favequotes

TAGALOG LOVE QUOTES

 

001

dito lang ako lalo na kapag kailangan mo ako.. at kahit sabihin ng panahong iwan na kita, promise hinde.. hangga't di mo sinasabi na, "o bakit nandiyan ka pa? DI NA KITA KAILANGAN.."

 

002

hindi kita nakikita pero okay lang.. hindi kita nakakausap pero okay pa rin.. masaya ko kahit wala ka sa tabi ko, pero gusto kong malaman mo na.. kulang ang buhay ko kahit okay ako!

 

003

minsan gusto kitang sigawan at sigawan at sabihing "ang manhid mo!" kaso baka isumbat mong " e di ba friends lang tayo?" sino nga naman ako, isang taong hanga lang sa iyo.. mahal kita kahit wala lang ako sa iyo!

 

004

kapag nagmahal ka, asahan mong luluha ka.. pero dapat alam mo kung kailan ka titigil.. kasi baka habang lumuluha ka, siya nagpapakasaya na kasi alam niyang may isang taong nagpapakatanga na sa kanya!

 

005

di madaling maghintay.. di rin biro magmahal.. minsan akala mo "ok na", minsan akala mo "siya na" pero mamamalayan mo na lang na dumaan lang pala siya sa buhay mo para "turuan ka"..

 

006

aaminin ko sa iyo, nung nakilala kita may mahal akong iba.. tulad mo, di rin siya maalis sa isip ko.. pero huwag mong isipin na minahal kita para makalimutan siya kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka..

 

007

ang puso kapag nagmahal, makulit.. kahit hindi puwede, pilit nang pilit.. di matuto kahit masakit.. di nagsasawa kahit paulit-ulit.. kaya kung nakukulitan ka na sa akin, huwag mo akong sumbatan.. sisihin mo ang puso ko, sobrang mahal ka niyan..

 

008

alam ko maraming nagmamahal sa iyo.. mawala man ako, hindi hihinto ang mundo mo.. pero sana alam mong kapag nawala ka sa mundo ko, di ko na alam kung paano ulit paiikutin ito..

 

009

minsan na ako nagmahal.. minsan ding nasaktan.. minsan ng naging tanga dahil minsan minahal kita.. papayagan ko ba maulit? bakit hinde? eh minsan lang ako naging masaya.. NUNG NAKILALA KITA..

 

010

pinipilit kong kalimutan ka.. gusto kong malaman mong kaya kong mabuhay kahit wala ka.. lagi kong sinasabing mas masaya ako sa kanya pero bakit ganun, habang tumatagal mas lalo pa kitang minamahal?

 

011

bakit ganun.. kapag kumanan ako, umaasa lang ako.. kapag kumaliwa ako, nasasaktan lang ako.. paatras na ako nang maisip kong ikaw pa rin ang mahal ko.. kaya dumiretso pa rin ako.. isa lang ba talaga ang direksyon ng buhay ko? laging pabalik at papunta sa iyo??

 

012

dumating sa punto ng buhay ko na akala ko gusto mo ko. may nakita kasi akong mga dahilan para mahulog sa iyo. tapos nalaman kong ganun ka din pala sa iba. mabait ka lang talaga, akala ko gusto mo ko!

 

013

mahirap magalit ng walang dahilan.. mahirap umintindi ng di mo maintindihan.. mahirap masaktan ng walang karapatan.. pero di ba, mas mahirap magmahal sa taong wala man lang pakialam?

 

014

nangyari na ba sa iyo na minsan iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo.. dahil sinaktan ka niya at nagmukha kang tanga.. ang sakit-sakit tapos maiinis ka na lang dahil isang paramdam lang niya, NAPATAWAD MO NA SIYA..

 

015

minsan gusto kong tumakbo, malayung-malayo sa iyo.. baka sakaling makalimutan kita.. kaya lang sa pagtakbo ko, dala ko pa rin ang puso ko na walang ibang laman kundi.. alaala mo!

 

016

magsawa ka man sa akin dito pa ren ako...magalit ka man sa akin, antay pa ren ako sa iyo...kalimutan mo man ako, ikaw pa rin iang nasa isip ko...dahil magbago man ang takbo ng mundo, mundo ko'y...iikot lang sa iyo...

 

017

may nagtanong sa akin kung sinong mahal ko, nakita kita...tumahimik ako, pumikit, ngumiti at tinuro kita... "siya yun, siya pa rin, siya lang at wala ng iba..."

 

018

noon, lagi mo akong pinagtatanggol.. lagi kang nandiyan para sa akin.. sabi mo pa nga mahalaga ako sa iyo.. ngayon, nakakilala ka na ng iba.. tinanong kita kung luvs mo pa ko.. sabi mo, "iba noon, iba na ngayon!"

 

019

sabi nila, parang saranggola ang taong mahalaga sa iyo.. gaano man siya kalayo, may tali pa ring mag-uugnay sa inyo.. hangga't hind mo ito binibitawan, di siya mawawala sa iyo kailanman..

 

020

sa pag-ibig, kahit masaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga marunong kang magmahal nang tapat at di ka takot masaktan.. dahil ang tapat magmahal ay may katapat na, TUNAY NA PAGMAMAHAL..

 

021

minsan kailangang maghiwalay para magkasubukan.. minsan kailangang masaktan para may matutunan.. at minsan kailangan mong mag-isa para malaman mo kung siya na nga ba o kung may darating pa..

 

022

matatago mo ang sakit.. mapapaniwala mo ang iba na kaya mo.. pero di mo maitatago sa sarili mo na yung taong nang-iwan at nanakit sa iyo ay ang taong tinitibok pa rin ng puso mo..

 

023

ganun pala yun noh.. mahirap kapag wala ka.. malungkot kapag wala ka.. ikaw kasi eh, pinabayaan mong mahulog ako sa iyo nang ganito.. ngayon hirap ako kasi di ko na kayang wala ka sa tabi ko.. MAHAL NA KITA! alam mo ba yun?

 

024

kapag na-mimiss kita, dumadating yung oras na nalulungkot ako dahil di kita nakikita.. nakakasama.. mahawakan.. mayakap.. makausap.. pero kahit ganun, masaya pa rin ako.. dahil kapag na-mimiss kita, lalo kang napapamahal sa akin!

 

025

kapag di mo na ako kayang mahalin, huwag na huwag kang magsasalita.. basta, iwan mo na lang ako.. kakayanin ko yun promise.. kaysa namang magpaalam ka pa.. baka.. pigilan lang kita!

 

026

di ko man masabi kung gaano ka kahalaga.. di ko man maiparamdam na importante ka.. di ko man magawang tulungan ka palagi.. pero sa gabi tuwing pagtulog ko, pinagdarasal kong sana may magawa ako para sumaya ka kahit wala ako..

 

027

kapag nagmahal ka, gamitin ang puso, huwag ang isip. hayaan mo ng sabihan ka nilang tanga.. basta huwag ka lang magising isang araw at sabihin sa sarili mo na, " di pala ako nagmahal, nag-isip lang ako.."

 

028

bakit ang hirap maging masaya kapag nagmahal ka? kahit halos nabigay mo na ang lahat, kulang pa rin para masabi mong okay na.. ganun ba talaga magmahal? o ganun lang talaga magpakatanga sa taong akala mong mahal ka?

 

029

ah siguro, akala ko okay lng sa aking may mahal kang iba...tapos isang araw nakita kitang masaya sa piling niya...wala na akong nagawa...kundi umupo na lang sa isa ng sulok at dun umiyak..."t*ngina, di ko pla kya..."

 

030

sana di na lang kita nakilala, masaya naman ako noon eh...kahit nung wla ka pa! di tulad ngayon, pinahihirapan mo lang ako...alam kong di mo sinasadyang makilala ako...ako rin eh, di ko sinasadyang mahalin ka...

 

031

kapag magulo ang mundo mo, kapag iniwan ka ng mahal mo at walang nkaikinig sa iyo, sana lapitan mo ako...at di ako magdadalawang-isip na sabihing "tara, samahan kita...iwanan natin ang mundo"

 

032

alam kong darating ang panahong malilimutan mo na ko...sino ba naman ako di ba?! isang pampagulo sa masaya mong buhay...pero tandaan mo di kta malilimutan dahil...ikaw yung...pampasaya sa magulo kong mundo!

 

033

na-feel mo na ba na akala mo forget mo na siya? wala na, tapos ng lahat...tapos one day nagkita kayo...ngumiti sa iyo...at nasabi mo na lng na... "t*ng ina, mahal ko pa siya"

 

034

kailan mo ba malalaman na mahal kita? kapag wala na ako? kapag wala kang matakbuhan? siguro! pero sana naman malaman mo kasi hirap na ko eh...pagod na akong iparamdam sa iyong mahal kita...MANHID KA BAH TLGA?

 

035

may nagmamahal sa iyo, di mo naman gusto.. yung gusto mong mahalin ka, may mahal ng iba...pero ano ba talaga ang mas mahirap?! ang pag-aralang mahalin ang taong di mo gusto o umasang mamahalin ka ng taong mhal mo??

 

036

kung gugustuhin natin, siguro magkakasama tayo ngayon...sabi nga nila, lahat daw ng bagay pwede kung gugustuhin...kaya lang, di lahat ng "pwede" ay "dapat"! prang tayong dalawa...puwede pero di dapat...

 

037

alam mo ba na sa tuwing maiisip kong malungkot siya, gusto ko siyang lapitan, yakapin nang sobrang higpit at sabihing "nandito lang ako" kaso hindi ko magawa kasi ang alam ko, "di naman ako ang kailangan niya.."

 

038

sabi nila, di na kailangan tumingin sa malayo para makita ang soulmate natin pero, tumingin ka ng mabuti ha? baka kasi.. iba ang makita mo.. akala mo "siya" na.. yun pala, natatakpan lang "niya"..

 

039

minsan may bumatok sa akin, sabay sabi: "matauhan ka na nga! hindi ka niya mahal at hindi na mamahalin pa!" nasabi ko na lang: "hindi naman ako umaasa.. MAHAL KO LANG TALAGA"

 

040

SAD: Nung dumating siya, sabi ko sa kaibigan ko.. "mahal ko yan!" tapos tinanong niya ko.. "eh bakit mo pinakawalan?" sabi ko, "kung naging kami ba, ba't ko pakakawalan?" =(

 

041

badtrip kapag ang crush mo ay close friend mo.. di mo alam kung paano itatago.. dedma kapag nangungulit.. wala lang kapag lumalapit.. pero minsan kapag naglalambing, kulang na lang ay gusto mong sabihing, "tama na pwede ba?! na-iinlove na ko sa yo!"

 

042

love? parang BASKETBALL.. jumpball sa simula.. time-out kapag pagod na.. foul kapag nasasaktan ka na.. pero may mas masakit pa dun.. ung GAME OVER na nga.. at tapos na.. TALO ka pa!

 

043

sabi nila masakit kapag di ka nakikita ng mahal mo dahil may iba na siyang tinitignan.. pero mas masakit palang kahit wala na siyang tinitignang iba.. di ka pa rin niya makita!

 

044

ang ulan bumubuhos, handa ka man o hindi.. pero sa tuwing papatak ito, may isang taong handang mabasa kasama mo.. sana alam mong nandito lang ako.. kahit sipunin tayo, dito lang ako..

 

045

minsan tanong ko sa sarili ko kung sino ka nga ba sa buhay ko? isang simpleng taong nakilala ko at pinasaya ako.. pero wag ka.. isang simpleng tao pero.. papa-rap-papa LOVE KO 'TO!

 

046

sa dami ng napagdaanan mo, matatag ka na ba? wala na bang nagpapahina ng loob mo? wala na bang nagpapaiyak sa iyo? kung sakaling meron pa, huwag kang mag-alala.. kung di mo kaya, kakayanin natin nang magkasama!

 

047

di ka siguro maniniwala kung sasabihin kong "miss na kita" akala mo kasi bola lang yun.. pero may isang bagay na di mo alam tungkol sa akin.. mahilig lang ako maglambing pero hindi ako sinungaling.. =) miss na talaga kita!

 

048

nasanay ka na nandiyan siya.. kinukulit ka.. pinapangiti ka.. at minamahal ka.. paano kong isang araw ma-realize mo na lang na napabayaan mo na siya? kelangan pa bang mawala siya bago mo maramdamang nagkamali ka?

 

049

gusto kita makita kaso baka sabihin mo "huwag na".. gusto kitang makausap pero baka naman isumbat mong "saka na".. at gusto kong sabihing "mahal pa rin kita" kaso baka lalo lang ako masaktan at sabihin mong "ako hinde na!"

 

050

noon pa lang tanggap ko ng mawawala ka rin tulad ng iba.. pero bakit hanggang ngayon nandiyan ka pa rin? siguro hinihintay mo pa ring sabihin kong "mahal kita!" tanong ko naman, "manhid ka ba?"

 

051

minsan hindi sapat na mahal mo ang isang tao.. o kung alam mong mahalaga ka para sa kanya.. kasi bago ang lahat, dapat alam mo ang pagkakaiba ng MAHAL sa MAHALAGA KA LANG!

 

052

hangga't kaya ko, di kita iiwan.. hangga't buhay pa ko, di kita pakakawalan.. di dahil sa inaangkin kita! kundi dahil mahal lang talaga kita! aalis lang ako kapag sinabi mong, "(name)! di na kita kailangan!"

 

053

kapag nagmahal, di ibig sabihin magiging kayo.. di dpata umasa lalo na kung alam mong meron na siyang iba.. ang mahalaga, nandiyan ka at handang magmahal kahit walang kapalit.. di ba? =)

 

054

may dahilan ang lahat ng bagay.. dahilan magbigay.. dahilang mabuhay.. dahilang magmahal.. kung hindi mo mahanap ang dahilang sumaya, nandito lang ako! kahit.. dahilan lang..

 

MORE QUOTES TO COME SOON!

Hosted by www.Geocities.ws

1