Tagalog po...
0081. Lam mo, nung bata pa ko.. lahat ng gusto ko nakukuha ko. Basta iyak lang ako, maya andyan na. Pero bakit ilang beses kita iyakan, di parin kita makuha? Sana habambuhay na lang tayong bata noh?..
0082. Sabi nila gagawin mo lahat pag mahal mo isang tao. Papasayahin, pagbibigyan hangga't kaya. Pano kung saktan ka? Mamahalin mo parin ba? Ako, oo, dahil hindi naman ako nagmahal para lang sumaya..
0083. Noon ko na dapat sinabi na mahal din kita. Pero natakot ako, ewan ko kung bakit. Edi sana ako ngayon ang kasama mo at hindi sya. Kung pwede lang maibalik ang dati noh? Hindi ka na siguro napagod maghintay sakin at hindi mo na sana sya nakilala habang hinihintay mo ko..
0084. Kagabi, tinanong ko si Lord, kung may tanong manhid!?! sabi nya, waLa daw syang ginawang ganun... tumalikod ako at napatungo, bigla nyang sinabi,,, "MANHID NGA BA SYA O D MO LANG MATANGGAP NA KAIBIGAN KA LANG NYA!?!"
0085. Ingatan mo yung taong laging nandyan para sayo, laging nag-iisip sayo laging nagmamahal, lagi nag-aalala, kasi pag yan nawala... mahirap na... kaya ikaw..ingatan mo ako ha?!
0086. Minsan sa sobrang hirap magmahal, gusto na natin sumuko, nkakapagod din kasing umiyak,masaktan at umasa Pero kung eto lang ang paraan para mapatunayan na mahal kita, kakayanin ko lahat...basta anjan ka!...
0087. Pag wala na ako, maaalala mo pa ba? Na minsan minahal kita, na minsan binigay ko lahat ng kaya ko, na pag nabuhay ako ulit, pipiliin ko parin maging sayo...Sana maalala mo no? kahit wala na ako..
0088. Nung nawala ka sabi ko.. "ala tapos na ang lahat!" Pero kanina lang kausap ko sya, may pumatak na luha sa mata ko. Pabulong kong sinabi... "Hindi ko pa kayang mawala sya, mahal ko pa sya!"
0089. Bago mo sabihing mamahalin kita habang buhay! tanong mo muna sa sarili mo kung handa ka na ba? Lahat marunong magmahal, di nga lang habangbuhay! Lam ko mahal mo ako, pero hanggang kailan?!
0090. Gusto ko bago ka pumasok sa puso ko limot ko na ang dating mahal ko, dahil gusto kong ibigay sayo ang buong buhay ko, sakaling bumalik sya, di na nya ako makukuha sayo dahil pagaari mo na ako...
0091. Kung makakasama lang kita, di kita iiwan, di kita pababayaan, aalagaan kita ng mabuti. Alam mo gusto ko katabi kita ngayon para malaman mong ikaw lang ang buhay ko...
0092. Alam mo, lahat ng pangarap mo gusto kong matupad para makita kitang masaya. Pero paano ko gugustuhin na matupad ang pangarap mong mahalin ka niya kung alam ko na kabiguan ito ng pangarap kong maging akin ka?
0093. Sana ako na lang ang minahal mo. Sana ako na lang ang iniisip mo. Sana ako na lang ang namimiss mo. Sana kahit isa sa mga sana ko magkatotoo. Kahit na alam ko na hanggang sana na lang ako.
0094. Ang buhay raw prang biro..kung sino pa ang mahal mo yun pa kukunin sayo. Eh ang pagdating mo sa buhay ko BIRO din ba?? wag naman sana... kase pag kaw kinuha..hindi na nakakatawa...
0095 Pag naging kayo, sana masaya ka, sana magkasundo kayo, sana hindi ka niya saktan at hindi ka niya pabayaan. Sana din ay mahalin ka niya ng lubusan. Pero sana, sana pag kayo na, sana hindi ko na lang malaman.
0096. Pag masaya ka, masaya din ako. Pag may kagalit ka, kagalit ko din yun. Pag may gusto kang gawin, gagawin ko na lang para sayo. Pero pag malungkot ka, masaya ako. Bakit? Kasi dun ko lang naman mararamdaman na kailangan mo ko.
0097. Paano kung isang araw iwan kita? Hahabulin mo ba ko? Uubusin mo ba ang oras mo makita lang ako? Iiyakan mo ba ko kasi mahal mo ko? Hindi siguro kasi kung iisipin ko, pang-ilang balik ko na ba 'to?
0098. Pag-ibig parang basketball. Foul, tama na. Jumpball, yung simula. Freethrow, yung second chance. Pero pinaka gusto ko yung Rebound kase pinilit kitang kunin at ayaw ipaagaw sa iba..
0099. Minsan, it's sad to think na yung taong love mo, di ka love.. nakakainis.. nakakadepress.. yun bang tipong ang kaya mo na lang gawin.. is whisper to the wind.. "ang tanga mo naman! di mo ako mahal!!"
0100. Mahirap magmahal ng patago. Mahirap sumulyap ng panakaw. Mahirap din umasa ng di nya alam. Pero pag inamin mo na, anong kapalit? Pag-ibig nya o kahihiyan mo?
 |
 |
|