PROFILE     GALLERY     ARTICLE   Prayer For rico     E-MAIL ME 

 Sign Guestbook      View Guestbook 


                    I want to be remember by the people that I help.
                             As somebody who always managed to be there,
                                     When they needed me the most. And I always told them,
                                             that no matter what happen, I'll always here by your side.
                                                        And will never stop until, I'll help you to achieve your dreams;
                                                                                                                                                       
-=RICO=-



Claudine remembers Rico:An exclusive by Pipol  

Taong 1996 ng unang magkatambal sina Claudine Barretto at Rico Yan sa Radio Romance the movie. 

Sweet sila sa pelikula. Pero sa labas may kani-kaniyang relasyon sila kaya't halos di nila pansin ang isa't -isa. 

"He was very formal, parang very uptight that's how I saw Rico. Then I found out na hindi, kalog pala sya," sabi ni Claudine. 

Sa teleseryeng Mula sa Puso muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. 

Sa kabila ng kanilang love team sa likod ng kamera lagi silang nag-aaway, nagkukulitan. 

Sabi ni Wenn Deramas, isa sa mga nag-direct kay Rico, madalas mag-away ang dalawa noon. 

"Di alam ng tao na nung ginagawa yung Mula sa Puso, magkaaway na sila. Ay naku! Boyfriend pa nya si Mark [Anthony Fernandez]. Kaya naiinitindihan ko, bakit ang init ng ulo nya sa babaeng ito kasi may gusto sya." 

Pinatunayan naman ito ni Claudine. 

"We fight every time. Wala lang kaming pinag-aawayan. We couldn't get along. Kahit ano pinag-aawayan naming sabi ko, siguro may crush ka sa akin kaya mo ko inaaway. Sabi nya, baka ikaw. Pareho kaming pikon." 

Hindi na napigil ng dalawa ang kanilang mga damdamin. 

Isang araw, naging magnobyo na sila. 

Mainit itong tinaggap ng kanilang mga tagahanga at mula noo'y naging isa sila sa pinakamainit na love team sa likod at sa labas ng kamera. 

Sa isang file interview, nang tanungin si Rico kung ano ang nagustuhan nya kay Claudine, sabi nya, "The good thing about Claudine is, siguro there are about a million things that you can like about her. You can't just say na she is nice. For one, she's very thoughtful." 

Para naman kay Claudine, maraming naituro si Rico sa kanya. 

"I learned a million things from Rico, I can't say na ito yung pinakaimportanteng natutunan ko pero sobrang dami eh," aniya. 

"When Rico and I got together, I came from a very bad relationship and he made me feel very special. He'd always say, 'You're beautiful, you're a wonderful person," dagdag nya. 

Naging makulay ang buhay pag-ibig ng dalawa. Malalim ang kanilang pagtitinginan. 

"I'd do anything and everything for Rico no matter how hard sometimes it could be and ganun din sya sa kin," sabi ni Claudine. 

Napag-usapan na rin nila ang pagpapakasal. 

Wala pang kongretong plano pero napag-usapan din nila ang pagpapamilya. 

"Partner kami, team kami. 2003 supposedly [kami magpapakasal], on the first year pa lang, we were joking 2003, pero habang papalapit nang papalapit, pareho kaming natatakot," sabi ni Claudine. 

Sa loob ng apat na taong pagmamahalan di naiwasan ang pagtatampuhan at habang tumatagal nagiging mas seryoso ang kanilang di pagkakasundo. 

"We'll always say na God kakayanin namin. Kahit sobrang hirap," sabi ni Claudine. 

Bago umalis si Rico patungong Palawan nagkasundo silang maghiwalay muna at mag-isip. 

"We were being serious sa relationship namin. Better that you know, we have fun, go out and make sure na ako na talaga," ani Claudine. 

Matapos maipalabas ang kanilang huling pelikula, ang Got to Believe, nag-umpisang maglabasan ang mga balitang hiwalay na sila Rico at Claudine. 

Lahat nakaabang sa mga susunod na pag-amin ngunit pinili ng dalawa ang manahimik at hintaying maghilom at muling mabuo ang relasyong umabot din ng apat na taon. 

Sa huling paalam ni Rico kay Claudine para sa isang bakasyon, sinabi niya kay Claudine na sa kanyang pagbabalik muling maiaayos na ang lahat sa tamang lugar. 

"When we get to settle everything it has to be settled and we just said after Holy week we're not going to talk about it anymore," sabi ni Claudine. 

Pero sa nakabibiglang pangyayari di na muling nabalikan ni Rico ang pangakong iniwan niya kay Claudine. 

"He didn't keep his promise," sabi ni Claudine. 

Marami syang mga mahal sa buhay na naiwan, mga kaibigang naging kasama sa mga oras ng lungkot at saya. 

Kasama na dito ang babaeng kanyang minahal at pinangakuang babalikan. 

"It's so unfair, I was like that at first. But I never blamed God why he did this to me," sabi ni Claudine. 

Nang tanungin kung ano ang pinakamagandang bagay na ginawa ni Rico para sa kanya, sabi ni Claudine, "Loving me, for me it's the best." 

Masakit para kay Claudine na isipin ang pagkamatay ni Rico pero sa kanyang pagkawala mas lalong nabuhay ang kanyang tunay na pag-ibig dito. 

"I was asking why…but I said to God 'just take care of him.' Masakit sobra, I'm not gonna say hi anymore [to him], no one will say goodnight. There are few people I got comfortable with, I cannot hug him anymore, I cannot baby him anymore," sabi ni Claudine. 

Nang nabubuhay pa ay tinanong si Rico kung ano ang nais n'yang pasalamatan kay Claudine. 

"To Claudine I want to thank her for being that strong woman who would always back up her man. If it weren't for her, I wouldn't be where I am right now, sya yung pader na sinasandalan ko," sabi ni Rico. 

Masyadong mabilis ang pagkawala ni Rico. Masyado siyang maraming naiwang ala-ala kay Claudine. 

Mahirap talagang tanggapin na wala na ang taong nakapagbigay sa kanya ng ngiti araw-araw. 

"I thank God for him but I'm scared that I might not be able to let go and to accept it. It will not be going to be the same," pagtatapos na sabi ni Claudine. 


 

<<BACK


*This site is constructed in the loving memory of  RICO YAN *


 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1