|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Sa araling ito, mararamdaman mo ang pait ng sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Florante. Habang siya ay nasa Atenas upang mag-aral, nakatanggap siya ng liham mula sa kanyang ama na nagsasaad na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na ina. Dalawang buwang halos ikamatay niya ang kalungkutan. Hanggang dumating ang ikalawang sulat na nagsasabing kailangan na niyang umuwi ng Albanya. Bago pa man niya lisanin ang Atenas ay maraming bilin at payo ang kanyang maestrong si Antenor na nagbibigay-babala sa maaaring balakin at gawin ni Adolfo laban sa kanya. Sa kanyang pag-alis ay sinamahan siya ng matalik niyang kaibigan na si Menandro. Pagdating na pagdating nila sa Albanya ay hinanap agad niya ang kanyang ama upang humalik sa kamay nito. Lalong sumidhi ang sakit na kanyang naramdaman nang magkita silang mag-ama. Nanumbalik ang pait na kanyang naramdaman dulot ng pagkawala ng kanyang ina. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.