Iraya Journal
Home    |   About the Research Team   | About the Organization   | Links  
Paulit-ulit Kaming Itinaboy
Ni Rading Banaag

Noong unang panahon sa isla ng Mindoro
Nasa baybay-dagat katutubo rito
Silang masasaya�t walang nagkakagulo
Malayang kumikilos paroo�t parito

Lumipas ang mga araw, mga taon ay nagdaan
Na ang Mindoro ay nagkaroon ng dayuhan
At ang mga katutubo ay naapektuhan
Dahil sa ang lupa ay kanilang kinamkam

Ang mga dayuhan ay nagsipagkuha
Ng mga lupain sa nasabing isla
At ang katutubo�y pinaalis nila
Dahil daw sa ang lupa�y titulado sa kanila

Dahil mababa ang mga kalooban
Kaya katutubo ay nagsipaglisan
Na ang tunguhin ay ang kabundukan
At doo�y namumuhay na may kalungkutan

Lumipas ang mga araw, mga taon ay nagdaan
Na ang kabundukan ay pangangalagaan
Ng ating gobyerno na lubhang maalam
Sa mga tulad nating mga nawawalan

Dito raw ay mayroong mga mahalaga
Na iba�t ibang buhay na pangangalagaan nila
Di nila alam katutubo�y nagdurusa
Dahil sa ang kabundukan kinuha nila


*Si Rading ay kasalukuyang pangulo ng Mal-Angatan Kausunan Iraya  (MKMI), ang pederasyong samahan ng mga katutubong Iraya (Inilathala sa Alingay, Abril-Hunyo, 1994, Taon 3 Bilang 3)
Hosted by www.Geocities.ws

1