|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Sa araling ito ay makikilala mo ang kababayan ni Florante na anak ni Konde Sileno , si Adolfo. Si Adolfo ay bukambibig parati sa Atenas dahil sa taglay niyang katalinuhan. Nginit nang dumating si Florante ay naungusan siya nito kahit na nakababata si Florante ng dalawang taon. Naging bantog rin si Florante dahil sa kanyang katalinuhan. Ang mga papuring dati ay kay Adolfo, ngayon ay na kay Florante na. At nang dahil dito ay lumabas na ang tunay na ugali ni Adolfo. Ang pagpapanggap niyang mahinhin at mabait ay nabuko nang dahil sa trahedya, isang laro sa Atenas. Ito ay tinanghal nila na naging dahilan upang mahubdan siya ng pagpapanggap at lumabas ang kanyang tunay na kulay. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.