CUARESMA IN TERNATE
This image was taken from the website of Nueva Ecija News Journal
Mga Pagdiriwang:

Miyerkules ng Abo


Nagsisimula ang Mahal na Araw sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo.  Dito ginagawa ang pagpapahid ng abo na mula sa sinunog na Palaspas noong nakaraang taon sa noo ng bawat isa.

Biyernes de Dolores

Dito ginagawa ang Pagbasa ng Mahal na Pasyon ng ating Panginoong Hesukristo.

Linggo Ng Palaspas o Dominggo De Ramos

Dito ginaganap ang pagbebendisyon ng mga Palaspas.  Limang lugar ang pinagdadausan ng Hosanna o paghahagis ng bulaklak ng mga batang nagbihis-anghel at pagbebendisyun ng mga Palaspas. Ito rin ang paraan ng mga Katoliko sa paggunita ng Pagpasok ni Hesus sa Herusalem bago ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus.  Isang misa ang ipinagdiriwang pagkatapos ng prusisyon.

Mates Santo

Dito ginaganap ang Prusisyong Nakayapak at Daan ng Krus ni Hesus.  Ito ay nagsisimula sa ganap na ika-4 ng umaga. Ang lahat ng mga sumasama sa prusisyon ay nakayapak.  Dito pinuprusisyon ang Imahen ng Poong Nazareno na naglalarawan ng pagpapasan ni Hesus ng Krus.  Isang misa ang ginaganap pagkatapos ng prusisyon.  Sa araw na ito rin nagsisimulang takpan ang mga Imahen ng mga Santo at Santo sa loob ng Simbahan.

Huwebes Santo

Sa araw na ito ipinagdiriwang ang Paghuhugas ng Paa ng mga Alagad at Huling Hapunan.  Ang mga tradisyong ito ay ginagawa bilang paggunita sa Paghuhugas ni Hesus sa paa ng kanyang mga Alagad at ang Huling Hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga alagad.  Sa araw ding ito nawawala ang tunog ng kampana na pinapalitan ng tunog ng mastaka.  Ginagawa rin dito ang magdamagang Pagtatanod sa Banal Sakramento.

Biyernes Santo

Nababalot ng kalungkutan at katahimikan ang paligid.  Patay na ang Panginoong Hesukristo sa araw na ito.  Ginugunita ang pagkamatay ni Kristo sa pamamagitan ng Banal na Misa na walang tunog ng kampana o kanta sa ganap na ika-3 ng hapon.  Pagkatapos ng Misa, ginaganap ang Prusisyon ng Paglilibing ka Hesukristo.  Ipinuprusisyon ang mga Imahen ng Santo Entierro (ang imahen ng patay na Kristo at ang Imahen ng Mahal na Birheng Dolorosa.  Wala ring Pagdiriwang ng Eukaristiya sa araw na ito.

Sabado de Gloria

Sa araw na ito ginaganap ang Easter Vigil kung saan ginagawa ang pagbabasbas ng tubig at apoy.  Dito rin pinagdiriwang ang muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo

Dito ginaganap ang Prusisyon ng Pagsasalubong ni Hesus at ng Mahal na Birheng Maria.  Sa kanilang pagsasalubong, inaalis ng isang bata na nagbihis anghel ang belong itim na nangangahulugan ng pighati ng isang inang namatayan ng anak.  Pagkatapos nito, isang misa ang ginaganap.  Ang Sayaw ng Pagbati o Bate Bandera ay sinasayaw bilang tanda ng Pagpaparangal sa Panginoong Hesukristo na muling nabuhay.
SCHEDULE OF ACTIVITIES

February 9, 2005
Miyerkoles ng Abo

March 20, 2005
Dominggo de Ramos o Linggo ng Palaspas

March 22, 2005
Martes Santo
-Prusisyong Yapak

March 24, 2005
Huwebes Santo
-Pagdiriwang ng Huling Hapunan

March 25, 2005
Biyernes Santo
-Ang Prusisyon ng Paglilibing Kay Hesus

March 26, 2005
Sabado de Gloria
-Ang Pagbabasbas ng Apoy at Tubig

March 27, 2005
Linngo ng Muling Pagkabuhay
-Ang Prusisyon ng Pagsasalubong ni
Hesus na Muling Nabuhay at ng Kanyang Inang si Maria.
HOME
Hosted by www.Geocities.ws

1