|
|||
|---|---|---|---|
|
|
|||
![]() |
|||
| Sa araling ito ay magbabalik tanaw si Balagtas kay Selya, ang pangalang ginamit niya na tumutukoy sa babaeng minahal niya noon na siya ring naging dahilan ng labis na sakit at pagkabigo sa pag-ibig. Narito ang matatamis na alaala nilang dalawa, matatamis na alaala ng kanilang pag-iibigan, tulad ng pamamasyal sa Ilog Baeta, pag-aaliw sa ilalim ng mga puno ng manggang ang mga bunga’y nais pitasin ni dalaga, ang labis na pag-alala niya nang minsang magkasakit ang dalaga, ang pagdalaw niya sa tahanan nilang malapit sa ilog, at ang pagtatampisaw nila sa ilog. Ngunit ang lahat nang ito’y nagtapos at nagdulot ng mapapait na alaala sa nabigong pag-iibigan. Sa labis na sakit ay halos ninais ni Balagtas na mawala na rin sa mundo nang sila’y maghiwalay. Subalit ang kabiguang ito ay siya ring nagtulak sa kanya upang malikha ang walang kamatayang obra maestra, ang Florante at Laura. | |||
Copyright 2014. All rights reserved.