6-3-1, Sagipin
ang Kampanaryo, Pasya ng Komite
Nagpasya ang komite
para sa kampanaryo
na sagipin ito Sa sampung miyembro nito, 6 ang bumoto para
sagipin, 3 upang sirain at isang nag-abstain.
Kabilang sa
mga bumoto para sa restorasyon
ay sina Kon. Elizabeth Chongco at Engr. Restituto Bautista ng Sagip Kampanaryo, Arch. Arturo
Valenzuela at Uly Aguilar ng
Museo ng Valenzuela, Engr. Fred Contreras at Sonny Chico ng
Mayor’s Office.
Sina Kon. Reynaldo Cuadra ,
Atty. Mariano Mendieta ng
Hindi bumoto
sina Rev. Fr. Mar Arenas, bilang
puno ng Comission
on Temporalities ng Malolos.
Iminungkahi ni Engr.
Bautista ang pagbuo ng komite na
mamahala at mag-alaga ng kampanaryo upang
hindi na muli itong mapabayaan.
Bakit dapat sagipin ang kampanaryo?
Ito ang
pinakamatandang estruktura ng Siyudad ng
Valenzuela na minamahal ng mga
taga Polo. Isa itong kayamanan
ng Siyudad at hindi dapat
ipasira ninuman, lalu na kung hindi
taga-Polo. Bilang isa sa tatlong lumang landmarks, idineklara ito bilang isang City Cultural
Treasure ng Ordinansa Bilang 49, serye 2003.
Ang kinatitirikang lupa nito ay matatag
at kayang suportahan and
tore, ayon sa
soil test na ginawa. Ang estruktura ay mapapatibay sa halagang (<P500,000) kumpara sa pagpapagiba
sa halagang (>P500,000).
Mapapaganda and tore at pintuan
ng lumang simbahan sa
halagang P2.4M.
Ang Sagip Kampanaryo
ay nagpapasalamat sa mga tumulong upang
kabilang na ang 17 subpastoral councils, Liga ng mga
Barangay, National Historical Institute, Heritage
Preservation Society, National Comission for Culture
and Arts (NCCA), ABS-CBN, Museo ng
Valenzuela, Sangguniang Panglunsod
ng Valenzuela at mga kababayan nating nasa ibang bansa
na nagbigay ng suporta sa
ating pakikipaglaban upang sagipin ang
kampanaryo n gating kasaysayan.