|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Ngayon, ang mga namumutawi na sa bibig ni Florante ay ang pamamaalam. Una siyang namaalam sa pinakamamahal niyang si Laura. Hiniling niya rin ang kaligayan nito kasama si Adolfo at na huwag mangyari sa dalaga ang mga paghihirap na nararanasan niya. Kasalukuyan niyang binabanggit ang pamamaalam niya kay Laura nang biglang dumating ang dalawang leon na akmang sisila sa kanya ngunit huminto ang mga ito sa tapat niya. Ang dalawang leon ay tila bang naawa sa nakitang kalagayan niya. Habang nakatitig at tila nakikinig ang dalawang leon ay nagpatuloy ang pamamaalam ni Florante. Nagpaalam siya sa bayan niyang Albanya. Binanggit niya ang panghihinayang sa kaharian na ngayon ay pinamumunuan na ng kasamaan, lupit, bangis, at kaliluhan na ang pinatutungkulan ay ang pamumuno ni Adolfo. Ikinalulungkot at ikinasasama din ng loob niya nang hindi niya natupad ang pangarap mula pa sa pagkabata na mapaglingkuran at maipagtanggol ang kanyang bayan, ang Albanya. Sa huli’y nailabas niya ang kinikimkim na sama ng loob para sa bayan na sinabi niyang “bayang walang loob” ito ay marahil dahil sa pagkakait ng mga mamamayan na mabigyan man lang ng disenteng libing ang ama niyang nagsilbi sa bayan hanggang kamatayan, sa malupit na si Adolfo, at kay Laura na tinawag niyang mandaraya dahil sa pag-aakalang tinalikuran na siya ni Laura sa harap ng nakaambang kamatayan ang pinakamasakit sa lahat ng itatangis niya. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.