Kastilyong Buhangin
Basil Valdez
Minsan ang isang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin,
Sakdal rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin.

Ang alon  ng maling pagmamahal
Ang siyang kalaban n'yang mortal,
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal.

Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ang landas.

Minsan dalawang  puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala.

Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas.

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala, luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin,
Gumuhong kastilyong buhangin.
Back
Hosted by www.Geocities.ws

1