Anim na taong naninirahan sa kagubatan sina Florante at Aladin at minsan sa kanilang pag-iikot sa gubat ay nakarinig sila ng dalawang dalagang nag-uusap. Sinabi ng unang dalaga na nang malaman niyang hinatulang mapugutan ng ulo ang kasintahan ay nagmakaawa siya sa sultang patawarin ito. Pumayag ang sultan kapalit ng kundisyong magpapakasal ang dalaga sa kanya. Nakaligtas ang kasintahan ng dalaga subalit ni hindi man lang sila nagkausap bago siya umalis. Habang inihahanda ang kasalan ay nagdamit gerero ang dalaga at tumakas mula sa kaharian. Ilang taon na rin siyang naglilibot sa kagubatan sa pag-asang mahanap pa ang kasintahan. At sa gubat ngang ito nakita at nailigtas niya ang dalagang kausap mula sa masamang balak ng isang lalaki. Napatay niya ang lalaki sa pamamagitan ng isang panang pinakawalan na bumaon sa dibdib nito.Nakilala nina Florante at Aladin na ang nag-uusap ay walang iba kundi ang kani-kanilang minamahal na kasintahan. Naging napakasayang pangyayari para sa dalawang parehong pinaglayo ng tadhana ang muling pagtatagpo.

        Si Laura naman ang nagsalaysay ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Hindi pa natatagalang nakaalis si Florante sa Albanya upang makipaglaban sa Etolya nang magkaroon ng kaguluhan sa kaharian. Nilason ni Adolfo ang isipan ng mga tao sa pagsasabing may balak si Haring Linceong gutumin sila sa pamamagitan ng paglalagay ng monopolyo sa pagkain at trigo. Kasabay ng kaguluhan ang pagpugot niya sa ulo ng hari at idinamay pa ang lahat ng mabubuting tauhan nito. Kasunod na pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin kapag hindi pumayag makasal sa kanya. Humingi ng limang buwang palugit si Laura at saka agad sumulat kay Florante upang ipaalam ang mga pangyayari sa kaharian. Subalit naunang natanggap ni Florante ang sulat ni Adolfo

 

Copyright 2014. All rights reserved.