Ngayon
Basil Valdez
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali.
Ngayon bago ito ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapit hapon,
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon.
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay
Ngayon.
Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa'yoy di na rin sasapit (ooh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
ang naabot mo'y langit na.
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

Back
Hosted by www.Geocities.ws

1