naman doon, wala ng maupuan. Duh, ayoko namang kumain nang nakatayo noh. Haha. Kaya lakad na lang ako ulit. Yung tiyan ko naghahanap ng kursunadang kainan. Maarte ang belly ko. Nadaanan ko ang Mini-stop, carinderia, at pumasok pa kamo ako sa Chowking pero di naman ako nakapili ng gusto ko. Then finally I've decided to eat in Greenwich [AGAIN.]. Langya, super alat ng lasagna! Pati yung solo pizza parang sinawsaw sa tubig dagat! Ang tagal-tagal kong naghanap ng kainan, sa maalat na lasa lang pala mauuwi ang lahat. Kainis. Sumobra nanaman ang kinain ko, ang alat-alat pa ng nakain ko!

 

    Anyway, nanood ako kanina ng The Bash, este, The Buzz pala [hehe] sa sobrang pagka-buraot. Dahil wala na kong mapanood, pinagtiyagaan ko si Kris Aquino. Nasusuka na ko sa mga pauso niyang intriga. Ang alat na sa panlasa ba. Nakakatawa siya kasi may alitan sila ni John Lapus. Tinanong siya ni Boy Abunda kung anong masasabi niya sa isyu, nung una umiling siya. Pero di rin nakapagpigil ang bibig niya kaya hayun, nagsalita na rin. Ayaw na daw niya magsalita sa isyu pero umabot sa 10 minuto ang pagsasalita niya. Ah ewan.

 

    Sawa na ko sa mga gimik na ganun. Tulad ng pagkain, nakakasuya kung palaging ganun ang hinahain. Minsan, ang matamis na panlasa, kalaunan umaalat din.

 

"Too much is too bad."

leave a comment

 

 

November 12th 2004 | Friday | 03:50 pm

"THE LEAST FORGOTTEN"

 

    Naranasan mo na bang makalimot magbayad sa dyip? Matatawa ka na lang pagbaba mo at nalaman mong di ka pala nagbayad kahit may pambayad ka naman. Gusto mo sanang habulin si mamang tsuper pero kumaripas na ang dyip papalayo sa iyo.

   

    Kanina lang naranasan ko yan. Galing akong iskul, pagod na pagod at pagkarating ko sa bahay, nasulat ko na lang ito. Pangalawang beses na to nangyari sa akin. Dati, sumakay akong masyadong masaya sa first semester grades ko at dun pa ko nag-compute ng average sa dyip. Sa pagmamadali ko, nawala na sa isipan kong dumukot ng limang piso. Eh anong magagawa ko, sobrang pinahalagahan ko ang pag-compute na yun at isinantabi ko ang ibang bagay.

 

    Madalas akong makalimot ng mga bagay na di naman gaanong mahalaga sa akin. Sabi nga sa akin ni Ayna, [besty ko] parang may A.D.D ako. It's a psychological habit na yung mga bagay na pinahahalagahan mo lang ang madalas mong maalala. If it's not your concern, it blows off your mind easily. Pero kabaligtaran ng pagkaulyanin ko sa mga ganung bagay, ay ang sobrang pagpapahalaga ko sa mga bagay na alam kong mahalaga. Partikular na kapag kaibigan at mahal sa buhay ang pinag-uusapan. Todo bigay. Super loyal. They often say that I'm so thoughtful or I'm so sweet. Yung tipong mga birthdays or special occassions, I would really bother to make a simple gift. Ako yung madalas nangunguna sa mga plano kapag may surprises. Alam ko kasing ikatutuwa yun ng taong mahalaga para sa akin. Di bale ng mapagod ako, "worth it" naman at the end of the day.

 

    Marahil kaya ko nalimutang magbayad sa dyip ay dahil sa pag-iisip ko sa ibang bagay. Paano kung ikaw naman yung kinalimutan ng isang tao? Ang sakit noh? Para bang mapapa-jump into conclusion ka na wala ka ng halaga sa kanya kaya nakalimutan ka na niya; na hindi ka na niya concern and it's as if you don't exist into his or her world anymore. Kung alam lang siguro ni mamang tsuper na nakalimutan kong magbayad, marahil siningil niya ko. Parang ganun ako ngayon. Nakakatawa - kasi para kong tangang naghahabol. Nakakalungkot - kasi nga kinalimutan na niya ko. Pilit akong nagpaparamdam sa taong yun na, "hello, nag-eexist pa ko?!". Nakakapagod na rin minsan. Nakakasawa. Pero di bale, at least the problem is not on my part. Di ko naman siya kinalimutan eh. And never mangyayari yun kasi mahalaga siya sa buhay ko.

 

Forget everything but never ever forget to remember. You may be forgotten by others but if you know how to remember, all those people you've remembered shall realize that you're a person not to be forgotten at all.

leave a comment

 

 

November 9th 2004 | Tuesday | 09:00 pm

"SWERTENG MALAS"

 

    Hay..Ang sakit ng ulo ko kakahanap ng assignments. Eto nanaman ang gatambak na school works. Unti-unti na siyang nagsisimula. Unti-unti nanaman akong nilulugmok pababa.Pero swerte pa rin, may internet sa bahay. Mas mahirap kasi kung pupunta pa sa library o magbabayad ng malaki sa internet cafe. Pero.. di pa rin totally swerte! Kasi ang daming ginagawa! Umpisa pa lang ng 2nd sem, di pa kasama yung thesis paper sa English due on March, project sa iba't ibang subjects, reporting, at iba pa. Naiisip ko pa lang, nasusuka na ko. Di pa nga ko kumakain eh pero parang punung-puno na ang tiyan ko -- ng worries..

 

Anyway, kaninang english may bago kaming classmate. Irregular student kasi siya. And what makes him different? - aba, uaap rookie player siya! [si Loureck Tong]. Siyempre, na-feel kong ang swerte ko naman as a uaap fanatic. Baka pwede niya kong ipakilala kay Christian Luanzon di ba hehe [joke!]. And I think he looks so kind naman eh. Pag-uwi ko, I received a text message from a former hs batchmate na taga-eco na ngayon. Akalain mo, mas swerte siya sa kaklase. Si Luanzon mismo ang kaklase niya! Waah! Oks na rin pero lam mo yun, wish ko lang si Luanzon na lang nag-sit in sa amin! [haha]  Akala ko swerte na ko. Di rin pala totally..

 

In life, there are so many pots of luck. Some may be grabbed easily. Some are so hard to reach. But always keep in mind that for every luck that you get, there's a price to pay. They're called consequences. Good or bad pa man yun, depende na lang kung paano mo iinterpret yung mga yun.

leave a comment

 

 

November 6th 2004 | Saturday | 11:58 pm

"MAGPAKAILANMAN"

 

   Nakakabagot na araw para sa isang tamad na estudyante. Simula na ng second sem [nung biyernes pa nga actually eh] pero parang di pa rin ako handa. May hang-over pa rin ako ng sembreak at feeling ko bakasyon pa rin - di ko pa tapos ang homework ko sa journ! hay buhay.. dumadating talaga ako sa puntong ramdam kong "nakakapagod maging mag-aaral". sana grumaduate na ko. konti na lang [3 years or less na lang!] at ilang hinga na lang.  hehe. ang oa ko talaga. nakaka-oa siguro yung coco crunch na kinain ko kanina. may free pang laruan at ang tagal kong kinabaliwan.

 

    Anyway, birthday ngayon ni ms faith! cnu siya?! my best teacher ever nung hs. filipino teacher ko nung first year pero sa sobrang baet niya, hanggang fourth year, parang teacher ko pa rin siya. sino ba namang makakalimot sa kanya. sayang nga bihira na lang kami magkita, mag-usap. i met her last family day pa. di ko pa siya masyado nakausap kasi dala-dala niya ang supling niya. na-miss ko tuloy yung mga panahong inspired akong mag-aral. di tulad ngayon, tinatamad. she once brought an inspiration to me and up to now, she still does... in spite the distance, beyond time. minahal ko ang pinoi dahil sa kanya. nakapagsulat ako dahil sa kanya. at naipapasa ko ang kaalaman ko sa iba, dahil rin sa kanya. ayy, eto pala sha.. [right]

si ms faith ;)

[photo taken nung field trip niya w/ ii6]

ganda niya noh? sympre, pareho kaming cute! [bwaha3]. buti na lang tinext ako ni kc para sabihing bday na niya. wala kasing calendar yung cel ko ngayon [dala ng mommy sa states yung 3100 ko] and so, nawala sa isipan ko. tignan mo nga naman ang panahon. dati rati, di ko malimot-limot ang petsang to. siyempre, since fave teacher ko siya, ni-reregaluhan ko pa siya noon. tuwang-tuwa naman si ako. sobrang tiningala ko siya na dumating sa punto ng buhay kong nahirapan akong ibalik yung leeg ko. na-stuck ba. ewan. ngayon, lumipas na lang na parang bula ang petsang to. na-bored ako ngayong araw na ito pero in fairness ah, natuwa ako nung nag-reminisce ako. naisip ko, ang loyal ko pala talaga noon. sana ganun pa rin ako ngayon. sana mapagpatuloy ko pa rin yung alindog ng inspirasyong minsang dinala ni ms faith sa buhay-estudyante ko.

 

siguro nga, iba noon, iba ngayon. pana-panahon. di mo na maibabalik pa yun, pero maaari mong alalahanin, sariwain at lasapin. minsan may bonus ang mga alaala, tulad ng coco crunch cereal box. at ano yung free?

 inspirasyon at ligaya. puwedeng gamitin. hanggang kelan?

magpakailanman. ;)

leave a comment

 

Hosted by www.Geocities.ws

1