Ni: sdna
Ang bayan ng Pipikat ay isang tahimik na bayan. Mga apat na oras na biyahe mula sa punong kabisera, ang lugar ay hindi naguguluhan ng makabagong sibilisasyon. Sa lahat ng bagay dito, ang mga Katakataka ang ipinagmamalaki ng mga tao. Maraming taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring nangyayari sa bayan. Hindi naman nagrereklamo ang mga taga-Pipikat. Mas gusto nila ang ganitong buhay: isang tahimik na kabuhayan at masayang pamilya, kasama na ang mga matulunging kaibigan. Hindi nila alam na may padating na disgrasya, na magdadala ng hiya ng sobra tatlong henerasyon. Ang pagbalik ng isang alibughang anak
Kalahating oras na rin nang nagsimulang magwalis si Ana sa hardin ng mga Ogilvisesas. Mahigit dalawampung taon na rin siyang nagtatrabaho bilang isang katulong sa pinakamayamang angkan ng Pipikat. Kay ganda ng hardin, nasabi ng matandang katulong nang makita niya ang mga Katakataka sa dulo ng lagwerta. Inaayos ni Ana ang mga Katakataka, dahil ang mga dahon nito ay nagsimula ng kinakalat ng hangin. Delikado ito, dahil ang mga dahon ng Katakataka ay nagiging bagong tanim kapag ito ay nadapo sa mabuting lupa. Habang inaayos ni Ana ang mga halaman, mayroon siyang narinig na gulo sa labas ng bahay ng mga Ogilvisesas. Nagtaka si Ana. Lalong siyang nagtaka ng papalapit at papalakas ang gulo. Maraming tao. Ngayon, ang libumbon ay nasa harapan na ng tarangkahan. Sumilip si Ana. Nabigla ang katulong ng nakita niya ulit si Chona, ang pinakabata sa mga anak ni Ginang Felicidad, ang ikalawang matriarka ng mga Ogilvisesas. Bumalik na si Chona! Ang ikatatlong nagpayaman sa kanyang tanyag na pamilya! Mabuhay ang mga Ogilvisesas! Chona pahingi naman ng kahit limang piso nagtatawanan ang mga tao, kasama ang magandang Ogilvisesas. Ana, matagal na rin tayong hindi nagkita, binati ni Chona ang matandang dalaga. Mabuti naman at bumalik kayo pagkatapos ng labinlimang taong tumira sa punong kabisera, senyorita, napangiti si Ana.
Oo, matagal na rin
Sa isang maliit
na kapilya na malapit sa bahay
niya, si Do๑a Marga Felicidad
Ogilvisesas ay nagdadasal. Ang Do๑a Marga ngayon
ay napakalayo sa Ginang Felicidad labing-isang taon
Oho.
Sa malaking bahay ng mga Ogilvisesas, ang tatlong babaeng anak ni Ginang Jona sa kaniyang nakababatang kapatid. Tita Chona! Mga pasalubong namin! Napatawa si Chona. Heto nilabas ni Chona ang kaniyang mga pasalubong para sa lahat ng kamag-anak niya at sa buong bayan ng Pipikat. Mukhang malaki nga ang nahakot mo sa punong kabisera, kapatid, napasabi si Jona sa paghanga niya sa mga pasalubong ni Chona. Siyempre ate, simple lang naman na magpakuha sa kanila. Alam mo naman, mga mahilig ang mga taga-punong kabisera. At isa pa, ginagawa ko lang ang tinuro sa akin ni inay, bago siya nagpakabait at naging isang mongha sinabi ni Chona nang nakita niya na nandiyan pala sa likod ni Jona ang magulang niya.
Chona! Sa labas
Sa hardin, malapit sa mga Katakata, na muling kumalat ang mga dahon, nag-uusapan si Do๑a Marga at si Binibining Chona. Masigla ngayon si Chona Alam mo nay? Mukhang puwedeng puwede na si Angelica, ang pinakamatanda sa mga anak ni Jona. Puwede na ang laki
Hindi puwede! Ayoko na ang buhay na ito para sa pamilya natin! Ang tanga pa naman ng mga tao dito sa Pipikat hindi sila nagtatanong kung bakit bigla tayong yumaman sa loob ng tatlong henerasyon nang wala naman tayong negosyo.
Oo nga eh, pero sa ganitong buhay lamang tayo magiging mayaman at sikat, inay. Hindi mo ba naalala ang mga sinabi ni Lola Johana tungkol sa mga paghihirap na dinanas ng pamilya niya, bago siya pumunta sa punong kabisera, at nakakita ng isang bagong hanapbuhay. Na ngayon ay hanapbuhay na rin nating mga babaeng Ogilvisesas
Hindi
hindi ito
maari. Hindi ito dapat. Nakita ko na kasi
ang totoong ilaw
naputol ang pagsabi ni Do๑a Marga
dahil hindi siya pinatuloy ni Chona. Na ano?! Maging isang madre? Ano ba ang ginawa nila at naging ganiyan ka inay? napaiyak si Chona. Umiiyak na rin ang nakatatandang Ogilvisesas. Hindi,
tayo ang
Kaya nga ako bumalik! Upang kunin ang mga pamangkin kong mga babae! Dapat may papalit sa akin! Hindi ako papayag na magiging pobre naman ang mga Ogilvisesas. Sinabihan ko na si Jona na kukunin ko si Angelica. Gusto ko nang mag-asawa, nay. Dapat lang na may Ogilvisesas na papalit sa akin. Pumasok si Chona sa bahay, at iniwan ang matandang Ogilvisesas sa hardin ng mga Katakataka, na umiiyak
Kinabukasan, tinanong ni Angelica ang kaniyang Tita Chona habang lumalakad sila papunta sa dyip sa labas ng bahay Tita, maganda ba sa punong kabisera?
Oo, at ayos rin ang magiging trabaho mo. Ito ang naging trabaho ng lola at nanay mo, at ako rin. Ang dapat lang ay mananatili kang maganda at malinis, at mabango. Ito ay dahil magkikita ka ng ibat-ibang tao gabi-gabi. Subalit, baka ang taong matatagpuan mo ay mabait o isang sadista. Depende lang iyan sa gabi. Sa kahulihan, maraming pera ang mahahakot mo! napangiti si Chona sa mausisa niyang pamangkin.
Paalam, anak! Chona, alagaan mo si Angelica! sumigaw si Jona sa papaalis na dyip. Marami ring mga taga-Pipikat ang nagpaalam sa dalawang babae.
Makikita ang dyip na papaalis galing sa hardin ng mga Ogilvisesas, kung saan nakaupo sina Do๑a Marga at Ana. Pinupulot ni Ana ang mga dahon ng mga Katakataka. Ano ba naman itong mga paborito mong mga halaman, madam. Ilang araw ko nang nililinisan ang hardin, hindi pa rin tumitigil ang paghulog at pagkalat ng mga dahon ng Katakataka! napareklamo ang katulong.
Igik lang ang nakuhang niyang sagot.
Ganito na lamang ang magiging buhay ng mga babaeng Ogilvisesas ang pagbebenta ng kanilang sarili hanggang sa ang mga katawan nila ay mabubulok at papalit sa kanila ang susunod na salinlahi.