|
|||
|---|---|---|---|
|
|||
| Sa araling ito makikilala mo si Florante, isang makisig na prinsipe na nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa kanya ang mga hinagpis at pagtatangis dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at ang paghihirap ng kanyang minamahal sa kaharian ng Albanya dahil si Konde Adolfo, na isang taksil at masamang pinuno na sumakop sa kaharian. Halos mawalan na ng pag-asa ang kaawa-awang prinsipe. Sa pagkakagapos niya ay tila napakalapit na ng kamatayan sapagkat alam niyang sa kinaroroonan niya ay walang sinumang maaaring tumulong sa kanya. Maging sa Diyos ay nagpahayag na siya ng hinanakit sa pag-aakalang siya’y pinabayaan na. Subalit sa huli’y napag-isip-isip niyang idaan sa panalangin ang kanyang kalagayan sapagkat ayon na rin naman sa kanya ay wala namang mangyayari sa lupa na hindi pinahintulutan ng Diyos na dakila. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.