| Maniwala Ka Sana nung una kitang makilala di man lang kita napuna di ka naman kasi gano'n kaganda, di ba? simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito! ako'y napaisip at biglang napatingin di ko malaman kung anong dapat gawin! dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago! napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso bad-trip talaga! nai-in love ako sa 'yo! t'wing kita'y nakikita ako ay napapangiti para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi! minamahal kita! ba't di ka maniwala? anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo? maniwala ka sana minamahal kita! nasisira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa 'yo! kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko! pero bakit para kang naiilang ako ay iyong iniiwasan? ako'y nahihirapan wala namang ganyanan! pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago! ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag "i love you!" kasi di na tayo tulad ng dati! ngayon sa akin ay diring-dire! minamahl kita! ba't di ka maniwala? anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo? maniwala ka sana minamahal kita! minamahal kita! ba't di ka maniwala? anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo maniwala ka sana minamahal kita! back to khangkhungkherrnitz |
|||