Rmplogobackend.gif (9122 bytes)

     Home



















































 

Alay sa mga pari, madre at layko ng RMPSurugu-on

Bathala
yaring puso at isip
ay hahabi at mag-aalay
ng dalisay na papuri
habang yaring kaluluwa
ay kasamang naglalakbay
ng bayan mong hirang

maalad ako
at iyong itinalaga
na magising sa hiyaw at hikbi
ng bayan mong sawi
sapagkat salat sa halaga
ang paningin at pandinig
kung hindi makakita at makaunawa

mapalad ako
at iyong itinalaga
na maging kamanlalakbay
ng bayan mong dukha
yaong magsasaka o manggagawa
at ang mga batang saklot
ng daantaong digma

mapalad ako
at iyong itinalaga
na maging tagapaglingkod
ng kapwa ko timawa
buklod naming kahanga-hanga
ang pag-asa at pagkalinga
na hango sa pag-ibig mong
dakila

Bathala
yaring puso at isip
ay sumasampalataya
tulad ng bayan mong nakikibaka
na sa dulo ng karimlan
ay naghihintay ang liwanag
at hanap na kaligtasan

-Dan Esponilla Dalac
Agosto 2001
(Ang Surugu-on ay isang salitang Samarnon-Leytenhon na ang kahulugan at Tagapaglingkod)

Hosted by www.Geocities.ws

1