Bagamat hindi pa lubos na naiibsan ang sakit na dulot ng pagkawala ng pagkawala ng kanyang ina ay kinailangan na niyang humarap sa napakalaking responsibilidad. Kailangan niyang bawiin ang Krotona mula sa mga Morong sumakop rito.

        Matutunghayan mo rin ang pagkamaginoo ng dalawang magigiting na gererong sina Florante at Aladin. Hahanga ka sa tinuran ni Florante na hindi niya nanaising sapitin ng kanyang kaaway ang hirap na dinanas niya. Mamamangha ka rin sa kababaang-loob ni Aladin na sa halip na ipagmalaking siya ang tinutukoy ng bantog at mahusay na gerero at sinabi na minsan ang balita�y may dagdag at hindi sa lahat ng oras ay dapat paniwalaan. Kung sino ang nararapat na paniwalaan ay dapat na abangan.