PROFILE     GALLERY     ARTICLE   Prayer For rico     E-MAIL ME 

 Sign Guestbook      View Guestbook


                    I want to be remember by the people that I help.
                             As somebody who always managed to be there,
                                     When they needed me the most. And I always told them,
                                             that no matter what happen, I'll always here by your side.
                                                        And will never stop until, I'll help you to achieve your dreams;
                                                                                                                                                       
-=RICO=-



 
Libing ni Rico Yan dinagsa ng publiko

Libo-libong tagahanga at kaibigan ni Rico Yan ang sumaksi sa seremonya ng libing sa yumaong aktor nitong Huwebes mula sa La Salle chapel hanggang sa musoleo ng pamilya sa Lungsod Parañaque. 

Umaga pa lang, nakaabang na ang mga tagahanga ni Yan sa labas ng bakuran ng La Salle Greenhills, Ortigas Avenue at kahabaan ng EDSA at Manila Memorial Park upang tunghayan ng pagdaraan ng funeral convoy. 

Sa EDSA, naglabasan ang mga residente, nag-oopisina, tindero at karaniwang tao upang subaybayan sa huling pagkakataon ang yumaong aktor. 

May isang oras ang itinakbo ng funeral convoy mula La Salle High School hanggang sa sementeryo. 

Binaybay ng convoy ang kahabaan ng EDSA at South Superhighway bago tumigil sampung metro mula sa musoleo ng pamilya Yan sa Manila Memorial Park. 

Pansamantalang inilibing si Rico sa tabi ng yumaong lola, sa nitsong inilaan para sa lolo na si Ambassador Manuel Yan. 

Ililipat ang mga labi ni Rico sa isang nitso sa gilid ng musoleo makaraan ang ilang buwan. 

Plano sa seguridad
Madaling-araw pa lang dumagsa na ang mga tagahanga ng aktor sa musoleo ng pamilya Yan. Ang iba ay nag-abang sa labas ng bakuran ng La Salle Greenhills sa pagnanais na makita sa huling sandali ang kanilang idolo. 

Bilang tugon, ipinakalat ng Metropolitan Manila Development Authority at Traffic Management Group ang mga tauhan nito upang magsaayos ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan na dadaanan ng convoy.

<<BACK


*This site is constructed in the loving memory of  RICO YAN *


 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1