Tagalog po...
0121. Mahirap magmahal ng dalawa. Darating din ang panahon na kailangan mong pumili. Sino ba ang dapat? Ang taong gagawin lahat para sayo o ang taong hinahanap-hanap ng puso mo?
0122. Balang araw,, maaring mapalayo ako sayo... maaaring makalimutan mo narin ako... pero naiintindhan ko at ipagdarasal ko na "SANA PAG NAGKITA ULIT TAYO.... ngitian mo parin ako.."
0123. Lalake, maghahanap yan.. Babae, maghihintay naman..Sabi nila, mahirap maghanap pero mas mahirap maghintay diba? nakakapagod.. nakakasawa na, kaya karaniwan, bumibitaw na lang.. may dapat bang sishin? wala diba?
0124. Bakit ganito ang buhay? Magbibigay ang Diyos para mahalin mo tapos kukunin agad. Pano na yan kung mahal mo na yung tao tapos biglang kunin din nya? Hindi ng Diyos ha.. ng IBA!
0125. Kapag sinayang ng isang tao ang pagmahahal mo.. Shempre ayaw mo na. Pero bakit pag may dumating na iba, di natin mabigay lahat? Dahil ba takot ka na? O may naiwan parin sa puso mo para sa kanya?
0126. Ang pag-ibig, parang laro. Sisimulan ng dalawa then sasalihan ng iba. Minsan taya ka pa. Ikaw ang hahabol ang maghahanap. Pero pano pag nakahanap ka ng bagong kalaro? Hahabol ka parin ba kahit puso mo na yung nakataya?
0127. Bakit ganon? Napapamura ko pag namimiss kita. Napapamura ko pag naaalala kita. Napapamura ko pag gusto kita makita. Haaaaaay, tsk. Tang-ina naman oh!
0128. Sabi ko noon di na ko masasaktan, sabi ko kakalimutan na kita, sabi ko di na kita mamahalin pa, na kaya kong gawin lahat yon. Kaso, bigla mo na lang sinabi...mahal kita, mahal mo pa rin ba ako?
0129. Sabi nila mahal mo din ako, kaya hinanap kita, yun pala may hinahanap kang iba, nung nagmakaawa ako, nagalit ka pa...haaaay, minsan na nga lang magmahal, pumapalpak pa...sorry ha, mahal kasi kita eh..
0130. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong nahirapan. pero bakit ganon? sa huli, sino lang yung natira? ako lang di ba?
0131. Sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung...pasayahin mo siya sa piling ng taong mahal niya?
0132. Masakit sa kalooban ang lokohin ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas masakit sa kalooban ang...gamitin ka lang niya.
0133. Sabi nila tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita, kasi okay lang sa akin kahit nandiyan siya, kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. paano pag naging tayo? eh di masaya....isang manhid at isang tanga.
 |
 |
|