Tagalog po...

0001. Di ko namalayan, dahan-dahan ka pumasok sa buhay ko. Pero masaya ko! Wish ko lang sana lagi ka andyan kase i'll be sad kung mawala ka ng dahan-dahan.. ng di ko namamalayan..

0002. Minsan mas okei ang nagiisa sa buhay.. kahit walang nagmamahal at nag-aalaga. Kesa magkasama nga kayo pero buong buhay mo, di mo man lang naramdaman na kahit minsan minahal ka nya at inalagaan..

0003. Ask ko mga nagmamahal sayo kung bakit ka nila mahal. Sabi nila kase cute sya.. kase bait sya.. kase sweet sya.. kase masaya kasama.. ask din nila ko kung bakit kita love.. sabi ko, "la lang.. love ko lang.. kelangan ba may dahilan pa?"

0004. Wag kang matakot magmahal at isiping masasaktan ka rin naman.. wag kang manghinayang kung binigay mo lahat pero nawala parin sa bandang huli.. Isipin mo, bakit ka ba nagpapakatanga sa taong sobrang TANGA para di ka mahalin!

0005. Matagal na tayong nagkalayo pero mahal pa rin kta... Matagal na nang iwan mo ko pero hinihintay pa rin kta.. Matagal na ng sabihin mo na di pwede pero eto pa rin ako umaasa... Matagal na pero.... masakit pa rin pala...

0006. if the day would come dat ul love somebody else, i would stare at ur face, hug u very tight and maybe I would cry while saying, "pangako mo babalik ka..pagwala na sha.."

0007. Sabi nila, para daw saranggola ang taong mahalaga sayo. Gaano man sya kalayo, may tali paring nag-uugnay sa inyo. Hangga't hindi ko ito binibitawan, hindi sya mawawala sayo.. kailanman..

0008. Bakit mahirap kalimutan ang "ex"? Dahil masakit? Hi, hello? Ano ba mas masakit? Ang kalimutan mo sya dahil sa nakaraan mo sya.. o ang kinalimutan ka nya kahit kayo pa?...

0009. Ang taong mahal mo parang paru-paro... Hindi mo kylangan hulihin at hawakan para maging iyo.. Antayin mo lang siya dumapo sa balikat mo ikaw... kung sakaling... hindi ka man dumapo sa balikat ko handa naman akong maging hangin.... na gumagabay sa bawat paglipad mo... di mo man nakikita... nararamdaman mo naman ang bawat dampi ng pagmamahal ko sa pisngi mo..... - Sarah, The Teen Princess

0010. Nung nagmahal ako, I believed in everything: Love at first sight. Happy endings. Destiny. Fairy Tales and even magic! Pero nasaktan parin ako.. Tama nga sila noh? No words can ever define love kundi.. katangahan!

0011. Minsan kailangan maghiwalay para magkasubukan. Minsan kailangan may masaktan para may matutunan at minsan kailangan mong mag-isa para malaman mong.. "siya na nga ba talaga o may darating pa?"

0012. Minsan tinanong ko kay God, "bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan ka rin lang?" Sabi nya, "maging masaya ka dahil minsang naging iyo sya.. kahit nakalaan sya para sa iba.."

0013. I wanna be with you tonight. Watch you sleeping and sing you a song. I wanna be close to you and whisper in your ear.. "matulog ka na, pag-gising mo bukas.. mahal na mahal parin kita.."

0014. May nagtanong sakin kung sino daw mahal ko.. tumingin ako sayo, nasa isang sulok ka, nag-iisa at naka-ngiti. Tinawag kita, "hoy! muka kang tanga dyan! lapit ka nga dito at ipagmamalaki kita!"

0015. Naranasan mo na bang tumabi sa taong mahal mo at bumulong sya ng, "ui mahal na mahal kita.." nagulat ka at nagtanong, "ano?" tapos sabi nya, "wala sabi ko pahiram ng bolpen, meron ka ba?"

0016. Magsawa ka man sakin, dito pa rin ako. Magalit ka nam sakin antay pa rin ako sayo. Kalimutan mo man ako ikaw pa rin palagi sa isip ko. Dahil magbago man ang takbo ng mundo.. di ka mawawala sa mundo ko..

0017. Lahat ng ginawa nya, tiniis ko. Lahat ng pagkukulang nya, pinuno ko. Nagpaka-tanga na nga ako, nag-tiis at nagsakripisyo. Pero bat ganon? Sya pa may ganang lumayo.. diba dapat ako?

0018. Kapag aalis ka, sama mo ko ha? Ayoko kase mapalayo sayo. Pero kung pupunta ka na sa talagang mahal mo, di na ko sasama. Pero promise ko.. ihahatid kita, kahit sa pagbalik ko.. di na kita kasama..

0019. Mahirap mapalayo sa taong mahal mo. Di ka sigurado na di ka nya niloloko. Di ka siguradong kung ikaw lang mahal nya. Ang sakit pa kung sasabihin nyang, "wala ka kase eh.. kaya nahulog ako sa iba..."

0020. Sabi nila mahirap daw akong mapasaya. Siguro di lang nila alam kung pano. Simple lang naman eh! Pag nakikita kita, nakakausap, nakakasama.. Tama na yun! Simple lang diba? Pero mahalaga..

Hosted by www.Geocities.ws

1