SANTO NINO DE TERNATE FIESTA
JANUARY 5-6
Ang Kapistahan ng Mahal na Poong Santo Nino de Ternate ay ipinagdiriwang tuwing ika-5 at ika-6 na araw sa buwan ng Enero.  Sa ika-28 ng Disyembre nagsisimula ang Nobena sa Mahal na Poon na nagtatapos sa ika-5 ng Enero.  Sa ika-5 rin ng Enero ginaganap ang Karakol sa Lupa at sa Ilog kung saan ang Imahen ng Santo Nino de Ternate ay inilalabas at isinasayaw sa bawat kanto.  Dinadala din ang Karakol sa ilog upang maging masagana ang huli ng mga mangingisda.  Samantala, sa ika-6 naman ng Enero ipinagdiriwang ang mismong Kaarawan ng Mahal na Patrong Santo Nino.  Limang misa ang ginaganap mula ika-4 ng umaga hanggang ika-9 ng umaga.  Ang Misa Konselebrada ay ginaganap sa ganap na ika-9 at kalahati ng umaga.  Ang Pagbibinyag naman ay ginaganap sa ika-1 ng hapon.  Sa ika-6 ng gabi, isang misa ang ginaganap.  At pagsapit ng ika-7 ng gabi, lumalabas ang prusisyon kasama ang Imahe ng Mahal na Briheng Maria na ina ni Hesus at ang Imahe ng Mahal na Poong Santo Nino de Ternate.  Ang prusisyon ay tumatagal ng kulang-kulang 4 na oras.  Pagkatapos nito ginaganap ang Fireworks Display.
HOME
Hosted by www.Geocities.ws

1