| Bago ang lahat ay
nais muna sa inyong ipakilala ang aking sarili. Ang aking
pinagdaanang buhay noon at ngayon. Mayroong mga bagay na parang mahirap
ipaliwanag. na nangyari ito sa buhay mo ko. Simula palang
pagkabata ay marami na akong pangarap sa buhay. Lalo na sa aking pamilya
. Sa magulang ko at mga kapatid. Ngunit ang tadhana ay minsay mapagbiro.
May mga pagkakataon na sadyang susubukin ang lahat kung hanggang saan
ang iyong katatagan at pagtitiwala sa iyong kakayahan . Pero ang lahat
ng iyon ay sinsikap kong maging matatag at lumalaban sa
hamon ng buhay. Lagi kong sinasabi sa aking sarili na kakayanin ko ang
lahat ng itoat malalampasan ko ren. Mayroon akong paniniwala sa aking
sarili na ang pagtitiwala mo sa iyong sarili ay ay katibayan ng iyong
kakayahan. At ang salitang kapag may nawala sa iyo ay
mayroon pang mas higit na darating at ang nagbibigay ay higit ang
dumarating. Talagang ganyan ang buhay. Minsan nasa iyo na nariyang
minsay mawawala paren. Marahil kayo kung isan katulad ko ay
gagawin nyo ren ito. Sa isang katulad kong maagang naulila sa ama.
Sa isang kabataang naulila sa ama ay marahil ay maaga kang magigising sa
katutohanang dapat kang bumangon at magsumikap magbanat ng buto para sa
kinabukasan mo at sa iyong pamilya. Pero nariyang ginawa mo na ang lahat
ng paraan para sa kanila. Bakit minsan ay kulang paren? Para bang
di kuntinto sa mga ginagawa ko. Nariyang ibigay ko na ang lahat sa
kanila kahit pa mawalan ako pero bakit kulang at kulang paren.
Minsan naiisip ko kulang pa ba yun sa mga ginagawa ko, at paano nalang
ako pagdating ng araw . Puro na lang ba sa kanila? Sa mga nagdaang
buhay kapag aking ginugunita ay nariyang minsay napapaiyak ako. Para
bang walang katapusan ang paghihirap mo at pagsasakripisyo sa kanila.
Pero minsan ay naiisip ko ko ren paano ren sila kapag wala ako? Di ko
ren naman matiis sila dahil sila yung pamilya ko. Sa isang katulad
kong sampong taon pa lamang ng maulila s ama ay halos dinanas ko
na lahat ng hirap sa buhay. Nariyang nagdaan na halos ang gabi ay gawin
ko nang araw. Para lang sa kanila. pero sa ngayon ay patuloy paren
lumalaban sa hamon ng buhay at patuloy na magsumikap. Bagamat maraming
taon na ang lumipas ay para bang di ko paren maabot yung matagal ko ng
hinihintay sa aking buhay. Nangyari naren minsan na halos
mag-agaw buhay ako ngunit nasaan sila, bakit ibang tao itong nasa
harapan ko. Ang taong di ko kaanu-ano ay ay siyang nag aalaga sa
akin. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat eh bakit nariyang sinsabi
nilang sinusumbat ko sa kanila. Kaya minsa ay nagiging bulag, pipi
at bingi na lamang akosa aking naririnig. Sinasabi ko minsan sa aking
sarili na kapalaran ko ba ito. Mayroon bang naghihintay sa akin na
magandang kapalaran sa dako pa roon? Marami pa akong bagay na gustong
maibigay sa kanila pero minsa paano naman ako?
Minsan kapag nag-iisa ako at lumalabas at tumitingala sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin na maayroong mas maningning sa lahat ay sinsabi kong sana ako iyun. Na ang ibig sabihin eh tinitingala at ipinagmamalaki at sana eh ganoon din ako sa kanila. Pero kabaligtaran yun sa aking buhay. Isa lang ang maipagmamalaki ko sa aking buhay, yun bang nakakatulong ka sa iyong kapwa at higit sa mga nangangailangan. Masaya na ako doon sa mga ginagawa ko. Lagi ko paren na sinasabi sa aking sarili na hindi mahalaga ang pera sa akin. Bagamat nagtatrabaho ako at kimikita eh kuntinto na ako doon atleast nakakaraos ako sa aking buhay. Kahit mag ipon pa ako ng sandamukal na pera eh di ko naman yun madadala sa hukay. Magkakaron lang ng gulo o away sa mga maeewan ko at problema pa yun. Wala man akong naipon atleast mayroon akong ala-alang maeewan sa kanila. Ang higit na maipagmamalaki ko ay ang nakapagdevelop ako ng sarili kong website at nailagay ko sa isang pahina ang aking nakaraan buhay at higit sa lahat ng makakbasa nitoay maraming salamat sa inyo. Lalong higit sa mga natulungan ko. Kayo yung inspirasyon ko sa darating ko pang kinabukasan. Sa mga kaibigang kong nagmamahal sa akin at ang kapamilya ko sa aking trabaho.
Hindi ginto hindi pilak at hindi ren material na bagay ay siyang yaman mo sa mundo, kundi ang iyong puso ay pagmamahal mo sa iyong kapwa . Ang pagmamahal mo sa diyos at iyong kapwa ay siyang tunay mong yaman. |