|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Sa araling ito’y naglalaro sa alaala ni Florante ang pinakamamahal niyang si Laura. Ang mga alaalang ito ang nagbibigay lakas at pag-asa sa kanya. Ang masasayang alaalang pinagsaluhan nila ni Laura at ang selos o panibughong nadarama na baka ngayon si Laura’y nakahilig na sa kandungan ni Adolfo ay naglalaro sa kanyang isipan. Malinaw sa kanyang mga alaala ang mga panahong sila’y magkasama kung saan ipinadarama ni Laura ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal sa kanya. Pumasok rin sa isip niya na ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang ni Laura. Ngunit nanaig pa rin ang mga sandaling ipinapakita ni Laura ang kanyang pagmamahal kaya’t sa kanyang patatangis ay maririnig ang pagtawag niya sa dalaga upang siya’y damayan sa kaawa-awang kalagayan. Ngunit ano mang lakas ng pagtawag niyan sa buong kagubatan ay wala siyang sagot na narinig kaya naman ang kawalan ng pag-asa ang makikita sa kanya habang nakagapos. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.