District 3800 / Rotary Clubs / Rotary Club of Valenzuela


Rotary Club of Valenzuela

Chartered
Meeting
Bulletin
URL
e-Mail
May 28, 1974
Maricopa Restaurant, Maysan Rd., Valenzuela ����� Monday 12:00 nn
Arkong Bato



Pres. Jose Maria "Joy" R. De Leon
Spouse - "Malou" De Leon

Officers and Directors

President Jose Maria R. De Leon
President-Elect / Vice President Ferdinand G. Calalang (Club Service)
Secretary Ricardo L. Andrada
Treasurer PP Angel Ricardo Paez
Auditor PP Leonardo B. Santiago
Sergeant-At-Arms Edgardo T. Co
P. R. O. PP Alejandro R. Bautista
Immediate Past President Elizabeth S. Villarica
Directors Rene Macaspac (Vocational Service)
Martin Lim (Community Service)
PP Vicente O. Que, Jr. (International Service)

Roster of Members

Ricardo L. Andrada
PP Geronimo S. Angeles
PP Alejandro R. Bautista
Fidel R. Calalang
Ferdinand S. Calalang
PP Leonardo L. Cho
PP Elizabeth A. Chongco
PDG Santos C. Chua
Edgardo T. Co
PP Carlos S. Concepcion
PP Danilo L. Concepcion
Angelita S. De Jesus
P Jose Maria R. De Leon
Edwindina C. Dela Rosa
Pedro A. Feliciano
Sherwin T. Gatchalian
Virgilio Guillermo
Amalia C. Hernandez
Jerry A. Lim
Martin Lim
Rene Macaspac
Edison M. Nalo
PP Angel Ricardo F. Paez
PP Vicente O. Que, Jr.
PP Leonardo B. Santiago
PP Jessie K. Simeon
Kaynan Shu Too
PP Albert Paul C. Uy
IPP Elizabeth S. Villarica
Eduardo T. Yao

Club Profile

Dalawmpu at walong taon ang matuling lumipas at nalagas sa tangkay ng panahon simula itatag ang Rotary Club ng Valenzuela na sa paglipas ng nagdaang mga araw ay lumalaging matatag at lalo pang pinag-alab ng pagnanasa na makapaglingkod sa nangangailangan sa ating pamayanan sa kabila ng iba't-ibang unos na naranasan ng ating bansa.
Buwan noon ng Enero 1974, nang si G. Ignacio Santiago ang siyang Punong lalawigan ng Bulakan ay masayang nakipagpulong sa mga piling kasapi ng Rotary Club ng Malolos upang matupad and kanyang minimithing pangarap na makapagtatag ng isang Rotary Club sa bayan ng Valenzuela, kung saan siya isinilang. Ang pagpupulong na iyong ay naging hudyat upang ang punla ng magandang simulain ng Rotary International ay kumita ng liwanag sa bayan ng Valenzuela na siyang dahilang upang si District Governor Sally Salazar (ang Governor noon ng Distrito) ay hirangin si PP Maxie Valenzuela (SLN) bilang DGSR at noong Marso 15, 1974 sa tulong nina PDG Benny Santos, Pangulong Bining Crisostomo, Rtn. Marcial Aniag, Ben Araniego (SLN) at Freddie Cruz ay sinimulan nilang kausapin ang mga napipisil na maging "Charter Member" ng Samahan.
Marso 22, 1974 sa kagandahang loob ni PP Jack Presler ng Rotary Club ng Maynila at sa pakikipag ugnayan ni Rtn. Amading Valenzuela ang unang "organizational meeting" ay ginanap sa San Miguel Corp 1890 Reception Center sa Valenzuela at sa pulong na ito ay naging piling tagapagsalita sina PDG MAT Caparas, PDG Benny Santos, District Governor Group Special Representative Coordinator, PP Mon Hechanova, DGGR Goding Cristobal, Pangulong Bining Crisostomo at iba pang kasapi ng Rotary Club ng Malolos. Palibhasa ay nasa puso ng napipisil na maging "charter members" ang tawag ng paglilingkod sa nangangailangan ang naggagandahang paliwanag ng mga tagapagsalita ay naging hamog na pandilig upang manariwa at umusbong sa kanilang diwa at damdamin kung ano ang adhikain at simulain ng Rotary.
Dahil sa mahal na araw, ang sumunod na pagpupulong ay nabalam. Ang pangalawang pagpupulong ay muling ginanap sa kagandahang loob ni PP Jack Presler sa SMC Reception Center noong Abril 17, 1974 kung saan naging panauhing tagapagsalita sina PP Romy Gonzales ng RC Pasay City at Dir. Val Valenzuela ng RC Manila. Dahilan sa ang usbong ng simulain at adhikain ng R.I. ay yumabong na sa puso at damdamin ng 31 lumagda sa kahilingan bilang "charter members" ay pingatibay nito ang Saligang Batas at Panloob na Alituntunin (Constitution and By-laws) ng samahan at pagkatapos ay inihalal ang sumusunod na pamunuan:

Pangulo Jose "Joe" Alejandro
Pangalawang Pangulo Geronimo "Gerry" Angeles
Kalihim Jose "Che" Jasmin
Ingat-Yaman Manuel "Maning" Mapue
Mga Patnugot Aristeo "Aris" Ycasiano
Leonardo "Nards" Santiago
Enrique "Henry" Vasquez
Felizardo "Felicing" Sebastian

Simula noon (Abril 17, 1974) ang samahan ay palagiang nagpupulong sa araw ng Miyerkules sa ganap na ika-6:30 ng gabi, una sa Paxton Restaurant at sa pagkakaisa ng kasapi ay lumipat sa Sampaguita Restaurant. Muli sa pagkakaisa ng kasapi ang pulong ay inilipat sa Barangay Hall ng Valenzuela at noong Hulyo 10, 1975 ang pulong ng samahan ay inilipat sa Maricopa Restaurant. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Nards Santiago, buong pagkakaisang pinagtibay ng mga kasapi ng gawing Lunes ang pulong sa ganap na ika 12:30 ng hapon.
Noong ika-28 ng Mayo 1974 ang Samahan ay natanggap bilang kasapi ng R.I. at ang patalastas hinggil dito ay tinanggap noong Hunyo 10, 1974. Sa gitna ng kagalakan at sa saliw ang matutunog na palakpakan noong ika-24 ng Agosto sa SMC Reception Center ay tinanggap ng Samahan ang "Charter" kay PDG Sally Salazar at ang bagong pamunuan, ang 31 charter members kasama ang 11 bagong kasapi ay nanumpa naman kay PDG Ruben Roxas.
Sa paglipas ng dalawampu at walong taon ang Rotary Club mg Valenzuela ay nanatiling matatag, laging handa sa tawag ng paglilingkod at sa bawat pagdatal ng unos sa gitna ng kadiliman ay laging may bukang liwayway sa araw ng bukas na may taglay na sinag at liwanag ay inspirasyon upang laging makamit ang minimithing tagumpay sa paglilingkod sa pamayanan. Laging may kasaping handang pangunahan ang Samahan sa kanyang adhikain makapaglingkod at makatulong sa nangangailangan. Ngayon ay dalawampu at pito na ang naging pangulo ng Samahan.
Hindi mapapasubalian na ang Valenzuela ay isang bayang may matabang lupa sa ngalan ng paglilingkod kung kaya't nang ipunla rito ang ugat ng Rotary noong ika-28 ng Mayo 1974 ay dagliang nagsupling, yumabong at nagsanga sa ngalan ng paglilingkod at naitatag ang sumusunod:
  1. Rotaract at Interact Clubs ng Valenzuela - Mayo 17, 1975
  2. Inner Wheel Club of Valenzuela - Setyembre 15, 1980
  3. Rotaract Club ng Valenzuela East - Pebrero 19, 1984
  4. Rotary Club ng Valenzuela East - Marso 16, 1985
  5. Rotary Club ng Valenzuela West - Pebrero 17, 1986
  6. Interact Club ng St. Jude Academy
  7. Interact Club ng PCTR
  8. Interact Club ng Valenzuela Municipal High School - Malinta Annex
  9. Interact Club ng Valenzuela Municipal High School - Marulas Main
  10. Interact Club ng Valenzuela Municipal High School - Maysan Annex
  11. Rotary Village Corps ng San Andres - Pebrero 22, 1988
  12. Rotary Village Corps ng Arcong Bato - Agosto 6, 1988
  13. Rotary Village Corps ng Pinalagad - Sepyembre 19, 1988
  14. Children of Mary Immaculate School Interact Club - Abril 3, 1989
Gaya ng dapat asahan at sapagkat sadyang ang mga kasapi ng Rotary Club ng Valenzuela ay karapat-dapat sa paghawak ng tungkulin, ang bawat manungkulang District Governor ay laging humihirang sa Samahan ng District Chairman ng iba't-ibang kapulungan at seminar na itinataguyod ng distrito.


[Home] [Activities] [Rotary Clubs] [Meetings] [Links] [Rotary International]



This page is hosted by GEOCITIES. Get your own Free Home Page.
Hosted by www.Geocities.ws

1