|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Si Aladin na isang gererong Moro na mula sa Persiya ang napadpad sa kinaroroonan ni Florante sa gubat. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan. Mapapansin rin na siya ay mayroong dinadalang problema dahil pagkaupong pagkaupo pa lamang niya ay agad na tumulo ang kanyang mga luha. Ang problemang kanyang dinadala ay dulot ng ginawa ng kanyang ama na pang-aagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na kaya niyang gantihan ang sinumang mang-aagaw sa kanyang kasintahan subalit kailanma’y hindi pumasok sa isip niya at kailanma’y hindi niya maaaring gawin ito sa kanyang sariling ama dahil sa laki ng kanyang paggalang dito kaya’t masakit man sa kalooban ay nagparaya na lamang siya. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.