Tatlong Araw

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapos na
araw ng kalokohan
aking kinagalakan
di ko naunawaan
na ako'y masusugatan
di ako makapaniwala
at ako'y natulala
lumulubog, lumalala
ngunit ba't biglang nawala?
tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapos na

tatlong araw naging masaya
isang taong lumuluha
bakit mo kaya nagawa?
bakit ka hindi naawa?
ngunit kung mapabibigyan
angpatalim ay hahawakan
kahit na magmukhang timang
basta magkabalikan!

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapos na
tatlong araw lang pala
di man lang ginawang lima
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapos na
tatlong araw
tatlong araw
tatlong araw
tatlong araw


Back
Hosted by www.Geocities.ws

1