|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
|
Pagkatapos magkatagpo-tagpo ng apat na magsising-irog at makapaglahad ng kani-kanilang kuwento sina Flerida at Laura ay biglaang dumating naman si Menandro kasama ang kanyang hukbo sa gubat. Si Adolfo ang kanilang hinahanap subalit anong laking tuwa niya nang ang kaibigang si Florante ang matagpuan. Masayang ipinagbunyi ng lahat ang pagkakatagpo kina Florante at Laura. Nagbalik sila sa kaharian ng Albanya kasama sina Aladin at Flerida. Sila ay bininyagan at naging mga Kristiyano. Pagkatapos nito’y ikinasal ang dalawang pares. Nang mamatay si Sultan Ali-Adab ay muling nagbalik sa Persiya sina Aladin at Flerida samantalang sina Florante at Laura naman ang hinirang na bagong hari at reyna ng Albanya. Naging mahusay ang kanilang pamamahala kaya’t muling nanumbalik sa kaharian ang kapayapaan, kaligayahan at katarungan. |
|||
Copyright 2014. All rights reserved.