Paano nga kaya?
�
Pag-ibig nasaan ka?
Huwag kang magtago sa dilim,
Ang mundo'y kipkip na ng lagim.
Nasaan ka ba't tinulutang ika'y talikuran?
Mag tao'y bulid na sa kasamaam!
�
Sa araw't gabi ay nag-aagam-agam,
Ginagalawang paligid ay walang katiyakan,
Saan man magtungo pag-iimbot di maiiwasan.
Bakit ka naging ganyan mundong aming ginagalawan.
�
Paano kung ang puso'y di tumitibok,
Ang bukal sa batis ay di na umaagos,
At daigdig ay tumigil na sa pag-inog,
Paano na, paano nga kaya?
�