| Logic |
| One day, Erap sees Pres. Ramos reading a book on logic. . . Erap : Fidel, mahirap yata iyang binabasa mong libro. Ramos : Hindi, logic lang ito, madali lang. Erap : Ano ba yang logic na yan, hindi ko yata alam yan. Ramos : Ganito lang yan, may aquarium ka ba sa bahay? Erap : Oo. Ramos : Kung may aquarium ka, eh di mahilig ka sa isda. Erap : Oo. Ramos : At kung mahilig ka sa isda, mahilig ka rin sa dagat. Erap: Oo. Ramos : Eh di kung mahilig ka sa dagat, gusto mo pumupunta sa beach. Erap : Oo. Ramos : At kung mahilig kang pumunta sa beach, mahilig ka sa babaeng naka-bathing suit. Erap : Oo. Ramos : Eh kung mahilig ka sa mga seksing babaeng naka-bathing suit, eh di lalakeng-lalaki ka. Erap : Oo. Ramos : Eh kung lalakeng - lalaki ka, eh di siga ka. Erap : Oo. Ramos : Kita mo na na, ganyan lang ang logic! Erap : Okey pala yang logic na yan, ah! The following day, Erap sees Maceda in the Senate. . . Erap : Pare, Maceda, susubukan ko lang itong tinuro sa aking logic ni Ramos. Maceda : Sige nga! Erap : May aquarium ka ba sa bahay? Maceda : Wala. Erap : BAKLA! BAKLA! BAKLA! |
![]() |